Prologue

6 2 2
                                    


Napahilot sa sintido si Thiatira sa dami ng trinabaho ngayong araw, tila wala itong katapusan sa dami ng operations na tatapusin ora mismo. Their company is the one who supplies a branded wine or any kind of alcoholic drink all over the Asia kaya ganoon na lamang ito ka busy. She's the only one handling it, maaga rin kasing nagretire ang papa niya sa edad na 54.

"Trina, pakidalhan ako ng kape dito, please." Sabi niya sa intercom na nakakonekta sa desk ng secretary niya.

Habang binabasa ang isang papeles bigla namang bumuhos ang malakas na ulan, ngayon lang niya napansin na madilim na pala ang langit dahil sa sobrang busy. Sana lang wala itong kasamang kidlat dahil takot pa naman siya dito.

Maya-maya dumating na din ang kapeng iniutos niya sa kanyang sekretarya. Tumayo siya at pumunta sa isang malapad na glass window bitbit ang kape sa kamay.

She smiled, she will always love seeing the rain. Oddly, it brings happiness to her heart, di niya maipaliwanag pero maganda ang idinudulot ng ulan sa puso niya. Sumimsim siya sa kape.

The thunder roared in the sky, napaigik siya kaya nabitawan niya ang hawak na kape.

"OH MY GOD!" She shouted in fear.

Napahawak siya sa dibdib sa sobrang kaba. Napaupo na lang siya dahil nanlambot ang mga tuhod dala ng takot.

"Miss CEO!" napatingin siya sa pinto kung saan ang sekretarya niya ay di magkamayaw sa paglapit sa kanya.

"Ok lang po ba kayo?" she nodded

"Don't mind me Trina, it's just a small cut" napatingin siya sa daliri niya kung saan may sugat dahil sa mga bubog na aksidente niyang nahawakan.

"Call all the department heads, umuwi na kayo ng maaga. Bumibigat na rin ang buhos ng ulan, baka maabutan pa kayo ng baha sa daan." she nodded. "May first aid kit naman sa Cr, I can handle naman"

Tumayo si Thiatira mula sa pagkasalampak sa sahig papuntang banyo kung saan nakalagay ang First aid kit.

She sighed and started mending her small injury. Napatingin siya sa pinto kung saan may kumakatok, nagtaka naman siya.

"Come in" she said

A boy janitor entered and start cleaning the coffee in the floor. Her brows furrowed.

Di ba siya nito nakikita?

"Uh, hello!" Thiatira awkwardly greeted. Napatingin naman ito sa kaniya, mula sa mukha papuntang kamay niya. Tumayo
ito at pumunta sa tabi niya

"Anong nangyari diyan miss CEO?" tanong nito.

'Mabait naman pala'

"Ahh, nasugatan lang ng bubog"

He hold her hand, at nagsimula ng gamutin ito. Tiningnan niya lang ito habang busy ang lalaki sa sugat niya.

"Tapos na po Miss CEO" Sabi nito sa kanya. She nodded continuously.

"Next time pag may sugat ka, I'm just one call away Miss CEO" he stood up and get his things, papunta na ito sa pinto nang lingunin siya nito.

"Till next time, Miss CEO!" he cheerfully said and winked at her.

She stilled...

WAS HE FLIRTING?!

                         

ALL RIGHTS RESERVED
COPYRIGHT @2023 PHEONIXISH

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 14, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

City Light Series #1Where stories live. Discover now