Haru and Yui ♥

60 3 5
                                    

"Haru, partner kayo ni Yui kasi kayo na lang walang kapartner." Sabi nung club adviser namin. Nandito nga pala ako sa clubroom at dahil first meeting namin, syempre introductions muna at by partner pa. Awkward tuloy. Hahaha.
"Ikaw ba si Haru? Partner tayo ha? Hehehe ang awkward." Eto ata si Yui e. Obviously hahaha. Ang cute nya tas mukha namang mabait kaya keri lang.
"Ang awkward nga e hahaha. Pano pala tayo magiintroduce?" Tas sinabi nya na kung pano kami magiintroduce tas introduction na. Mukhang kinakabahan sya kasi nagkamali pa sya ng grammar hahaha ang cute!

~End of flashback~

Ganyan kami nagkakilala ng bestfriend ko. Ang awkward nung simula tas ngayon daig pa namin ang magkapatid. Well, magkapatid na rin naman ang turing namin sa isa't-isa kasi only child lang sya tas ako naman walang kapatid na babae. Ang dami naming similarities grabe hahahaha. Sa sobrang dami wala na akong maisip. Siguro dahil na rin dun kaya kami naging close. Pero ang opposite namin sa physical appearance hahaha. Matangkad ako, maliit sya. Payat ako, mataba sya. Pero parehas kaming maganda. Maliit na bagay hahaha joke lang!

Nagkaproblema na kami. Syempre part na yun ng friendship at relationship. Nakakailang nga nung nag-away kami e. Pag natatandaan ko yun narealize ko kung gaano ako kaimmature kaya ngayon ginagawa ko yung best ko kung paano maging mabait na kaibigan sa kanila. Medyo mature na rin ako mag-isip. Atleast hindi kagaya dati na hindi nag-iisip bago gumawa ng isang bagay. Ngayon, okay na kami. Tinatawanan na lang pag naaalala yun. Mas naging close nga kami ngayon e.

Parehas pala kami ng crush. Sa sobrang dami ng similarities namin pati ba naman sa crush parehas kami? Haaayyy. Pero never kaming nag-away dun ang babaw kaya. Magpaparaya na lang ako kesa masira friendship namin. (Naks!) Crush lang naman pero you'll never know. May plano kami, magcoconfess kami sa crush namin tas kung may iaccept samin no hard feelings. Nakakaloka nga yung plano e nakakahiya kaya yun. Balak namin magsabi sa graduation para kung ireject kami makakalimutan na rin hahaha!

Graduation na pala. Mas kinakabahan pa ako sa pagamin kesa sa speech ko. Btw, valedictorian ako tas salutatorian naman si Yui. Nasabihan na kami na nagkokopyahan daw kami kaya close kami sa isa't-isa. Excuse us, pinaghirapan kaya namin to. Hahaha. So eto na nga sya unang magcoconfess after ng ceremony.

Tapos na yung graduation ceremony at hinihintay ko na lang sya matapos lahat ng sasabihin nya then ako naman. Huhuhu kakakaba -_- napoopoop na nga ako sa sobrang kaba e. Hahaha kadiri naman. Yan na tapos na si Yui. Huminga ako ng malalim at pumunta na sa direction ni Travis(yung crush namin)

"Congrats, Haru!" -Travis

"Thanks! Uhhhmmm. M-may sasabihin pala ako. *deep sigh* matagalkonggustongsabihinsayonacrushkita." Whoooo atleast nasabi ko na. Nakakakaba talaga.

"Ganun ba ako kagwapo? Dalawang confessions sa isang gabi lang?"

"Yabang mo! Suntukin kita jan e!" Sinuntok ko sya sa braso tas umalis na. Okay nareject ako hahaha. Si Yui kaya? Nakita ko syang nagpapapicture sa iba naming mga kaklase at teachers.

"Yui!"

"Uy Haru! Ano?"

"Ang yabang! Bwisit! Di ko naman inakalang mayabang pala yun. Nakakaasar! Nasapak ko tuloy!"

"Hahahaha! Nireject ka rin? Okay lang yan parehas lang tayo! Life's so unfair talaga."

"Atleast okay pa rin tayo. Congrats pala satin! Laaaabbbbyuuuu!" Tas niyakap ko sya. Nakakatuwang isipin na parang wala lang samin yung nangyari hahaha. Sana bestfriends for life na kaming dalawa kasi okay na okay na okay pag kasama ko sya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 23, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bestfriends for Life(oneshot story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon