Chapter 33: Final Practice
[THE ENEMY]
“What do you want me to do then?”
“Get her out of her sight. We need to find the contract as soon as possible”
“She doesn't say anything yet”
“Who would've know, baka alam na ng bata”
“Please just don't hurt her”
“Your’e acting weird lately, I'm scared you might ruin the plan”
[MARY]
Few weeks Later
Pagpasok ko palang sa room ay rinig na agad ang ingay ng mga kaklase ko. Palibhasa kasi malapit na ang graduation, well we're going to pass the valentines first.
Pumasok ang guro namin dahilan para bumalik sila sa kanilang upuan.
“Practice ata” Said by Wayne. Magkatabi kami ngayon.
Ginalaw ko lang ang mga balikat ko.
“Good morning class, Practice will held in the gym please proceed now” Parang mga batang nagsigawan sa tuwa ang mga kaklase ko.
Wayne looked at me na parang I should thank him dahil nahulaan niya ang sasabihin ni Maam.
Sabay kaming dalawa ni Wayne sa paglalakad papunta sa gym. Buti nalang at practice lang ngayon. Stress na stress na ako sa mga projects at assignment.
Dumagdag pa ang sama ng loob ko dahil sa nangyari kahapon.
“Take your seat now” Agad na sabi ng mga guro na magtuturo sa amin ngayon. Sa likod na ako pumwesto sa may gilid para hindi na ako mamroblema kapag lalabas ako.
Kumunot ang noo ko ng tumabi sa akin si Wayne.
“Wayne separate ang girls sa boys, dun ka” Sambit ko habang tinuturo ang kabilang side. Kinamot niya ang sintido niya tsaka tumayo at umalis. Natawa ako sa ginawa niya.
Halos practice lang kami buong araw. Nang mag lunch ay sabay ulit kaming kumain. Naging usual routine na talaga namin to.
Si Kyle minsan hindi sumasabay. May kaibigan naman kasi siya. Minsan ang hirap pumili ng makakasama kapag yun kaibigan mo hindi kaibigan ng kaibigang mo ngayon—teka ang gulo.
Kaya gusto ko lahat ng kaibigan ko magkakilala or close para wala akong pagpipilian.
The problem her is that when they don't treat you like their friends. Ikaw lang yung nahihirapang pumili while them chilling and doesn't even care about your actions.
“Tapos na...bat parang naka tanga ka dyan?” Malamya kong inangat ang tingin ko. Si Wayne.
Tumayo ako. Tapos na pala ang practice namin. Ang bilis talaga ng oras, ang bilis ng mga pangyayari.
“May sinabi na ba si Zyke?” Tanong ko. Malapit na rin kasing mag February 14 next week na. Hindi ko talaga namalayan ang oras.
YOU ARE READING
Mary Madison (UNDER EDITING)
Mystery / ThrillerStarted: July 2, 2021 Ended: November 24, 2021 You can read the English Version in Goodnovel