Chapter 21

60 13 0
                                    

Chapter 21...Second Examination


Alexandra's Point of View

Nakahalumbaba ako habang nakatingin sa hawak kong test paper. Kasama ko namang nagreview si Nikki ang kaso nga lang masyadong maikli ang araw para sa pagre-review. 'Yung iba hindi ko na-review pero alam ko ang sagot ang iba naman na-review ko. Pero meron ding iilan na hindi ko alam.

Handang-handa na akong makakita ng mapapalayas ulit sa village at baka isa na ako sa kanila. Pero ang exam naman ngayon ay hanggang 200 items lang at medyo madadali ang iba. Kahit hindi mo pag-aralan, alam agad ang sagot.

"Ayos ka lang ba?"

Napatingin ako kay Nikki na nakaupo sa may kanan ko.

Ngumiti ako at tumango. "Oo medyo kaya pa ng utak ko."

The given time was only 3 hours. Tapos na ang isang oras kaya may dalawang oras pang natitira para magsagot. Nagfocus na ako para matapos na ako agad. Nginatngat ko ang dulo ng ballpen ko habang nagbabasa.

After kong matapos, sabay kaming nagpasa ni Nikki dahil hinintay n'ya pala ako. Wala pang tatlong oras nang natapos kami. Pagkalabas namin sa room, nagulat ako dahil nandito na pala ang iba. Hinihintay kami.

"Hi guys! Kumusta?" Salubong ni Louise.

"Ayos lang. Maaga yata kayong natapos?"

"Yeah. The exam was pretty easy." Mayabang na sabi ni Louise saka pinitik ang buhok.

"Kaya nga hindi manlang ako pinagpawisan doon." Pagmamayabang din ni Mary.

"Ako naman ay hirap na hirap. Ang hirap pala ng History." 

"Uuwi na ba tayo?" Tanong ni Ryan.

"Maaga pa. Kayo kung gusto nyo nang umuwi edi umuwi na tayo." Sabi ko habang naghihikab.

"Oh sige tara. Lalayas nalang ako kapag nainip ako sa bahay." Umunang naglakad si Mary at sumunod kami.

Nako kung hindi lang kami nakatira sa village baka kung saan-saan na kami nagpunta. Wala naman kasing mapupuntahan sa labas. Ano namang gagawin namin doon? Baka may makakita pa sa amin o sa akin tas akalain akong namatay na pero buhay pa pala.

Nang makauwi kami sa bahay, hindi nga nakatagal si Mary. Lumayas ito dahil boring daw. Isinama pa si Bruise. Ewan kung saan silang dalawa pupunta.

Naiwan ako sa sala kasama si Jace. Sina Louise at Nikki ay nasa kwarto ganoon din ang iba. Dahil wala kaming magawa, naisipan nalang namin na pag-usapan ang past naming dalawa tapos s'ya ang nauna.

"Ayoko nang maulit ang nangyari sa amin dati at alam ko namang hindi iyon mauulit sa inyo."

"Oo naman. Pare-pareho lang tayong biktima ng killer kaya hindi na natin magagawang magtraydoran. Pero bakit hindi nila sinabi sa inyo ang nangyari sa kanila para matulungan nyo sila at magawan pa ng paraan ang nangyari?"

Nagkibit balikat siya. "Hindi ko rin alam. Baka nadala sa sobrang takot kaya hindi na nakapag-isip ng tama."

I feel sorry for him. Imagine, he gave his trust to his friends and he thinks that he can still trust them till the end pero ang nangyari hindi maganda.

"Pero bakit hindi ka natakot na magkaroon ulit ng kaibigan?"

"Ewan. Natural na siguro sa akin ang pagiging friendly."

I chuckled. "Buti ka pa. Samantalang ako noong una, nag-aalinlangan pang magkaroon ulit."

"Ikaw? Ano ang kwento mo?"

Pass or Die? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon