CHAPTER III

10K 214 2
                                    

Kinaumagahan ay sabay sabay na nag almusal sa labas ng villa ang magkakaibigan kasama ang bagong sampid na si Aiah. Nakilala na rin ni Aiah ang dalawa pang magkarelasyon na kaibigan ni Sheena na sila Jhoana at Stacey na parehas na nagtratrabaho bilang mga nurse sa hospital na pag mamay ari rin ng kanilang mga magulang. "Nandiyan na sa labas ng gate yung tatlong motor na nirentahan namin ni Sheena para sa dalawang araw na pagstay natin dito" Biglang usap ni Colet sa mga kaibigan nila "Lim, sayo aangkas si Aiah ah, akin tong si Sheena e" Dagdag na usap pa ni Colet sa kaibigan na si Mikha, tumango lang naman ito at uminom ng kape "Nga pala, Aiah bakit hindi mo tinuloy ang pag eengineer gaya nitong si Sheena?" Tanong ni Stacey sa bagong kaibigan na si Aiah. "Sasabay na sana talaga ako kay Sheena sa pag take ng board exams noon kaso nagkaroon ako nang offer sa South Korea don sa tita ko, gusto niya ivlog ko yung minamanage niyang hotel tas irate ko na rin, ganon, hindi na ako nagdalawang isip kasi wala naman daw akong gagastusin kaya grinab ko na. Hanggang sa nagkaroon na ako ng iba't ibang offer sa iba't ibang hotel, dumami na rin mga subscribers ko kaya tinuloy ko na lang pagiging travel vlogger at blogger" Sagot ni Aiah kay Stacey

Namangha naman ang magkakaibigan habang ngiting ngiti nakatingin naman si Sheena sa isa pang kaibigan na si Mikha "Lim, ngayon ka lang yata naging interesado sa kwento ng isang tao" Bulong pa ni Sheena kay Mikha, napatingin at napailing na lang naman si Mikha tsaka humigop ulit ng kape "Gusto ko rin ng ganyan, tamang travel lang tas camera lang kasama mo ganon" Inggit na inggit na sabi ni Stacey

"Ito kasi e, porket mga magulang namin may ari ng hospital nag nurse na" Inis na usap ni Stacey

"Ngayon ka pa nagreklamo, buti nga nurse lang, hindi doktor" Sagot naman ni Jhoana. Napailing na lang naman ang magkakaibigan dahil sa bangayan ng dalawa

"Hindi ka ba nalulungkot? mag isa ka lang na nagtratravel?" Tanong ni Colet
"Minsan, minsan kasama ko rin naman si Sheena kaya okay lang" Nakangiting sagot ni Aiah kay Colet.

"Minsan yayain mo tong si Mikha, mahilig din yan mag travel kapag may flight siya international, pag may oras, mas pipiliin niyang mag gala kaysa matulog" Dagdag pa ni Colet "True, siguro pag nagkataon na siya ang piloto mo" Dagdag ng kaibigan nitong si Sheena, napatingin naman si Aiah kay Mikha at ganon din naman si Mikha, nang magtama ang mga paningin nila ay parehas din sila umiwas ng tingin at parang wala lang nangyari.

"Mag ready na tayo, cloud 9 ang first stop natin" Sabi ni Sheena at tumayo na para ligpitin na ang mga pinagkainan nila, tinulungan naman siya ni Aiah at Stacey habang ang mga iba naman nilang kaibigan ay binalik na sa dating ayos ang mga upuan. Naka paper plates lang naman sila kaya wala silang huhugasan, mga tamad na traveller ang mga magbabarkadang 'to.


"Kumapit ka ah, kakakilala pa lang natin baka mahulog ka" Natatawang usap ni Mikha kay Aiah, hinampas naman ni Aiah ang likod ni Mikha bago tuluyang kumapit sa dalawang balikat nito "Huwag kang mag alala bawal ako sa piloto" Natatawang sagot naman ni Aiah, saglit pang natahimik si Mikha bago pinaandar ang motor.

Sinadya naman bagalan at magpahuli ni Mikha sa pagpapaandar ng motor dahil sa kagustuhan niyang maenjoy ni Aiah ang tanawin ng mga matatas na puno ng niyog sa isla. "Sarap mabuhay dito, sariwa hangin, payapa" Biglang usap ni Aiah habang tinaas pa ang dalawang kamay para namnamin ang sariwang hangin "Ito na yata ang pinaka masayang travel ko" Dagdag pa niya, narinig naman ni Aiah na natawa si Mikha. "Bakit naman ito?" Tanong pa ni Mikha. "Kasi chill lang, kasi marami akong kasama" Seryosong sagot naman ni Aiah, tumango tango naman si Mikha habang nagdadrive. "Don't worry, gagawin natin memorable tong travel mo na 'to" Biglang usap pa ni Mikha. Lingit naman sa kaalaman ni Aiah, na napapangiti niya ang gwapong driver niya. Kung alam mo lang kung gaano kagwapo yang ngiti ng driver mo, Aiah.


Pagdating sa Cloud 9 ay namangha na ang magkakaibigan sa ganda ng tanawin at sa ganda ng naturang tulay kung saan papunta sa spot ng mga nag susurfing sa kabilang dulo, sa dulong bahagi ay mayroon din tatlong palapag kung saan pwede ang tumambay para matanaw ang napakagandang dagat na mayron napakalaking mga alon



"Lim! hindi ka mag susurf?" Takang tanong ni Sheena sa kaibigan, umiling naman ito na siya lalong kinagulat ng kanilang mga kaibigan "Eh, hindi ba hilig mo mag surfing?" Takang taka na tanong pa nito "Kaya niyo na yan, samahan ko na lang si Queen doon" Sagot ni Mikha sa kaibigan at pinuntahan na si Aiah malapit sa tulay.

"Queen?" Takang usap ni Sheena
"Mukhang tinamaan" Nasabi na lang ni Jhoana habang nakatingin sa kaibigan na si Mikha. "Matagal ng tinamaan yan" Natatawang sabi ni Colet kaya taka naman tumingin sa kaniya sila Sheena, Stacey at Jhoana. "What do you mean?" Tanong ni Stacey sa kaibigan. "Sabi ko may tama sa utak yang kaibigan niyo, ang daming magagandang FA na may gusto sa kaniya lahat walang pumasa sa kaniya" Sagot ni Colet, binalik naman ng magkakaibigan ang tingin sa dalawa at napangiti. "Mukhang pasado nga sa kaniya si Aiah pero siya naman ang babagsak" Napapailing na lang na sabi ni Sheena habang nakatingin sa dalawang kaibigan na naglalakad na sa tulay.




"Sure kang hindi ka mag susurfing? okay lang ako rito" Usap pa ni Aiah kay Mikha habang naglalakad sila papunta sa dulo ng tulay. "May next time pa naman, samahan na lang muna kitang enjoyin yung view" Seryosong sagot ni Mikha. Pagdating sa dulo ay agad silang umakyat sa pangalawang palapag ng naturing na kubo at doon pinagmasdan ang napakagandang tanawin at naglalakihang alon. "Alam mo, gusto kong magkaroon ng bahay sa mga gantong lugar, yung kahit twice a month lang ako uuwi pwede na" Nakangiting usap pa ni Aiah kay Mikha. "Parehas tayo, gusto ko rin mayroon uuwian kapag gusto kong tumakas sa mga problema ko sa siyudad" Sagot naman ni Mikha habang nakapamewang na nakatitig sa mga naglalakihan na alon. Napakalaking alon siguro ang tumama sa taong to, hindi na yata siya nakaahon sa lalim ng tubig, pero paano na lang siya makakaahon? kung ayaw niyang sanayin ang sarili na humingi na tulong para umahon?

We Fell In love in October (MIKHAIAH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon