Chapter Nineteen: Death

60 0 0
                                    

Author's Note: Balik na muna tayo sa Lovestory ng ating mga original bidas!! Namiss nyo ata sila. ahhahahh... Heto na oh. Pakatutukan lahat ng mangyayari dito at magagamit nyo yan sa paglutas ng mga Misteryo!! :D Hala ! Mukhang nakakaabala na ako, sige, magbasa na kayo.. 

Ady's Point.

"Oh Tami pauwi na ba kayo??" 

"Yes, pinayagan na kami ni Doc eh.. Kamusta naman ang hotel ko??" 

" Oh, It's fine :D Just like the progress that's happening between you and Shan.." O diba!! ang galing ko magsegway!! Palakpakin!!

*SILENCE*

*Awkward Silence*

"Uhh.. Tami??"

"I still don't forget the way you leave me at the hospital .. I will get back at you Ady" Sabi ni Tami na akala mo ay serial killer sa phone at ako na ang susunod nyang papaslangin!! 

"Ah.. uhhh.. He--- LLO-- T-tami--- Na--pp---yung ----eh!! si-- buk---n---ha! --Bye!! " I quickly dropped the phone after I did that stupid thing. Pag talaga nagbanta ng ganun si Tami.. Naku!! Matakot kana!!

I stared at the room  I am now in. Maganda sya at napakacool ng royal blue na wallpapers.. Kaya lang mapapansin mo ring. Walang ni isang picture. Yes, I'm in Tami's office. Wala syang ni isang picture..  Nakakalungkot isipin na wala syang matino na picture na pwede nyang ipost sa wall nya dito. 

I heard a knock on the door and saw My Micko entering.. Mukha syang depressed at parang kakagaling nya lang sa iyak.. Ano naman kayang pinagdadaanan ng pinakamamahal kong unggoy??

I reached for his hand and held it tightly.

"Can you tell me what happened??"

" A-ady.. She Died " Maikling sagot nya na nakatungo 

"Nagbabasa kana ng stories sa Wattpad ngayon??"  Yun lang ang nasagot ko dahil yung She Died na story ni HaveYouSeenThisGirl ang unang pumasok sa isip ko.. Nagbabasa nga kaya talaga sya?? Ang cute naman kung ganun!!

"HUh???" Yun lang ang nasagot ni Micko.. 

(Pektusan si Ady!!)

"A-ah -ah.. WALA!!  Sinong namatay dear?? " Bumalik na ako sa emote mode namin... 

" M-my First Love " 

Hindi ko ba alam  kung anong ire-react ko. Kasi kung titingnan mo, mukha syang depressed at parang sampong taon hindi kumain.. Then, bakit ganito sya mag react?? Teka teka!! Nagseselos ba ako??!!! No way!! Wala namang dapat pagselosan.. 

"K-kelan?? P-paano?? B-bakit??" Sunod sunod kong tanong sakanya

"Hndi ko pa alam ang details eh.. Binalita lang saakn ng mama nya. Nakakalungkot nga dahil ang bata pa nya.. " 

I held his hand and placed it in my face..

"Puntahan natin sya.. " Pag kasabi ko nun ay nagliwanag ang mukha nya at dalidaling tumayo nung hinigit ko. Siguro ganon nya minahal ang first love nya kaya ganun nalang sya mag-alala at mag emote.. 

I left a note for Tami and then we headed for the place where Micko's First Love's burial is happening. Tahimik lang sya sa byahe. Nakatulala at hindi kumikibo. Ayoko rin naman magtanong ng tungkol sa kanila at baka ano pa ang masabi ko. Para ngang ibang Micko Amarillo itong kaharap ko. Hindi sya yung laging may ngiti sa mga labi, laging masigla ang mga mata, yung laging enegetic. Yung laging nangungulit. Hindi sya ganito ngayon eh. Matamlay sya, nakangungot, nakatulala lang, hindi ko pa nakikinig yung tawa nya, Ibang iba na sya!!!!! 

Sa aking pag liliwaliw kung saan kami pumupunta ay napansin kong, papunta pala kami sa dating city kung saan ako nakatira. Nakita ko ulit ang dati kong highschool at University na pinapasukan.. Parang ganun lang din naman yung itsura nya, wala ganong nagbago. Gumanda yung city namin dahila andami ng establishments at parang modern na talaga syang tingnan. Nung dumaan nga kami sa Park na lagi naming tinatambayan dati ni Jasper  nagulat ako dahil ang laki na ng pinagbago nito. Punong puno ng flowers at ang ganda nung fountain.. Naalala ko tuloy nung nag uuli kami dito ni Jasper.. Nakaupo lang kami sa bench at nagkukwentuhan..  Kahit nga ganun lang kami hindi ako nagsasawa sa place na ito. Haaayy, Three years na , pero alalang alala ko parin ang mga ganitong bagay.. 

Tumigil ang sasakyan namin sa malaking funeral home at doon ko nakita ang first love ni Micko. Dali dali nga syang lumabas ng kotse at tumakbo papunta, doon sya tumitig ng matagal sa babaeng nasa kabaong.. Agatha ang pangalan nya at bata lang sya saakin ng one year.. Nang mapuntahan ko ang kinarooonan ng casket nya, ay nagulat ako dahil umiiyak si Micko... Humahagulgol talaga sya at halos maghalumpasay nadoon. Pero mas lalo akong nagulat nang makita ko kung sino ang nasa kabaong:

Yun yung babaeng nakilala ko sa  airport.

Yes.. sya nga, Hindi ako pwedeng magkamali. Ang babaeng may leukemia ata. Ang babaeng hindi agad agad nagka-clot ang dugo. Ang babaeng sobrang cute. Sya talaga.. Hindi ako nagkakamali.. 

Sya pala ang first love ni Micko.. Medyo nagulat ako. Kasi naalala ko, may asawa na sya. Paano naman kaya nakaya nitong babaeng ito na iwanan si Micko para sa iba .. Si Micko na ang ideal man mo eh, so bakit pa sya naghanap ng iba?? Kung ako sakanya. hndi ko iiwanan si micko..

Biglang dumating yung mother ata ni Agatha.. 

" Micko..." Hinug nung babae si Micko at medyo humupa ang pag iyak ni Micko . 

"Tita, I'm sorry for making a scene here. "

'It's okay my dear.. parang pamilya kana nga namin.. Natural lang na magkaganyan ka.. "

" Tita, Asan po ang husband ni Aga?"

'Ah. Umalis lang.. Babalik agad sya.." Sagot nung babae at napatingin naman saakin..

'Tita! Sya nga po pala si Ady. Friend ko" Saad ni Micko sabay handshake ko sa mama ni Agatha. 

Friend ko

FRIEND ko

Friend

So, friend lang pala ako.. 

Nung natapos na si Micko makipag usap ay umalis na kami. Pero nirequest ko muna sa driver na dumaan muna sa dati naming tree house. Gusto ko lang makita kung kamusta na ang tree house ko. Mabilis akong bumaba ng sasakyan at dumeretso na sa tree house. Tahimik roon. Ganun parin ang itsura nya. Malinis at lhat ng gamit ay nandun parin. Mabuti naman at inaalagaan ng care taker itong tree house na to. Andun parin lahat ng  stuff toys na napanalunan namin ni Jasper. Lahat ng pictures namin at lahat ng DVD na favorite namin. Parang pag tumira ulit ako dito ay maiinlove ulit ako kay Jasper kahit wala sya dito.

Malapit na sana akong umalis nang biglang makarinig ako ng kalampag sa kwarto. 

"Teka!! Magnanakaw ata yun!!"  Bulong ko.. 

Dali dali akong pumunta sa kwarto at pagkabukas ko ng pinto ay bumulaga saakin ang isang tao.

" A-ady??" 

"I--ikaw??"

Inabot nya ang kamay ko, pero bigla akong tumakbo palabas naramdaman ko nalang na umaagos na ang luha ko..

"Ady wait!! I want to talk to you!!" Sigaw nya na hinahabol ako.

Pagkalabas ko ay nakita ko si Micko na nasa labas ng kotse at nakatulala. Nagulat sya nang makita akong umiiyak at natakbo. 

"Ady?? What happened???" 

"Mamaya ko nalang ieexplain Micko. Umuwi na tayo.. "  Sagot ko nalang at nung papasok palang ako;

"Ady!!" Biglang lumabas ang taong kanina pang humahabol saakin.. 

"Micko??" Sabi nya nang makita si Micko.

"J-jasper??" 

Tanong naman ni Micko

"Micko!! Tara na!!! " Sigaw ko nang makasettle na ako sa car seat.. Dali daling pumasok si Micko at humarurot ang sasakyan .. Naiwan naman ang lalaking yun doon.. Nagtataka at naguguluhan.. 

Are We Meant for Each Other? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon