Sixteen

300 10 26
                                    

Ryan’s POV 

Wag kang lalayo sa tabi ko Ryan, sa’kin ka lang sumama, safe ka sa’kin.

Bakit ganun? Ginawa ko naman ah? Sa kanya lang ako sumama. Hindi ako lumayo sa tabi niya. Sabi niya safe ako sa kanya. Pero bakit ngayon ganito? Nasasaktan ako! Kulang pa ba yung  mga ginawa ko para sa kanya? Ano pa bang kailangan kong gawin? Nakakainis!

Andito ako ngayon sa, ewan! Malay ko ba naman sa lugar na to eh dinala lang naman kami ni Kris dito. Basta ang gusto ko mapag-isa.

Lakad lang ako ng lakad hanggang sa mapadpad ako sa isang open ground. Tumigil ako at naupo sa tabi ng isang puno. Dito na lang muna ako.

Kevin’s POV

Kevin! Ang tanga mo! Ano na naman ginawa mo? Napasobra ka na naman! Haaay! Nasan na yun? Kevin kasi!

Patakbo na halos ang lakad ko, lahat na ata ng eskinita dinaanan ko na sa pagbabasakaling nandun siya, pero wala! Hindi ko pa rin siya makita! Ryan nasan ka na ba kasi!

Tuloy ako sa pagtakbo, patigil tigil pa rin sa mga eskinitang madadaanan. Tae naiiyak na ko! Nasan na ba kasi yun? Pano kung may masamang mangyari sa kanya? Sabi naman kasing sa tabi ko lang siya lagi eh!

Ilang minuto pa ng pagtakbo at nakarating ako sa isang open ground. Napakalawak ng lugar na ‘to, nandito kaya siya? Kevin maghanap ka na kaya? Dali-dali kong nilibot ang open ground, hanggang sa madako ang tingin ko sa isang puno, may tao dun na nakahiga. Agad akong lumapit dun para tingnan kung si Ryan ba yun.

“Ryan? Ryan ikaw ba yan?”

 

“Hmmm?”

Pagtingin ng lalaki hindi pala siya si Ryan. Ano ba yan nakakahiya -___-

 

“Ay sorry po! Sige po una na ko.”

“Teka lang!” sabi ng lalaki sabay hawak sa braso ko, “Ginising mo ko tapos bigla ka na lang aalis? Dito ka muna! Samahan mo muna ako dito.” sa tono ng pananalita niya halatang naka-inom siya.

“Naku sorry po pauwi na po kasi ako. Pasensya na po talaga, akala ko kasi ikaw yung kakilala ko. Sorry po.” pilit kong binabawi yung braso ko mula sa hawak niya, pero masyadong mahigpit ang pagkakahawak niya.

“Mamaya ka na umuwi, dito ka na lang muna. Wag kang mag-alala masaya naman akong kasama.” hinihila na niya ko paupo.

“Sisigaw ako dito kuya pag di mo ko binitawan.” tapang-tapangan kong sinabi sa kanya.

“Sisigaw? Hahaha. Walang makakarinig sayo dito. Kahit anong lakas pa ng sigaw mo wala pa rin yang kwenta. Kaya nga umupo ka na dito.”

I Wish: You & I Forever [BoyxBoy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon