Napahikab ako habang hinihintay ang aming Principal. Halos limang minuto na kaming naghihintay dito sa loob ng faculty room dahil may meeting ang High School Department ngayon. Habang si Juan naman ay busy sa kaka-chat sa girlfriend nya.
"Mag b-break din kayo." Sabi ko kay Juan na walang panay ang pag-ngiti.
"Ano na naman Zy? Ingiit ka lang dahil walang nag mamahal sayo."
"Ang harsh mo naman magsalita eh sinagot ka lang naman n'yan kasi no choice s'ya."
"Anong no-" Hindi nya na natapos ang kanyang pagsasalita dahil agad na dumating si Gab.
"Sorry for being late. Mom can't make it today dahil may urgent s'yang pinuntahan." Panimula ni Gab nang makarating na sya sa harap.
Mahigit isang oras din bago natapos ang aming meeting. At ngayon palang na s-stress na ako dahil may gaganapin kaming classroom beautification. Contest ito kung saan pagandahan ng classroom ang labanan. Mahirap dahil dagdag trabaho at mababawasan na naman ang oras ko sa pagre-review.
Napag-usapan din kanina ang bagong design ng uniform namin. Kaming mga bagohang guro naman ay naka- formal attire lang dahil next month padaw makakarating ang bagong uniform. Mabuti naman. Nakakapagod na mag-isip kung ano ang isusuot araw-araw. At mas maganda pag may uniform, kasi minsan napagkakamalan akong estudyante dito. Tsk
"Zy!"
Natigilan ako sa paglalakad nang biglang may tumawag saakin. Si Gab.
"Y-yes, Sir?"
"Hatid na kita, if it's okay with you."
Bigla naman akong namula sa sinabi n'ya. Hindi pwede 'to. Hindi pa ako handang kausapin s'ya. Bigla ko naman nakita si Juan na papalapit na sa direksyon namin.
"Ay, nako 'wag na Sir. Magre-review pa kasi kami ni Juan." Sabi ko sakanya. At tinawag si Juan na agad naman huminto sa harap namin habang nakakunot na naman ang nuo.
"Ano?" tanong nito. Ang sungit talaga ng isang to, sobra pa sa babae. Di ko alam kung paano ito natitiis ng girlfriend nya.
"Ay hello, Sir!" sabi nya pa nang mapansin si Gab. Ang plastik.
"Diba magre-review pa tayo?" sabi ko sabay *sumabay ka nalang* look. Nakita ko naman na mas lalong kumunot ang noo nito kung kaya't pa-sekreto ko s'yang kinurot sa tagiliran.
"Okay, I see. Saan kayo? So, I can drop you off." Wika naman ni Sir Gab.
"Naku, 'wag na sir. Out of the way din naman ang pagre-reviewhan namin. Sige sir, mauna na kami." Di ko na s'ya hinintay na sumagot at naglakad na papalayo habang hinihila si Juan.
"Oh ayan na ang barbeque mo, isaksak mo d'yan sa bunganga mo" sabi ko kay Juan sabay lagay ng barque sa harap nya.
"Thank you, fren! Sana araw-araw tayong mag re-review para araw-araw may libreng barbeque." Sabay lamon nya ng barbeque.
"Tumahimik ka nga't kumain kanalang d'yan, buraot ka!"
"Walang rice?"
"Maghintay kang hayop ka, dahil kumukuha pa si manang"
"Ganda ganda mo ngayon, fren" sabi nya pa sabay pa-cute. Yung mukhang parang naka-jackpot. Hayop talaga!
"Kadiri ka!"
Dahil sa nangyari kanina ee, napilitan akong e kuwento kay Juan ang tungkol kay Gab at kung bakit ko ito iniiwasan at kung bakit magkakilala kami. At dahil nga daw ginamit ko s'yang rason kanina, meron daw akong utang na loob sa kanya kung kaya't nagpalibre na naman itong patay gutom na ito.
BINABASA MO ANG
Lifetime Universe
Beletrie"If this universe won't let us, then let's escape and create ours."