Simula

942 12 0
                                    

Paano at kailan mo nga ba mararamdamang pag-ibig nga ito?

Kung kailan nagtama ang inyong mga mata at may naramdaman kang kuryenteng biglang sumiklab? Kung kailan nagsimula na kayong mag-usap at naging langit ang mga ngiti't tawa niya para sayo? Kung kailan nagsimula mo nang maramdaman ang paglakas ng kabog sa dibdib mo at pagwawala ng paruparo sa tiyan mo sa tuwing kasama siya?

O kung naramdaman mo na ang sakit na hatid nito?

Saan ba?

Kasi para sakin, iyong panghuli ang sagot. Malalaman mong mahal mo nga ang isang tao kapag nararamdaman mo na ang sakit na dulot nito.

Love is fire and I'm burning. Love is fire and you burnt me with it. Love is fire and you let me be buried by it.

Nakakapaso magmahal. Nakakapaso ang sensasyong dulot nito, ang saya, ang galak, ang init, ang kilig, ang intensidad, ang sakit, ang hapdi, ang pighati, ang sugat.

Ito ang apoy at tayo ang alitaptap. Kahit gaano pa itong nakakapaso, kahit alam nating tayo ay mapapaso, susugal, susubok, magbabakasakali—baka makuha natin ito.

At tayo, tayong nagpakahirap at sa wakas ay nakamit ito,

Unti-unting matutupok sa apoy na sanhi nito.

Maglalaho, lilisan, mabubura, liliparin ng marahas na hangin ang abo ng mga alaalang pinagkaloob sa atin ng nakakapasong pag-ibig na ito.

You are the fire and I let myself burnt by you.

You are the fire, and still, I'll keep myself be burnt by you.

Hendrix...

ABDUCTED, AGAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon