Chapter 20 .

113 2 1
                                    


~ zoo ~


Sandra POV's


Hindi ko alam kung saan kami pupunta ni greco basta sumama na lang ako sa kanya kanina ... tinatanong ko siya kung saan ba kami pupunta pero hindi niya ako pinapansin .. hanggang sa huminto kami sa isang lugar ...

" andito na tayo .." sabi niya pagkahinto ..

" sa zoo ? Bat naman dito ? .." tanong ko .

" hindi pa kasi nakakapunta dito ee simula nung bata pa lang ako .." sabi niya .

" ohhh ? Kahit ni isa hindi ka pa nakakapunta sa zoo ? So bakit ako naman ang isinama mo rito ? .." tanong ko .

" gusto ko kasi ikaw yung kasama ko sa unang pagpunta ko dito .." sabi niya medyo nahiya naman ako bigla sa kanya .." so ano tara na ..." yaya niya .

" ano pa nga ba ..." sabi ko tapos pumasok na kami sa loob .. grabe medyo matagal na rin akong hindi nagpupunta dito .. grade 1 or 2 ako nun nung huling punta ko dito ..


Nagikot - ikot lang kami ni greco ... sobrang konti na lang at limitado na lang ang mga animals dito hindi katulad nuon .. habang naglalakad kami ..

" wala ka bang feelings kay prince ? .." tanong niya .

" ha ? Sympre wala .. tska hindi naman ako magkakagusto dun nu .." sabi ko sa kanya .

" hindi mo rin masasabi yan .. " sabi niya .

" hindi ako yung tipo na babae na madaling mahulog lang .. bakit sa tingin mo ba kapag nahulog ako sa kanya sasaluhin niya ako ? .." sabi ko

" maybe ? Hindi ko alam .. pero si prince sa tingin mo mafafall siya sayo ?.." tanong niya naman .

" sa tingin ko hindi... kasi hindi naman niya tipo yung katulad ko .. tska hindi rin siya mafafall sa akin .. depende na lang din .." sabi ko .


" bakit ? Bawal ka pa ba magboyfriend ? ." Tanong niya .

" bawal pa .. studies first muna .. sakit na nga sa ulo yung mga subject mo .. sakit pa din sa ulo yung boyfriend mo .." sabi ko .

" basted na pala ako .." bulong niya ..


" ha ? May sinabi ka ba ? .." tanong ko ..


" ahh wala .. sabi ko bili na lang tayo na ice cream ." Sabi niya .

" pero meron talaga akong narinig .. " sabi ko .

" wala nga yun .. tara ice cream na lang tayo mabuti pa .. " sabi niya tapos bumili kami ng ice cream ..pagkatapos namin bumili naglakad lakad ulit kami ..

Tapos may nakita kaming pinagkukumpulan ng tao .. pumunta agad kami dun .. kaya naman pala pinagkakagulahan kasi may napakaling ahas na nakadisplay dun pwede mong hawakan , pwede rin magpapicture ..

" oyy greco ohh ang laki ng ahas .. tara papicture tayo .." sabi ko .

" ikaw na lang .. " sabi niya .. bigla naman akong natawa ..

" hahahaha ... wag mong sabihin na takot ka sa ahas ? Tara na ano ka ba hindi naman nangangagat yan ee .." hila ko sa kanya tapos pumunta kami dun sa may harapan .

Inabot sa amin yung ahas .. grabe sobrang laki .. tapos si greco pulang pula at nanginginig pa nung hawakan niya yun .. hindi siya mapakali tapos pilit lang yung ngiti niya kasi takot na takot na siya .. pagkatapos namin .. " wag na natin uulitin yun .." sabi niya tapos pawis na pawis na siya ..


" grabe takot ka talaga sa ahas .. hahahahhaaha " sabi ko .


" ngayon alam mo na .. " sabi niya tapos nagwalk out siya ako naman hinabol ko siya ..


" hoy greco ! Ito naman hindi na mabiro .. joke lang yun nu ka ba .." habol ko sa kanya .. ang bilis naman niya maglakad kaya ako tinabok ko na lang siya tapos humarang ako sa unahan niya .


" ikaw naman tampo ka kaagad ... sorry na hindi na kita pagtatawanan .. hindi na kita aasarin .." sabi ko sa kanya .

" promise ? Hindi mo rin to ipagsasabi ? .." sabi niya ..

" yeahh promise ko yan sayo .." sabi ko tapos kinurot niya ako sa pisingi ..

" paganti na rin sayo .." sabi niya tapos ako pilit na hindi nasasaktan pero sobrang nanggigil siya sa akin ..

" araaaayyy tama na .." sabi ko .


" ayan nakaganti na ako sayo . Hahahhahahaha " sabi niya tapos tumakbo siya ako naman hinabol ko siya .

" lagot ka sa akin kapag inabutan kita .. " sabi ko tapos tumakbo ako .


Naglaro lang kami magdamag dun .. habulan dito , habulan dun ... sobra akong nagenjoy sa ginawa namin ngayon ... grabe ang saya din naman pala kasama si greco kahit papano kaysa kay prince kasi sa tuwing kasama mo yun puro laro lang alam nun ..

Medyo padilim na kaya nagaaya na rin ako umalis .. " tara na alis na tayo .. baka gabihin pa tayo sa daan .." yaya ko .

" o sige .. hahatid na rin kita sa inyo .." sabi niya .

" naku wag na .. hindi na bali ako na lang .." sabi ko .

" wag na .. ako na lang bayad ko yan sa pagsama mo sa akin ngayon .." sabi niya tapos ako hindi na nagsalita pa .. buong byhe tahimik lang kami .. hanggang sa nakarating na kami ng bahay ..


" thank you greco ha .. sana hindi lang to yung last .. super nagenjoy ako sa ginawa natin ngayong araw .." sabi ko sa kanya .

" naku wala yun .. ako nga ang dapat magpasalamat kasi sinamahan mo ko .. sana sa pagbalik ko dun ikaw pa din ang kasama ko .." sabi niya sa akin ..

" sure basta sabihan mo lang ako .. sige ha una na ako .." sabi ko tapos bumaba na ako pero hinila niya ako hindi na ako nakapalag pa .. pumikit na lang ako pero ang akala ko hahalikan niya ako sa lips , kundi sa forehead niya ako hinalikan ..


" thank you ulit .." sabi niya .

" ahh o sige ingat sa byhe mo .. see you na lang sa school .. " sabi ko pagkababa ko tapos nag babye na siya ..


Akala ko talaga ikikiss niya ako sa lips pero nagkamali ako ng hinali kundi sa noo niya ako hinalikan .. he so sweet  .. pumasok na ako sa loob at nagpahinga na .. maaga pa pasok ko bukas ..


___________________________________________.

I'm Inlove With A CoC PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon