"Ghorl, hindi ka man lang nahirapan sa paghahanap mo ng kumpanya, sikat na sikat pa yung kumuha sa iyo. Ikaw na talaga ang babaeng pinagpala." Malanding sambit ni Brandon.
"Pwede kitang irecommend sa office ni kuya Neith?" naiiling iling kong sabi. Nahihirapan daw kasi siya na maghanap ng pag aaplyan sa OJT namin. Ayaw naman niya sa kumpanya ng pamilya niya at baka daw mahalata siya ng tatay niyang general.
"Hay kahit bet ko si fafa Neith, ayoko rin dun gusto ko magkasama tayo. Isama mo na lang ako sa office ni fafa Altis. Para magkasama tayong dalawa, pag may umapi sa akin ipagtanggol mo nun ako." Nagmamakaawa pang nag twinkle twinkle ang mga mata niya.
"Hindi ko maipapangako sa iyo na matatanggap ka dun kasi kung ako nga napilitan pa si Altis."
"Pero sama ka mamya sa office niya, subukan natin kung makukuha ka rin dun. Kuhanin natin yung letter kay dean at sabay nating ipasa sa kumpanya." Dagdag ko pang sambit. Sana naman makuha din si Brandon para naman may sasampal sa akin kapag masyado na akong naging marupok kay Altis.
"Love Love you so much Andeng!" sabay kurot nito sa pisngi ko, nakasanayan na nya na ganun ang paglalambing sa akin. Kung sa malayo at makikita kaming ganoon ang kilos, mapag iisipan talaga kami na may relasyon.
------------------------------------
"Ghorl, kinakabahan ako." Pabulong na sambit ni Brandon
"Magpapasa lang naman tayo ng application letter at resume' ngayon." Kibit balikat kong tugon sa kanya.
"Hindi ka kinakabahan kasi tanggap kana bago pa man makapagpasa!" irap pa niya sa akin.
Kanina pa kami nakatunghay sa building nina Sir Altis.
"Hotel de Monteclaro" is a five star hotel that offers their guests the highest levels of luxury through personalized services, vast range of amenities and sophisticated accommodations.
Dito madalas mag check-in ang mga sikat na international artist na namamasyal sa bansa pati na rin ang mga pulitikong bisita ng pangulo. With the hotel's very responsible security alarm system and implementing procedures that aimed to protect the personal properties of guests against wicked activities.
"Magandang Buhay Maam/Sir, Welcome to Hotel de Monteclaro. How may I help you?" bati sa amin ng isa sa mga front desk Receptionist.
"Hello po maam, magpapasa sana kami ng application form para makapag OJT dito." Nakangiti kong sagot sa magandang receptionist ng hotel.
"Wait lang po tatawagan ko lang ang HR office". Masuyo pang ngiti ng receptionist at saglit na iniangat ang telepono, mabilis na sinabi sa kausap ang aming pakay.
"Here are your Visitor's IDs and magproceed kayo sa third floor. Just look for the HR office." Wika pa nito sa amin pagkatapos makausap ang HR personnel.
Agad niyang itinuro ang elevator upang magamit namin ni Brandon. Maliksi naman kaming nagpasalamat sa kanya at tinungo ang lakad sa elevator na tamang tama naman na mabilis na bumukas, tanging kami lang dalawa ang nasa loob.
Ghorl, kabado ang lola mo." Mahinhing niyang bulong sa akin na kinataasan ko ng kanang kilay.
"Ikaw? Kinakabahan?"
"Baka kasi hindi ako matanggap. Ayoko pa naman sa ibang kumpanya, gusto ko talaga ghorl magkasama tayo." Masuyo pa niyang hinawakan ang aking braso at tila naglalambing na hinilig sa aking balikat ang kaniyang ulo.
BINABASA MO ANG
Men In Uniform (MIU Series 2) Altis Terron Monteclaro
General FictionLangit siya, lupa lamang ako. Sa malayo ko lamang siya pwedeng mahalin. Sa panaginip ko lang siya pwedeng maangkin. At kahit anong gawin ko, hindi kami pwede? Hindi siya magiging akin. Hanggang pangarap ko na lang si Altis.