Kasalukuyang nagtitipa ako ngayon ng reply sa aking kapatid sa messenger. Nagtatanong kasi ito kung nasaan ako.Aa: Ate nasaan ka daw sabi ni mama
Aui: Lumabas lang ako saglit bumili ng makakain
Aa: Sige sabihin ko bili ka na din ng katol madaming lamok dito sa bagong bahay natin
Aui: Mag ayos ka muna ng gamit mo dyan 🤦♀
Nandito ako ngayon sa tindahan katapat ng bahay na nilipatan namin para bumili ng meryenda. Sabi ni mama dito na daw kami maninirahan dahil nabili na daw nila itong sa murang halaga. Hindi naman kalakihan, sakto lang para sa aming apat.
" Pabili nga pong coke in can". Saad ko tindera
" kayo ba ang nakabili ng bahay na iyan ineng"
" Opo la" sagot ko sa matanda habang kumukuha siya ng coke sa ref
" Balita ko ngang nag migrate na sa America ang buong pamilya ng bahay na yan kaya siguro binenta na din pati bahay nila dito. Oh eto anak dalawa na pawelcome ko sayo, kay gandang bata"
"Salamat po la" nginitian ko ang matanda at bumalik na sa bahay
Bumungad sakin ang mga kargador na nagdidiskarga ng aming mga gamit . Tumulong nalang din ako buhatin ang mga gamit ko.
"Bakit ngayon ka lang ate? Nasaan yung katol ko"
" Wala ikaw na bumili" binigyan ko siya ng pera at binuhat na ang mga gamit ko papasok sa loob ng bahay
Pagpasok sa bahay agad bumungad sakin ang mga sofa na nakabalot sa puting tela. May mga figurine pang naiwan dito ang pamilya, Marmol ang tiles ng sahig at maalikabok.Kulay puti ang pader ng bahay na bumagay sa disenyo ng bahay. May tatlong kwarto ang bahay na eto kila mama ang pinakamalaking silid sa pangalawang palapag katabi daw ng akin at dito naman sa ibaba ang isang silid para sa aking kapatid. Pumasok na ako sa aking silid upang linisin ito at iayos na din ang aking mga gamit na dala.
Pagbukas ko ng aking silid agad kong nadatnan ang isang kamang kulay abo, i look around to realise that this room is masculine. Siguro'y papipinturahan ko nalang ang pader ng ibang kulay dahil pati ito'y kulay abo din. May side table at upuan sa gilid ng kwarto, meron din ditong banyo at maliit na closet na sapat na para mapuno ng damit ko. Naiwan siguro ng may ari ng kwartong ito ang kanyang mga libro sa cabinet, nakita ko'y halos lahat ay pang abogasya. Nilinis ko agad ang kwarto at inayos ang mga gamit ko doon. Inalis ko din ang gamit ng may ari dati ng kwarto at nilagay lahat sa kahon. Matapos kong ayusin ang kwarto'y naligo ako at nagbihis.
Habang dala ang mga libro ay biglang nahagip ng aking mata ang isang note na lumalabas sa pahina ng isang nitong libro.
"10,15,7,10,15,10,21,6"
" step back to see what is waiting for you-YZDLNapakunot ako sa aking nabasa at sinimulan kong kumuha ng papel upang idecode ang kung ano man ang nakasulat sa papel.
Sinulat ko ang mga letters sa bilang ng alphabet na nakalagay ngunit walang nabuong salita. Step back
Ang ginawa ko'y binawasan ko ng isa ang bilang ng mga numero at inulit ang ginawa ko kanina.
I,N,F,I,N,I,T,E
Meaning
(subject to no Limitaion)Ano naman kaya ito? Napatawa nalang ako sa pag kakuryoso ko at ipinagkibit balikat nalang kung ano man ang ibig sabihin ng note na iyon.