TRAITOR

25 4 1
                                    

"Bheb, nakita ko boyfriend mo may kasamang iba."Nagsend pa sya ng picture pero hindi ko ito pinansin.

Ilang beses na 'kong may narinig sa boyfriend ko pero hindi ako naniniwala dito alam ko namang hindi niya 'yun magagawa nangako siya sa'king hindi niya 'ko kailanman lolokohin at naniniwala ako dun.

Ni minsan hindi niya ako sinaktan, ni minsan hindi niya pinaramdam na hindi niya ako mahal. Though, lagi na lang siyang busy pero nirerespeto ko ang buhay niya alam kong hindi lang sa'kin umiikot ang mundo niya mahal ko siya kaya rerespetuhin ko siya.

"Love, I’m sorry kung nagiging busy ako ha? Sana maintindihan mo alam mo namang ka-gagraduate lang natin at nagsisimula pa lang ako sa trabaho." Paliwanag nito.

Nginitian ko lang ito at binigyan siya ng thumbs up. "Naiintindihan ko, love."ngumiti ito at umalis na.

Nakita kong nagkatinginan pa sila ni bheb pero agad din itong pumunta sa'kin.

"Ano ka ba naman bheb, makipaghiwalay ka na sa boyfriend mo. Wala syang idudulot na maganda sayo."Napabuntong hininga naman ako sa sinabi nito.

Hindi ko maintindihan kung bakit siya sinisiraan ng bestfriend ko. Close naman sila dati ni hindi ko nga rin sila nakitang nag-away noon.

"Bheb, 10 years na kami ni Shion alam kong hindi nya ako magagawang lokohin lalo na't tumagal kami ng Sampung taon."

"Ewan ko sayo bheb, hindi ko alam kung bakit ang bulag mo sa lahat."hinalikan niya ako at umalis na.

Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya bakit ba parang yung mga sinasabi nya ay may mga iba pang kahulugan.

"Nak, punta ka naman sa school ng kapatid mo nakalimutan ko kasi ibigay yung baon nya eh. thank you, nak." Nginitian ko lang ito at umalis na.

Pauwi na ko pagkagaling sa kapatid ko ng biglang mapatingin ako sa park at dun hindi ko akalaing madudurog pala ako sa nakita ko.

I SAW MY BOYFRIEND HUGGING ANOTHER GIRL

At kilala ko kung sino yung babaeng kayakap nya.

Nanginginig kong dinial ang number ni shin habang nakatingin parin sa kanila na ngayo’y magkahawak kamay nang nagduduyan sa swing.

"H-hello love nasaan ka?”Tanong ko rito nakita ko namang napatingin yung babae kay shin nang may Pag-aalala.

"Nasa trabaho ako love, sige na busy ako bye"agad nito ibinaba ang telepono at hinalikan sa noo ang babaeng kasama nya.

At dun tuluyan na akong napahagulgol. Agad akong nagpara ng taxi at nagpahatid sa pinakamalapit na restobar.

Pagkapasok ko dun agad akong lumapit sa counter at agad nag order ng hard drinks nila.

‘Para sa panloloko ng boyfriend cheers' sa isip ko.

Napatawa na lang ako at nakita kong lumapit sakin ang manager nila dito.

"Gusto nyo po bang kumanta Ma'am?"nginitian ko ito pinaplay na ang kakantahin ko.

"Para to sa mga nanloko sakin Cheers!"tumawa ako at nagsimula ng kumanta.

“Brown guilty eyes and little white lies yeah, I played dumb but I always new that you talk to her, maybe did even worse I kept quiet so I can keep you~"

"And ain’t it funny how you ran to her the second that we called it quits? And ain’t it funny how you said you were friends? Now it sure as hell don’t look like it~"

Nakita ko ang babae at ang boyfriend ko na papalapit kaya naman nilakasan ko ang boses ko at dun na nagsimulang magsitulo ang luha ko

"You betrayed me and I know that you’ll never feel sorry for the way I hurt, yeah~"

"Jia, umuwi na tayo." Hindi ko ito pinansin at tinuloy ang pagkanta ko.

"You talk to her when we were together loved you at your worst but that didn’t matter~"

" Jia, Ano ba halika na umuwi na tayo."Bakas na ang pagkaseryoso nito ngunit hindi ko pa rin ito pinansin.

"It took you two years to go off and date her guess you didn’t cheat but you’re still a traitor~"

Agad na akong hinila nito at hindi na ako naglakas ng loob na pigilan pa sya.

Agad akong binitawan nito pagkalabas ng restobar.

"Sino bang nagloko sayo? Bakit ka ba nagkakaganyan?" Nakita kong lumapit sakin yung babae kaya naman napangiti ako ng mapakla at binigay kay shin ang cellphone ko.

Nakita kong nagulat sya at unti unting tumingin sakin.

"Jia...."

Nagsimula nanaman magsituluan yung mga luha ko pinunasan ko lang ito at muling tumingin sa kanila.

"Paanong hindi ako magkakaganito? Yung dalawang Importante lang naman sa buhay ko niloko ako..."nagsisimula na akong humagulgol pero pilit kong pinipigilan ito.

"My boyfriend and bestfriend betrayed me" hindi ko na napigilan mapahagulgol at nagsisimula na akong lumayo sa kanila.

"Bheb..."

"Wag mo 'kong ibheb!" Sigaw ko rito lumayo ako lalo dito at nagsimula na rin itong humagulgol.

Nakagat ko na lang ang labi ko ng makita na lumapit si Shion kay Sheena.

"Siya pala yung sinasabi mo na 2 years mo ng boyfriend. Congrats bheb! Masaya ako para sayo."

"Wag nyo na sana ako hanapin Maging masaya na kayong dalawa."

Agad na akong tumakbo paalis ng biglang may malaking truck na sumulpot sa harap ko.

"Jia!"

"Bheb!"

TRAITORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon