CHAPTER II

10.7K 227 18
                                    

AIAH'S POV


Dahil sa late na desisyon ay pang hapon na flight na ang nakuha ko papuntang Siargao, nauna na si Sheena kaninang umaga kaya susunduin na lang daw nila ako magkakaibigan sa Airport. Vip ako diba

Habang nag checheck in ay biglang naman bumagsak ang maleta ko kaya naman dali dali kong pinulot yon pero may nauna na sa akin "Siargao rin?" Tanong niya, tumango naman ako bago tignan kung sino ang magsalita "Nalate ka rin?" Tanong ko sa kaniya, tumango naman siya at ngumiti. "Kaninang umaga ko lang nakita schedule ko kaya humabol na lang ako" Sagot niya.

"Mikha"
"Mikha Lim" Pakilala niya habang nilahad ang kanang kamay niya. "Nabanggit ni Sheena na ayaw mo sa mga piloto kaya okay lang kung ayaw mong ipakilala sarili mo" Nakangiting sabi niya tsaka binaba ang kamay niya


"Aiah, Mariah Queen Arceta" Biglang pakilala ko, nilahad naman niya ulit ang kamay niya kaya tinanggap ko na iyon at nakipag shake hands "Nice to meet you again, Queen" Nakangiti pang sabi niya. Mars, minsan talaga mas maganda kapag late nag dedesisyon.

"Nice to meet you too, Mikha" Pagtapos namin parehas na mag check in ay sabay na kaming naglakad papasok ng plane dahil may sampung minuto na lang kami bago umalis ang flight. Pagsampa ay binati pa ng ilang FA si Mikha kaya hinanap ko na lang ang seat number ko para makaupo na. "Seatmate tayo" Bulong niya sa akin galing sa likuran "Sa tabi ako ng bintana tas sa gitna naman yang sayo" "Kakatext lang sa akin ni Catacutan na hindi ka sanay kapag hindi sa tabi ng bintana upuan mo kaya palit na lang tayo" Nakangiti pang sabi niya at binigyan akong daan para maunang maupo, nang makaupo na ako tsaka naman siya naupo atsaka nag earphone at pumikit. Kahapon parang ang sungit niya tas ngayon naman napaka gentleman tas bigla nanaman mawawalan ng pake sa mundo. Ibang klase rin.


"Parang familiar last name mo sa akin" Napatingin naman ako sa kaniya at nagtatanggal na siya ng earphone niya "Marami lang talaga mga Arceta kaya siguro familiar sayo" Sagot ko, huminga naman siya ng malalim at tumango "Yung hinga mo masyadong malalim, masyado na sigurong mabigat yan" Nasabi ko na lang, sumandal naman na ako sa upuan ko at tumingin sa kaniya "Hindi masamang mag open, lalo na sa akin, pag isipan mo" Dagdag ko pa, ngumiti naman siya at tumango. Bakit ang daming taong hirap na hirap maglabas ng saloobin nila? imposible naman na sa dami ng taong nakakasama niya ay wala siyang mapagsabihan.


"Kakakilala lang natin kanina tas gusto mo na akong mag open sayo?" Tanong niya, tumango naman ako kaya napailing na lang siya "Bakit? anong masama ron? isa pa, ngayon lang tayo nagkasama kaya hindi kita ijujudge, promise" Sabi ko pa at tinaas ang kanan kamay ko, inapiran lang niya yon at binalik na ang earphone niya "Sorry, Queen, pero hindi ako sanay mag open ng problema ko kahit na kanino" Sabi pa niya tsaka pumikit ulit. My God! lalo lang ako naging interesado sa taong to. Pero Queennnn? tinawag niya ulit akong Queen? my god! my boss baby!


Pagkadating namin sa Airport ay siya pa rin ang nagdala ng maleta ko kaya naman ako na ang nag contact kay Sheena. Sakto naman na nasa labas na sila kaya agad na hinanap ng mata ko kung nasaan siya, mabuti na lang at hindi kalakihan ang mga airport sa mga probinsya kaya naman ay napakadali na lang kung hanapin ang mga sundo at mga susunduin. "Lim! Bo!" Sigaw niya, tinuro ko naman kay Mikha si Sheena kaya naglakad na kami papunta sa kaibigan namin "Bo, hindi mo naman sinabi sa akin na may tagabitbit kang poging piloto" Asar sa akin ni Sheena, hinampas ko naman ang balikat niya kaya natawa siya pati na rin ang kasama niyang si Vergara. "Total magkakilala naman na kayo, ito nga pala si Vergara, Colet Vergara" Pakilala ni Sheena kay Colet, nanlaki naman ang mata ko ng maalala ko ang mga kwinekwento na crush ni Sheena nung high school na si Colet. Aha! akala mo ah. Nang makita ni Sheena ang reaksyon ko ay pinisil niya ng malakas ang kamay ko kaya pigil na pigil ang tawa ko

"Aiah Arceta, bestfriend din ni Sheena" Nakangiting pakilala ko "Ah, Colet Vergara ulit, future ni Sheena" Pakilala niya at nilahad ang kamay niya, tumango naman ako habang siniko naman siya ni Sheena "Sadista bestfriend mo, mabuti na lang masokista ako" Usap pa ni Colet ng masiko siya sa tiyan ni Sheena, natawa naman ako habang pigil na pigil ang kilig ni Sheena. "Gusto ko na matulog, san ba tayo?" Biglang tanong ni Mikha, agad naman siyang tinulungan ni Colet sa mga maleta namin "Don tayo" Turo niya sa isang kotse na wigo"Inarkila pa namin yan para sa inyo kasi alam namin may mga dala kayong maleta" Usap naman ni Sheena "Bukas, motor na lang arkilahin nating para mas maganda, dala mo naman driver license mo hindi ba?" Tanong pa ni Colet kay Mikha tumango naman ito atsaka naunang naglakad papuntang kotse. Bigla siyang naging matipid magsalita ah.



"Hindi ka niyan kinausap sa buong biyahe niyo no? basta na lang siguro yan naupo sa gitna para don ka na sa tabi ng bintana" Tanong sa akin ni Sheena habang turo turo ang kaibigan na si Mikha. Taka naman akong tumingin sa kaniya "Bakit naman? paano mo nasabi?" Tanong ko pa sa kaniya "Ayan ang pinakatahimik sa grupo namin e, minsan tatango lang yan pag wala sa mood, kaya malamang sa malamang hindi ka niya kinausap kasi kakakilala pa lang niya sayo" Kwento pa niya, kaya naman napangiti naman ako at tumango. Parang hindi naman, kinausap ako e, tinulungan pa nga ako.



"Anong ngiti yan? don't tell me, nakausap mo yan?" Tanong pa niya habang nakapamewang na mukhang nag uusisa, umiling naman ako at hinila na siya palapit sa kotse. "Nameet ko na kasi crush mo, ikaw ah" Asar ko sa kaniya "Manahimik ka, bago ka marinig nung tukmol" Yamot na bulong niya sa akin, lalo naman akong natawa "Susumbong kita kay Mommy ah, piloto rin ang nais mo ah" Asar ko pa sa kaniya pero imbis na mainis ay ngumiti rin siya ng nakakaloko "Baka ikaw pa isumbong ko e, na ikaw na bunso niya malapit na magjowa tas piloto pa, ay jusme manang mana ka sa mommy mo, bo" Natatawang sabi niya pa "Pass! hindi yan magugustuhan ng pamilya ko" Nasabi ko na lang at nauna ng maglakad palayo sa kaniya.

We Fell In love in October (MIKHAIAH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon