Naaalala ko pa nung 1st year pa lang kami. Parehas kaming new students. Magkatabi kami. Naaalala ko pa yung kulitan namin. Yung greet niya? Akala ko "hello", hindi pala. Filipino time nun eh... Yung by partner, mag-iisip ng pabula. Dapat share share daw. Pero yung feeling na nahihiya ako nun :)
"Hoy, isip ka daw.." siya unang nagsalita. Nilapit niya yung chair niya sakin.
"Maka hoy wagas ah. Ikaw na mauna."
"Ano bang alam mong pabula?"
"Madami eh..Ikaw na mauna."
"Ikaw na"
"Ikaw na."
"Ikaw nga sabi eh."
"Eh ikaw nga. Wala akong maisip eh!" sumandal siya sa upuan niya.
Ang kulit naman!
"Uhm, alam mo yung Ang Aso at Ang Uwak?" tanong niya
"Hindi eh. Basta yun na lang. Isulat mo na sa papel." ngumiti ako sakanya.
Ang gwapo pala niya *o*
Nagsimula na siyang sumulat. Hala, gwapo nga, pangit naman ng sulat! Wala akong maintindihan kahit isang word!
"Ang GANDA naman ng SULAT mo!" sabi ko, with a sarcastic voice.
"Hala sige. Mang-asar."
"Joke lang. Bakit Destiny pangalan mo? Pambabae!"
"Eh bakit Rachelle pangalan mo?"
"Eh kasi ewan??"
Dun kami naging close. Pero after ng araw na yun, pinaiyak niya yung new best friend ko. Syempre nagalit ako kay Destiny.
"HOY! Baliw ka ba?! Ano bang problema mo at pinaiyak mo yung best friend ko?!" sinigawan ko siya harap-harapan.
"Hahahaha! Ano ginagawa ko sa inyo? Tss." umalis siya kasama yung mga barkada niya.
Pero nagsorry naman siya sa best friend ko, kaya okay na. Kaya ayun nagkakauusap na ulit kami. Palaging magkalapit yung chairs namin. Wala pa akong gusto sakanya nun. At yung crush niya? Inamin niya sakin. Crush niya best friend ko. Close na kami. Nagkaka asaran. Inaasar niya akong pandak. =_= Syempre gumaganti ako!
Walang malisya yun. Pero isang araw, matatapos na yung 1st quarter, parang yung puso ko tumitibok ng malakas kapag kausap ko siya.
At dun ko nalaman, gusto ko na pala siya. Pero next week daw nun, liligawan niya na yung best friend ko. Ang sakit nga eh. Nakaramdam ako ng selos. Yung "sana ako na lang"
"Rachelle, tulungan mo naman ako kay Claire. Ayokong mabusted eh." -Destiny
"Ha? Ahh sige ba."
Kahit kelan, ang bait ko sakanya. Inamin sakin ng best friend kong si Claire na may nararamdaman siya kay Destiny. Oh diba? Ang sakit kaya nun.
~
At naging sila nga. Super sweet nila. 3 months na sila. Ang effort ni Destiny. Hindi niya na ako kinakausap at pinapansin. Same as Claire. Puro Destiny na lang. May mga new friends na ako sa classroom. Kapag kinakausap ako ni Destiny, bigla na lang susulpot si Claire. Nagseselos daw kasi siya. Naman =_=
"Rachelle, gusto mo si Destiny diba?" tanong sakin ng bago kong kaibigan na si Christine
"Ha? Hindi ah!" sagot ko
BINABASA MO ANG
In Love With My Seatmate (One Shot)
RandomNagsimula lang nung 1st year kami. Dun ako na in love sakanya.