Babae//

10.7K 544 19
                                    

Parte II.

"Pwede ka ba sa Sabado?"

Yan ang tanong mo.

Habang kinokopya ko ang assignment mo.

Isang linggo na rin ang nakakaraan;

Nang tayo'y maging magkasintahan;

At nang ako'y iyo na lamang halikan;

Sa lugar na marami pa namang tao ang nag u-umpakan.

Pero sa atin yata'y walang nakapansin at nakakita.

Kaya buti na lamang at hindi tayo tinawag o nasita.

Ngunit bago ko makalimutan ang pakiramdam,

Aaminin ko na akin iyong nagustuhan.

Lalo na nang mga labi natin ay nagka-tagpuan;

Kilig sa loob-looban ay talagang siyang-siya na.

Ngunit ito'y sa'yo ay ililihim muna;

Sapagkat baka kung ano ang isipin, naku, lagot na.

Sandali akong natigilan sa aking pagkopya,

At ika'y tinanong kung saan ba tayo pupunta.

Kung bakit sa Sabado pa, kung pwedeng mamaya na lang.

Napanguso ka, umiling at tila ayaw sabihin ang dahilan.

Maya-maya'y hindi mo yata napigilan.

Iyong sinabi sa akin na gusto mo akong makasama ng matagal.

Yung tipong tayong dalawa lamang, naglalakad ng mabagal-bagal.

Siguro kasi, parati tayong nagmamadali tuwing nasa paaralan.

Kaya ika'y napaisip at ako'y iyong inimbitahan.

Akin tuloy inisip kung sa Sabado'y may gagawin ba ga.

Hanggang sa nalamang wala naman nga.

Kung kaya akin kang tinugunan;

Sinabi sa'yo na sige, basta kamay ko'y h'wag na h'wag mo lamang bibitawan.

Napatawa ka kaya ang sabi ko agad ay biro lang.

(Short Story) Yan ang sabi mo.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon