PROLOGUE

1 0 0
                                    

Summer na at ito na ang hudyat na magkakaroon ulit ng family trip ang dalawang pamilya. Matalik na magkaibigan ang kanilang mga anak kung kaya't tuwing bakasyon ay nagpaplano silang mag out of town.

Bakas sa mukha ng dalawang bata na sila ay sabik na sabik nang malaman na sila ay magkakaroon ng trip papuntang Tagaytay. Agad silang nag handa ng mga damit na dadalhin dahil bukas na agad ang araw ng kanilang pag-alis.

"Tuwang tuwa ang mga bata nang malaman nila na aalis tayo ngayong bakasyon." masayang sambit ng ina ng batang lalaki.

"Nakatutuwa ang dalawang iyan. Talagang hindi mo na sila mapaghiwalay. Gustong gusto nila palaging magkasama." sagot naman ng ina ng batang babae.

Bigla namang nagsalita ang ama ng batang lalaki. "Pumapayag ka ba na ipakasal ang aking anak sa iyong unica hija sa pagdating ng tamang panahon?" sambit nito sa ama ng batang babae.

"Masyado pang mga bata ang ating mga anak para isipin iyan." natatawang sagot naman nito.

"Tama nga naman si Ronald, hon. Masyado pa silang mga bata para pag-usapan ang pagpapakasal." sambit ng kaniyang asawa.

"Okay.. Okay fine.. Gusto ko lang naman malaman kung papayag si Ronald." matatawang sambit nito kaya nagtawanan na silang lahat at pinagmasdan ang dalawang bata na naglalaro ng habulan.


Kinabukasan ay araw na ng kanilang pag-alis. Iisang van na lamang ang kanilang sinakyan at dahil nasa biyahe pa naman sila, tulog pa ang dalawang bata. Parehas itong natutulong sa tabi ng kanilang ina.

Ilang oras ang nakalipas ng marating nila an Tagaytay. Dahan dahang ginising ang dalawang bata. "Anak, gising na. Nandito na tayo." sambit nila. Gumising naman ang mga ito at excited na lumabas sa van. Napakalaki ng rest house ng mga magulang ng batang lalaki kung saan sila mananatili ng tatlong araw. Mayroon itong limang malalaking kwarto.

"Wow ang laki ng bahay niyo.." sambit ng batang babae nang may pagkamangha sa mga mata nito.

"Nagulat ka pa e mas malaki naman ang bahay niyo rito." sambit ng batang lalaki na ikinatawa naman ng batang babae.

"Bakit, masama ba ang mamangha sa bahay niyo?" tanong nito.

"Hindi. Wala naman akong sinabi ah. Halika na nga ipapakita ko na sayo ang magiging kwarto mo." sagot ng batang lalaki.

Nagpaalam muna sila sa kanilang mga magulang na ngayon ay nag kukwentuhan. Pumayag naman ang mga ito at sinabi na huwag sila pupunta sa kung saan at huwag lalayo sa rest house. Tumango naman ang dalawang bata bago umalis.

"Ito ang kwarto mo. Nagustuhan mo ba?" tanong ng batang lalaki. Kitang kita ang pagkamangha ng batang babae sa nakita. Ang kaniyang pansamantalang kwarto ay puno ng mga paborito nitong laruan na kulay lila.

"Wooooow! Ang ganda naman dito! Para sa akin ba ang lahat ng mga ito?" tuwang tuwang tanong ng batang babae. Lumundag siya sa malambot na kama at niyakap ang pinakamalaking teddy bear.

"Syempre para sayo ang lahat ng iyan. Kapag uuwi na tayo, pwede mo silang dalhin lahat." masayang sambit ng batang lalaki. "Halika may ipapakita pa ako sayo." sambit nito at inilahad ang kaniyang kamay sa tapat ng batang babae.

Walang pagdadalawang isip, inabit iyon ng batang babae at lumabas sila sa bahay. "Saan naman tayo pupunta? Sabi nila mom at dad diba huwag daw tayong lalayo sa rest house?" tanong ng batang babae.

"Ipapakita ko lang sayo kung saan ako nakakakita ng maraming alitaptap." pagmamalaking sambit ng batang lalaki.

Unti-unti nang dumidilim ngunit wala lang ito sa dalawang bata. Ilang sandali pa ay unti unti nang naglalabasan ang mga alitaptap. Kitang kita sa kanilang mga mukha ang saya. Dahan dahan na umaatras ang batang babae. Wala sa isip niya kung ano ang kaniyang natatapakan sapagkat abala siya sa pagtitig sa mga alitaptap.

Napansin ng batang lalaki na ang kaniyang matalik na kaibigan ay mahuhulog na sa bangin. "Mag-iingat ka huwag ka pumunta dyan dahil baka mahulog ka sa bangin!" sigaw ng batang lalaki.

"Ang ganda ng tanawin dito.." sambit ng batang babae. At dahil madilim, hindi napansin ng batang babae ang isang malaking bato dahilan para siya at matisod at mahulog. "Aaaaahhhhhh!!!" sigaw ng batang babae.

"Ely!!!!!" sigaw naman ng batang lalaki kasabay ng marinig niya ang tunog ng tubig sa ibaba.

Tumakbo ang batang lalaki. Hindi niya matanaw ang kaniyang matalik na kaibigan dahil sa dilim. "Ely! Ely nasaan ka!" hindi na napigilan pa ng batang lalaki ang pag iyak. Nakakaramdam siya ng kakaibang takot na baka hindi niya na makita pang muli ang kaniyang matalik na kaibigan.



————————————

Ito ang unang nobela ko at sana ay suportahan niyo. Maraming salamat magbabasa at susuporta na ang aking likha.

Please vote and comment your reactions, suggestions, and opinions dahil malaking bagay sakin na malaman ang inyong saloobin.

Muli, maraming salamat❤️

-Lunaworria

Midnight CoffeeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon