PROLOGUE

29.5K 331 0
                                    


"LADIES AND GENTLEMEN WE HAVE JUST LANDED AT NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT..."

Matapos ng mahabang biyahe ay nakabalik bansa na ulit ako matapos ng pag vlovlog ko sa isang hotel at resort sa Japan. Naging trabaho ko na ang pag tratravel at ang pag vlovlog. Maswerte pa rin ako dahil kahit papaano ay masaya ako sa ginagawa ko. Napupuntahan ko mga gusto kong puntahan at the same time, nagkakapera pa ako.



Noon una ay nahirapan ako sa gusto kong gawin dahil takot na ang mommy ko na magkaroon pa kami ng koneksyon sa bawat bagay na mayroon kinalaman sa eroplano at pagpipiloto. Isang Pilot Captain kasi ang daddy ko. Namatay siya dahil sa plane crash na siya naman pinagmulan ng pagkamuhi ng mommy ko sa mga bagay na may kinalaman sa nangyari kay Daddy.


Ako nga pala si Maraiah Queen Arceta. Bunso sa aming dalawang magkapatid, tapos sa kursong engineering. Bente singko anyos, maganda at bukod sa lahat ay Single. Magmula kasi na magkaisip ay ni minsan hindi ko nakitang magkasama ang mga magulang ko, lumaki na hindi naniniwala sa love dahil sa laging magkalayo ang mga magulang ko.

Kasi kung mahal naman talaga nila yung isa't isa pipiliin na lang nilang magsama hindi ba? marami naman paraan. Duh!

Ang kuya ko naman na si Akira Arceta ay nasa kwarenta'y dos anyos na, labingpito ang tanda sa akin kaya naman ay may sarili na itong pamilya at sariling kumpanya. Tapos sa kurso ng mga piloto ang kuya ko pero ng dahil sa nangyari sa daddy namin ay hindi na siya pinatuloy ng mommy ko at nagtayo na lang ng sarili niyang kumpanya.

Ngayon ay pauwi na ako sa bahay ng kuya ko para dalawin si mommy pati na rin sila ang asawa niyang si Ate Gwen at ang dalawa ko pang pamangkin. Actually, may sariling bahay naman kaming tutuluyan ni mommy, yung dati naming bahay, kaya lang dahil sa pagiging travel vlogger ko ay walang makakasama si mommy sa bahay kaya minabuti na lang ni kuya na kunin si mommy at sa kanila tumira. Kaya naman kapag uuwi ako rito sa Pilipinas ay kila kuya na ako tumutuloy ng ilan araw at syempre umaalis din.



"Pagkahatid ko sayo sa bahay nila kuya Akira, lubayan mo muna ako ah"


Nakalimutan ko, may bestfriend nga pala ako, si Sheena Catacutan. College Besties hanggang sa ngayon. Minsan kapag may oras siya ay sumasama siya sa mga travel ko kagaya na lamang ngayon.


"Wow! kasalanan ko pa palang dalhin ka sa dream country mo"


Habang hila-hila namin ang mga maleta namin ay kumukuha naman ako ng ilang video para sa mga susunod ko pang mga vlogs. Napahinto naman ako ng biglang mahagip ng camera ko ang dalawang piloto na papalapit sa aming dalawa ni Sheena.









Well, hindi ko sure kung sa amin ba talaga pero dapat ko ng iwasan...

We Fell In love in October (MIKHAIAH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon