CHAPTER 9

5 1 0
                                    

"What do you want?" bulong ko kay Yuriets.

"Uhmm... ikaw? What do you want?" tanong niya.

"Fried chicken. Yours?" sambit ko.

"Don't you love spaghetti?" tanong niya ulit.

"I like it," sagot ko.

"Let's eat spaghetti and fried chicken first?" patanong niyang sabi.

"Sure," sang-ayon ko sa kaniya.

Kumuha kami ng Filipino Style spaghetti at tig-iisang pirasong fried chicken thigh. Umupo kami pabalik sa aming inuupuan kanina at doon kumain. Pagkarating namin ay wala pa sina mama't papa, kumuha pa siguro ng kanilang pagkain.

Sa gitna nang pagkain namin ni Yuriets ay biglang sumulpot si James at umupo sa dating inuupuan niya kanina na katabi ni Yuriets.

Akala ko mag-uusap sila ngunit hindi. Nilingon ko Yuriets at nakitang sobrang tutok ito sa pagkain. Tiningnan ko si James at nagtagpo ang mga mata namin. Ngumiti siya sa akin kaya ngumiti rin ako pabalik. Pagkatapos ay bumalik na siya sa pagkain at ako'y kumain na rin.

Dumating sila mama't papa kasama sina Aling Arianne at Aling Thara. Nagpatuloy lang kami sa pagkain habang ang mga nakakatanda'y nag-uusap sa aming gilid.

Biglang may tumunog. Napatingin ako sa videoke na nasa loob ng sala. Obviously, mag-vi-videoke sila.

Pagkatapos kong kumain ay lumingon ako kay Yuriets na sinimot ang natitirang pagkain sa kaniyang plato. Nang maubos na niya ito ay lumingon din siya sa akin.

"Tapos ka na?" tanong niya. Tumango lang ako.

"Ayaw mo nang magdagdag ng pagkain?" tanong ko sa kaniya. Lumingo-lingo siya.

"Busog na ako," sagot niya.

"Akin na," sabi ko sabay kuha ng plato, kutsara at tinidor na kaniyang ginamit.

"Salamat," sambit niya at nginitian ko lang. Tumayo na ako't pumunta sa kusina at inilagay sa lababo ang mga pinggan.

"Hi! I'm Keiran," rinig kong sabi ng nasa likuran ko. Napalingon ako sa kaniya at ako pala ang kaniyang kinausap. Ngumiti ako bago bumati pabalik.

"I'm Sebastian. Seb for short."

"Nice name," compliment niya. Ngumiti lang ako. Akma na sana akong aalis nang hawakan niyang ang aking braso.

"You're the new neighbor, right?" tanong niya. Tumango lang ako.

"May I know what's your relationship with Yuriets?" tanong niya ulit.

"I like her," diretsong sagot ko. Napakurap-kurap siya't natawa, iyong tawang hindi makapaniwala.

"Wow! You're very sure with her?" she asked again.

"I'm very sure of my feelings for her," sagot ko naman. The atmosphere became quite and my sign to excuse myself.

"If you have no any further questions, may I excuse myself?" Napatango-tango lang siya. Bumalik ako sa sala at nadatnang nag-uusap sina Yuriets at James. Umupo ako sa tabi ni Yuriets na ikinalingon niya.

"Napatagal ka yata?" tanong niya.

"May nagtanong lang," sagot ko. Tumango lang siya at bumalik sa pakikipag-usap kay James. Ako nama'y nanonood at nakikinig sa mga nagkakantahan.

"Sing for me Yuriets," rinig kong sabi ni James. I heaved a deep sigh for I-don't-know reasons.

"I'll sing but not for you," wika ni Yuriets at natawa lang ang kaniyang kausap.

"This, please?" pakiusap ni Yuriets.

"It's an old song," sabi ni James.

"And?" tanong ni Yuriets. Nakikinig lang ako sa kanila habang nanonood sa screen ng television.

"Hindi ka na mabiro ngayon huh," dipensa ng kaniyang kausap.

"I don't think it's a joke," sabi naman ni Yuriets. Biglang tumahimik ang dalawa pero hindi ko na nilingon.

Biglang nag-flash sa screen ang title ng isang kanta.

I think it's a 70s song and a hit back then. I also think that many teenagers know this song. I also know and love this song. This is a pop ballad genre, I guess.

"Kanino ito?" tanong ng isang matandang lalaki na nakahawak ng microphone.

"Kay Yuriets po," sagot ni James at tumayo. Kinuha niya ang microphone at ibinigay ito kay Yuriets.

"Para kanino iyan, Yuriets?" tukso ng iba. Ngunit hindi na sumagot si Yuriets dahil nagsimula na ang kanta. Ako nama'y nag-focus na sa screen ng TV.

I just got goosebumps when I heard Yuriets sung a song like this. It was very angelic for me. She just caught the attention of the people around. Aside from that, it looked like the lyrics was pertaining to us.

Biglang pumasok sa aking isipan ang mga umagang naghihintay kay Yuriets na lumabas sa kaniyang balkonahe. At ang confession naming dalawa pagkatapos maligo sa ulan.

Lumingon ako kay Yuriets at nang maramdaman niya iyon ay tumingin siya sa akin at nag-wink. Napangiti siya sa kaniyang ginawa at bumalik na ang kaniyang pokus sa pagkanta.

Her voice was very soft and soulful. Every move of her was graceful. The lyrics of the song was like our story. The morning, the rain, the sun, the summer breeze, and our warmth.

Nang papatapos na ang kanta ay pumikit si Yuriets at parang dinama ang bawat liriko ng kaniyang kinakanta. I just watched her.

I got what she wanted to say when she sung it. She wanted to know how deep is my love for her.

Natapos ang kanta at nagsimula na naman ang tuksuhan.

"Hindi ko sure kung para kay James iyan o para sa isang katabi mo pa," sabi ng isang lalaking ka-edad siguro ni papa na parang naka-inom na. Tumawa na lang si Yuriets sa kanilang mga tukso. Siniko ako ni papa kaya napatingin ako sa kaniya. Napakunot ang aking noo nang binigyan niya ako ng nakakalokong ngiti.

"That's for you," rinig kong bulong ni Yuriets kaya nama'y agaran akong napalingon sa kaniya ngunit nakatingin na siya sa telebisyon. My heart just jumped. Tumingin na lang din ako sa telebisyon at pinipigilan ang sariling kiligin.

CRAZY INLOVE WITH MY NEIGHBOR [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon