Chapter 36 - All These Hate

263 3 4
                                    

From:
www.myscoringapostle.com
November 2014

So who is she? Who is the girl who captured our Scoring Apostle's heart? She's no other than....
Wait, that suits her. "No other than." Doesn't it sound so average, so plain? 

Kaya naman hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa akin kung paano niya nauto si Peter June Simon, ang hinahangaan ng karamihan ng fans ng Purefoods at maging ng ibang PBA teams.

Nagulat na lang ang lahat nang mag-post si @dbuzzketball ng picture kung saan nasa airport si PJ Simon at may kasamang babae. Doon nagsimula ang spekulasasyon kung sino ang mystery girl. Maraming naging 'mystery girl' na hula ng fans. Maraming maganda at sexy suggestions. May mga beauty queen, artista at maging mga courtside reporter.

But no one expected this average girl would turn out to be the mystery girl.

Sino ba ang babaeng ito? Bakit siya nagustuhan ni PJ? Nakasama siya ng Simonatics, fansclub ni PJ, sa isang bowling center nung isang araw. A lot of them said that they didn't like the girl. Ang bata raw para kay PJ at parang maarte raw, mayabang at immature. She even questioned who came up with the bowling activity. Eh, matagal na pong gawain yun ng fansclub at heto siya, darating at magrereklamo sa tradition ng fansclub? Who does she think she is?

Dahil lang girlfriend siya ni PJ ay sa tingin niya pwede na siyang magreyna-reynahan? Magugulat pa ba tayo kung kontrolin niya ang buhay ng scoring apostle natin?

I think, she doesn't deserve PJ. I think she's just in this for the fame. Well, goodluck girl. Hindi ka tatagal.

- ApostlesQueen

Nakita kong binabasa ito ni Drew habang nakatambay siya sa may Central Quad. Fan nga kasi siya ng Purefoods and he follows their Facebook page. Gugulatin ko sana siya dahil mukhang busy siya sa binabasa siya. Pero ako yung nagulat nung makita ko yung mga pictures namin ni PJ.

Seriously, who would take their time and write a post about me? At isa pa, 'no other than' could actually mean 'nothing compared to'... so you know, ApostlesQueen. Get your facts straight.

Nung una, ayaw pang ibigay sa akin ni Drew yung laptop at naghabulan pa kami sa Central Quad. Sa huli, ibinigay rin niya at dun ko na nakita ang blog post na punong puno ng picture namin ni PJ nung bowling day. Apparently, someone sent this link to the admin of the Purefoods fanpage. Anonymous sender daw.

"Cass...sabi ko kasi sa'yo wag mo na tignan. Okay ka lang ba?" tanong ni Drew.
"Oo naman." sabi ko at bumalik na sa lesson plan (LP) na sinusulat ko.

Nagsimula na kasi ang second semester at ang ibig sabihin nun ay magsisimula na rin ang demo teaching at practicum. Sa demo teaching kasi, magpe-present lang muna kami sa mga kaklase namin na para silang mga elemetary students. Demo nga eh. Tapos pag practicum, magtuturo na talaga kami sa mga piling classrooms kung saan io-observe naman kami ng professors namin. Parang OJT. 

"Cass...baka deep inside, nagha-hyperventilate ka na ha." sabi ni Drew.
"Hindi ah."
"Really."
"Well, you don't expect me to be happy about this, do you?"
"Pero wag ka magpapa-apekto ha? Huwag ka na munang tumingin-tingin sa Simonatics tag."
Nginitian ko siya. "I'll try."
"Tara nga, tulungan na kita diyan sa LP mo."

Habang tinutulungan ako ni Drew mag-isip ng activities para sa LP ko, hindi ko naman talaga matanggal sa isip ko kung sino yung nag-sulat ng blog post. Una sa lahat, ang effort. Pangalawa, kung ganun kadami yung pictures niya nung nag-bowling kami, it might mean na andun rin siya nung araw na yun? Pangatlo, nakausap DAW niya yung Simonatics. Ibig sabihin, Simonatic fan nga siya at hindi basta-basta basher lang. Hindi kaya si Tricia ito? Siya lang naman yung parang cold sa akin nung araw na yun. Halos lahat naman nakausap ko at maayos ang pakikitungo sa akin.

The Leading ScorerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon