Mistaken
Sinipat ko ng mabuti ang aking sarili mula sa harapan ng salamin. Hindi na masama ang pinagkombinang asul at puting uniporme ng Thunderbirds resort. Malinis tingnan ang puting blusa sa ilalim ng asul na hapit at may habang umaabot hanggang sa ibabaw ng tuhod na damit.
I don't know what am I doing here, actually. I woke up ome day, I'm one of the staff of this prestigious and luxurious resort here in San Fernando, La Union.
“Zia, bilisan mo magbihis. On the way na raw sina Ma'am Olivia!” Katok sa akin ni Esmeralda.
“S-Sandali na lang, Esme.”
“Sumunod ka na roon sa labas. Huwag kang magpapahuli ng dating dahil kung hindi, makakatikim ka na naman ng sermon kay Miss Olivia, daig pa may-ari.” Dinig ko pa ang lintanya niya. Hanggang sa tuluyang mawala.
Si Miss Olivia ang manager ng Thunderbirds Resort. Isa sa pinagkakatiwalaan ng owner. Masungit at strikto siya. Metikulosa rin pagdating sa mga bagay-bagay.
Halos isang buwan din siya hindi nagparamdam dito, marahil ay naging abala sa ibang bagay. At tanging ang Officer in Charge muna ang namahala habang wala siya. Ngayong araw ang pagdating niya. Kaya kailangan ay maayos at nasa ayos. Mula sa staff ng resort hanggang sa mga facilities and amenities nito.
Matapos ayusin ang sarili ay nagmadali na akong lumabas sa loob ng aking silid. Binilisan ko ang aking paglalakad upang makaabot sa lobby bago pa man ako matiyempuhan na huling-huling sumalubong kay Miss Olivia.
Napugto ang aking hininga nang maabutan ang mga staff na kakatapos lang batiin si Miss Olivia. Habang ako ay kakabagong dating lang. Tumama ang mga mata niya sa akin, tumaas ang kilay.
Tumayo ako ng maayos, inilagay ang parehong kamay sa likod. “G-Good morning, Miss Olivia—”
“You are late, Miss Zia Georgina. Mind telling me why?” She asked nonchalantly but authority is present.
I gulped upon remembering what happened last night.
“Hindi ba't sinabi ko na sa'yong huwag kang magpupunta pa rito, Zia? Bakit ba ang tigas ng ulo mo?!” Galit ang tono ng aking ama.
Itinungo ko ang aking ulo. Pinigilan kong umiyak sa harapan niya. “I want to visit you here, papa. Huwag mo naman akong ita—”
He slammed the table. “Umalis ka na. Umuwi ka na! At ayoko na...babalik ka pa rito.” He exclaimed before going back to his cell.
Ayaw na ayaw ni papa na dumadalaw ako sa selda. Pero hindi ako nakikinig. Iyon na lang ang tangi kong magagawa. Hindi ko maintindihan kung bakit nagagalit pa siya kapag nakikita ako. It breaks me. Can't he feel that I miss him?
“I-I wasn't able to fall asleep that early, Miss Olivia. I'm so sorry. Hindi ko na po uulitin.” Magalang na paumanhin ko, itinungo ang ulo.
She scoffed. “I don't need your apology. Change is what I want.” Aniya bago ako lampasan.
Nagsisunuran ang mga staff sa kaniya. Si Esmeralda, bago sumunod ay bumulong sa akin. “Ikaw kasi! Sumunod ka na nga lang roon sa restaurant.”
Tumango ako. “S-Sige.”
Bukod sa sa sarili ko, wala ng iba pa na nakakaalam na wala na akong mga magulang. Kapag tinatanong ako ng iba kung na saan ang mga ito, inililihis ko ang usapan. Kung ikukwento ko man, hindi naman lahat sila ay may pakialam. Kaya mabuting sarilinin na lang.
Imbes na makinig ako sa mga sinasabi ni Miss Olivia sa aming mga staff, tinitigan ko ang suot niyang mamahaling damit at sandals. A white strapless fitted dress with a slit partnered with silver stiletto. Nakakawit sa maputi at makinis niyang braso ang kaniyang Gucci bag.
BINABASA MO ANG
The Furious Fire (Variejo Series #1)
RomanceZia Georgina Elejorde was orphaned when she was only four years old after her father was arrested and imprisoned by law enforcement under the orders of the Variejos. Meanwhile, her mother, suffering from severe depression in her husband's plight, co...