Twenty

10 2 0
                                    

"Papa?" sabi ng anak ko kase ginising ko siya. Napangiti naman ako nang makitang kinukusot niya ang mata niya.

Ang cute niya lang. Anak ko nga 'to. Cute eh, mana sa Papa. Lahat ng meron siya sakin nagmana. Kawawa naman si Dev.

"Malapit na birthday na ni Mama. Surprise na natin siya" biglang lumiwanag ang mukha ni Phoebe nang sabihin ko 'yon bago tumango. Lumapit siya sakin kaya binuhat ko na siya.

Tahimik kaming bumaba para pumunta ng kusina. Tuwang tuwa nga siya, eh. Akala mo siya yung may birthday. Kita ko nga na nawala yung antok niya. Pero syempre ayos lang 'yon.

Inayos na namin yung gagamitin namin. Siya don sa torotot na ginamit namin noong New Year at sa regalo namin kay Devyn.

Dapat nga wala nang ganon pero gusto niya kaya pinagbigyan ko na. Basta sabi ko 'wag lang siya sobrang ingay kase baka magising pati kapit bahay. Lakas pa naman non.

Ako na ang nagdala sa cake at sa lighter. Baka kase malaglag pa ni Phoebe kapag siya pa. Ang liit pa naman niya at three years old pa lang siya.

"Pagkabukas ko ng pinto kakanta na tayo, ha?" paalala ko sa anak ko pagkarating namin sa pinto ng kwarto. Tumango naman siya bago ngumiti.

Chineck ko muna yung orasan at nakitang may two minutes pang natitira kaya nagstay na muna kami sa labas. At nang magtwelve na, binuksan ko na agad yung pinto.

"Happy birthday Mama!" panimulang kanta ni Phoebe. Sinindihan ko na rin yung kandila bago binuksan ang ilaw. Kita ko naman ang gulat na mukha ni Devyn.

Agad naman siyang ngumiti at umupo sa kama. Nakatingin lang siya sa anak namin na nakanta. Hindi na nga ako kumanta para nakay Phoebe yung spotlight. 'Tyaka baka kapag kumanta ako mas mainlove pa sakin 'tong si Dev.

"Aww thank you baby" sabi ni Devyn pagkatapos ng kanta. Niyapos naman niya agad ang anak namin habang nakangiti.

"Ikaw nagprepare ng lahat ng 'to?" tanong niya. Binuhat na rin niya si Phoebe sa kama. Umiling naman ang anak namin bilang sagot.

"No, Ma. Si Papa po lahat" sagot niya. Tapos tinuro niya ako. Tinignan naman ako ni Dev na akala mo nagulat siyang makita ako dito. Tumingin na nga siya sakin, eh.

"Ay akala ko yaya mo" asar niya. Nalaglag naman ang panga ko dahil don. Tumawa naman siya ng makita ang reaction ko.

"Gwapo ko namang yaya" sabi ko sa kanya bago umirap. Tumigil naman siya sa pagtawa kaya binelatan ko siya.

Lumapit na rin naman ako sa kanya at lumuhod. Nilapit ko ang hawak kong cake sa kanya. Pinagdikit naman niya ang palad niya sabay pikit. Maya maya lang hinipan na niya yung kandila kaya pinatunog na ni Phoebe yung hawak niya torotot.

Mabuti na lang at masunurin 'tong anak ko. Ang hina ng hipan niya, eh. Sobrang hina. Parang nabingi nga ako kase wala akong narinig.

Natawa naman kaming dalawa dahil don. Pinatong ko na rin yung hawak kong cake sa lamesa namin na andito sa kwarto. Bumalik na rin ako sa pwesto ko kanina.

Inabot na ni Phoebe yung hawak niyang paper bag sa mama niya. Pagkabukas ni Dev, nagningning agad ang mata niya. Isang LV bag lang naman kase ang regalo namin sa kanya.

"Thank you!" saad niya at hinalikan sa pisnge ang anak namin. Ngumuso naman ako para halikan niya rin ako pero tinulak lang niya yung bibig ko.

Okay lang, siya naman 'tong tumanggi sa grasya hindi ako.

"Nga pala bago ko makalimutan" sabi ko. May nilabas akong envelope sa suot kong pants bago binigay sa kanya. Iningatan ko 'yon na hindi magutos, aba.

Memories » Kim Seokjin ── OCTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon