THE ABENDYERS PRESENTS: "INCREDIBLE HUNK" BY: DARK PART 2/2

95 1 0
                                    

MALUNGKOT na nakauwi sina Hunk at Tibur sa kanila.

Nakabalik na rin si Hunk sa dati nyang anyo.

"Bakit ganun? Ang gusto ko lang naman ay tulungan ang mga tindero. Bakit nila ako ipinagtabuyan? Basta ba pangit salot agad? Di ba pwedeng gusto lang munang tumulong?" malungkot na sabi ni Hunk.

"Sa susunod kasi, turuan mo ang sarili mo na kontrolin ang iyong lakas." payo naman ni Tibur.

"Ito na siguro ang sinasabi ng matanda na side effect ng pag-inom ko ng potion. Nagiging halimaw ako sa oras na magalit ako."

"Hunk, hindi ka halimaw. Kailangang patunayan mo sa mga tindero na hindi ka masama."

"Para ano pa? Pagkawasak lang ang dulot ko sa lahat." malungkot pa nyang sabi.

Hindi na nagawa pang palakasin ni Tibur ang kanyang loob.

---

KINABUKASAN:

MAG-ISANG nagpunta si Tibur sa pamilihan upang magtinda ng spinach. Hindi na nya nahikayat pa si Hunk na sumama. Malungkot pa rin ito sa nangyari.

Habang palapit sa pamilihan ay napansin ni Tibur ang mga nagkakagulong tindero. Nakiusyoso sya sa mga ito.

Nakita nya ang Taguro Brothers na nanggugulo uli pero may kasama na ang mga ito. Isang super machong lalaki.

"Kuya Taguro, dito namin nakaharap ang berdeng mama na tumalo sa amin kahapon." narinig ni Tibur na sabi ng isa sa Taguro Brothers sa napaka-machong lalaki.

"Gano'n ba?! Nasaan na ang berdeng lalaki na yon?!" sabi naman ng tinatawag nitong Taguro.

Hinarap ni Taguro ang mga tindero doon. Lumapit sya sa tindero ng mga durian. "Nasaan ang berdeng lalaki na nakaharap ng mga kapatid ko?! Magsalita ka?!"

"H-hindi ko po alam. Pinaalis na po namin sya kahapon."

"Kung gano'n ay mapipilitan akong gumamit ng dahas para lumabas siya!"

Itinulak ni Taguro ang mga panindang durian ng Tindero. Nawasak ito sa isang iglap lang. Kumalat Ang amoy nito sa pamilihan.

"Ang mga durian ko!!" sumamo ng tindero.

Tuluyan nang nagkagulo sa pamilihan. Gumagamit na ng dahas si Taguro.

Namataan ni Tibur ang mga nangyari. Nagmadali syang umalis. Nabitiwan pa nya ang mga panindang spinach.

"Kailangan itong malaman ni Hunk!" kumaripas sya ng takbo pauwi. Iniwan na nya ang mga paninda.

NANG makauwi ay kaagad na tinawag ni Tibur ang kaibigan.

"HUNK! HUNK! HUNK!"

Naulinigan naman ni Hunk ang pagtawag sa kanya ni Tibur.

"O, ano 'yon? Anong nangyari, Tibur?"

"M-may kaguluhan sa bayan! Nanggugulo nanaman ang Taguro Brothers pero ngayon ay may kasama na silang super macho na lalaki na nagngangalang Taguro! Kailangan ng mga tindero ng tulong mo!" sabay hila kay Hunk.

"Ayoko! Para ano pa? Para pagsalitaan nanaman nila ako ng kung anu-ano?"

"Pero hahayaan mo na lang bang manggulo sila? Tandaan mo, sabi nga ng isang super hero na kilala ko; A greyt pawer kams wit a greyt respansibilitis!"

"Wow! English? Ano namang ibig sabihin nun?"

"Ewan ko! Pero basta, kailangan ng mga tindero ng tulong mo! Kung magalit man sila sa'yo, problema na nila yun! Basta alam mo na natulungan mo sila!"

THE ABENDYERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon