Ito ay ang aking handog sa inyo....
Siya ay aking naiibigan,
Ngunit siya ay hindi nakakapansin,
Kami ay magkaibigan,
Subalit kahit kailan ay hindi magiging magka-ibigan.Ako ay umamin,
Siya ay nakapansin,
Ako ay naibigan niya daw,
Sapagkat mundo ko'y nagunaw.Siya ay nagpapaumanhin
Ako ay hindi ulit pinapansin,
Sa akin ay may nasira,
Masiyahan lang siya.Ako ay namanhid,
Sapagkat sobrang sakit,
Ako ba ay maniniwala pa ba?
Paniniwalaan ko pa ba ang mga taong nakapaligid?Puso ko'y unti unting nawawasak,
Subalit hindi lang siya ang nakawasak,
Ako ay mapagpanggap,
Sila ay mapagpanggap.Ayaw ko na ng paumanhin
Ang aking gusto ay mapansin,
Aking mga minamahal,
Huwag kayong mababahala.Ako ay kumakapit pa,
Kayo ang aking kalakasan,
Sana'y huwag dito matapos ang lahat
Sapagkat wala pa tayong memorya ng isa't isa.
BINABASA MO ANG
Tula
Non-FictionAng tula na ito ay para sa isang tao na napalapit sa akin ngunit pilit pinaglalayo ng tadhana at sa aking mga minamahal....