Chapter 29

0 0 0
                                    

Chapter 29: Savior

Few days later sa na tambay lang ako sa bahay. But I started to find some apartment na ma rerentahan ko. Gagamitin ko nalang yung pera nina Lolo pang college ko, e babalik ko nalang kapag mag pa part time job ako.

Pupunta ngayon sina Zyke, Wayne at Ashley sa bahay kasama rin si Kyle. Nag plano kasi ito na dalawin si Aleng Madelaine. Makakatulong rin ito para hindi na siya matakot sa maraming taong makakasalamuha niya.

Nagluto rin ako ng pagkain kahit magdadala naman daw sila. I started cleaning the house. Wala pa si Kyle, mag text ito sa akin na ma le late ulit siya ng punta. Pansin ko rin sa kanya na parang palaging missing in action.

Siguro ay busy lang talaga siya.

Mga bandang 10 AM ay nakarinig ako ng makina ng sasakyan kaya naisipan kong lumabas. Hindi ako nagkakamali sa naisip ko, dumating na nga sila.

Kumaway ako sa kanila habang nakangiti. May dala dala silang mga basket. Nasa tapat lang sila pumarada, tumawid ako upang tulungan silang bitbitin ang mga dala ngunit nasa gitna na ako ng daan ng may biglang motorsiklo ang pumaharurot papunta sa akin.

Out of shock hindi ako na galaw at nakatingin lang sa motorsiklong paparating. Seconds later I found myself laying on the road.

“Mary!” Rinig kong sigaw ng mga kaibigan ko.

“Okay ka lang?” Alalang tanong ni Wayne na hanggang ngayon ay yakap yakap pa rin ako.

Tulala pa rin ako at di makapaniwala sa nangyari. Tinulungan niya akong tumayo. Habang ang mga kaibigan ko naman ay tumawid na.

“Gag*ng driver yun ha!” Bulalas ni Zyke habang nakatingin sa daan kung saan dumaan ang motorsiklo.

“Mary may galos ka” Sambit ni Ash habang nakaturo sa siko ko. Wayne on the other hand held my ankle.

He look really worried.

“Gamutin natin to sa loob” Sambit niya at bigla nalang akong hinila ng mahina papasok sa bahay.

Kinakabahan ako. Mukha kasing...senadya, kasi ang lawak lawak ng daan sakin pa siya pupunta.

Wala rin na mang ibang sasakyan o motorsiklo ang dumadaan dahil private ang village na ito.

“Bakit ka kasi tumawid?” Inis na sabi ni Wayne habang nililinis ang gasgas ko sa kamay at siko.

“E tutulungan ko sana kayo e!” I reasoned out. Napa tss naman siya. Parang magulang ko kung maka asta itong si Wayne.

“Asan pala si Aleng Madelaine?Pwede ba namin siyang makita?” Tanong ni Ashley.

“Nasa kwarto siya. Sinabihan ko kasi siya kanina na wag munang lumabas ng kwarto pero pwede niyo na siyang tawagin” I said. Tumango ito at nagsama silang dalawa ni Zyke papaunta sa kwarto.

“May kaaway ka ba?” Nagtaka ako sa sinabi niya. Umiling agad ako. Nilalagyan niya na ng bandage ang kamay ko.

“Baka sadyang g*go lang talaga ang driver na yun” He said. Tumayo na ito at niligpit ang first aid kit.

Naisipan ko namang sabihin sa kanya ang matagal ko nang gustong itanong. Baka siya makatulong sa akin, since feeling close naman siya. Joke.

“Wayne” Tawag pansin ko sa kanya agad naman siyang lumingon at lumapit sa akin.

“May kilala ka bang Grayson at Madi?” Nagtatakang tanong ko, his eyebrows furrowed. Umiling agad siya.

“Bakit?Sino yang mga yan?” He asked.

Mary Madison (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now