1 Wonderful Present

2K 80 16
                                    

//Bella POV//

4 years later...

Maaga siyang nagising. Sanay na siya na mauunang maging kesa sa iba para maghanda ng mga kakailangan mamaya pagkagising nila.

Inuna niyang maghanda ng breakfast. Pati na ang snack at lunch ng kanyang unico hijo. Alam na niya ang mga paborito ng dalawa kaya easy lang sa kanya ang magluto pero, hindi naman magiging excited ang pagkain kung hindi siya magdadagdag ng surprise na putahe para sa kanila.

Pagkatapos niyang maghanda ng pagkain, pinuntahan niya ang kwarto ng kanyang anak na si Kael. Tahimik siyang pumasok sa kwarto nito at inilabas ang school uniform nito. Bago siya umalis, pinagmasdan muna niya ito. Manang mana talaga ito sa ama. Carbon copy kung tutuusin. Kesa aabutan siya ng ilang minuto kakatitig sa kanyang anak, umalis na siya at pinuntahan naman ang kwarto ng kanyang unica hija. Si Bella Elizza. Apat na taong gulang na ito. Nakita din niyang mahimbing din itong natutulog habang nakabukas ang paborito nitong music box. Hinalikan niya ito sa noon at umalis.

Magaalas sais imedya na at oras na ng pagising. "Breakfast, done. Pack lunch for Kael, done. Uniform, done. Okay, time for them to wake up."

Papaakyat na siya para gisingin si Kael ng makita na niya ito. "Good morning, handsome." Masayang bati niya sa kanyang anak.

"Good morning po, Mama." Sabay hikab nito. Seven years old na si Kael at nasa grade one na. Hindi niya ine-expect na maaga ito gumising ngayon.

"Ang agad naman gumising ng baby boy ko. Excited ka nab a pumunta sa school?"

"Opo, Mama. May activity po kaming gagawin sabi ni teacher."

"Good. Maligo ka muna bago ka mag-breakfast ah? Gigisingin ko lang ang kapatid at Papa mo."

Sumunod ito at siya naman ay pinuntahan ang kwarto ni Elizza. Pumasok siya sa loob at sinara ang music box nito. "Elliza? Elliza, it's time to wake up." Sabay hawi sa buhok nito.

"Hmm...Good morning, Mama."

"Good morning too, Baby." Binuhat niya ito sa kama papunta sa diner room at pinaupo sa silya nito. "Wait for your Kuya and Papa here, okay?"

Last and but not the least, ang huling gigisingin niya ang mas mahirap na task para sa kanya. Ito palagi ang nahuhuling magising. Hindi niya alam kung ganito lang ba talaga ito o sinasadya lang para lambingin ito?

Pumasok siya sa kwarto and behold her husband, Zandro, still sleeping and snoring. Umaga na, ang himbing pa rin ng tulog nito.

Tumabi siya rito at niyug-yog ang balikat nito para gisingin. "Zandro? Gising na. Male-late ka na sa trabaho."

"Hmm..." iyan lang ang sagot nito. Tinabunan pa ang mukha nito ng kumot na parang ayaw nitong maistorbo.

Ah.. ganoon pala ah? Kiniliti niya ito sa may tagiliran at napatalon ito sa bigla. "Bumangon ka na. Sige ka, hindi kita titigilan hangga't hindi ka tumayo diyan sa kama."

"No!" Sagot nito sabay yakap sa kanya at napailalim siya nito.

"Za-zandro, anong bang ginagawa mo?"

"Hmm... Let's sleep more."

"Hindi pwede. Mag-aalas siyete na at hinihintay na tayo nila Kael at Elliza sa ibaba. And Mister, may trabaho ka. Hindi ba may meeting ka mamaya?"

"Hay... you're right."

"Yes, right. So, pwede mo na ba akong pakawalan?"

Imbes na pakawalan siya nito, mas hinigpitan pa nito ang pagkakayakap sa kanya. "Just a minute. Pampa-increase lang ng energy."

Faded Memories (Sequel of Mister Billionaire's Secret Wife)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon