KABANATA 16: HULING SAGUPAAN

158 40 121
                                    

"N-Nagmamakaawa ako Tom tigilan mo na ito! Pakiusap naman," hindi mapigilan ni Ligaya ang magmakaawa sa bata. Umiiyak siya hindi para sa sarili kundi para sa anak niya. "Maningning!"

"Bakit ka umiiyak? Hindi pa naman ako nagsisimula," sabi ni Tom at akma nang sisindihan ang sahig.

"M-Maningning!" lalo siyang napasigaw at tumingin sa kanyang anak.

Hanggang sa bumukas ang pinto. Napatingin si Ligaya roon at nahinto sa pag-iyak. Si Ramil! Dumating na!
Nagulat si Ramil sa naabutan pero agad siyang kumilos at sinunggaban si Tom.

"Arrrghhhh!" bumagsak si Tom sa sahig pero hinagis nito ang gasera, agad na kumalat ang apoy sa paligid.

Nagulat si Ramil na napalayo dahil muntik pa siyang mahagip ng apoy. Kinapkap niya ang holster. Shit! Nakalimutan niya ang baril niya! Paano niya mapapatay ang demonyong ito? Wala siyang weapon.

"Hahaha!" tumawa si Tom, tumayo at akmang lalabas sa bahay.

"Dito ka mamamatay! Demonyo!" sigaw ni Ramil na pinigilan si Tom at sinuntok sa mukha!

"Ah!" nasaktan si Tom na napahawak sa mukha at napahiga ulit. Nawalan siya ng ulirat.

"RAMIL!" tawag ni Ligaya. "SI MANINGNING!"

Nabaling ang atensyon ni Ramil kila Ligaya. Nakita niya si Maningning na malapit nang masunog sa apoy. Agad siyang lumapit at pinatay ang apoy gamit ang jacket. Hinampas niya nang hinampas ang sahig hanggang mawala ang apoy. Napapaso siya pero wala siyang pakialam.

Tinanggal niya ang tali ni Maningning. Binuhat niya ang walang malay na batang babae at inilabas sa bahay. Bumalik siya sa loob para pakawalan si Ligaya. Panay ang pag-ubo ni Ligaya dahil kumakapal na ang usok. Unti-unti nang lumalaki ang apoy.

"Ligaya!" lumapit si Ramil at tinanggal ang tali ni Ligaya sa kamay.

Namilog ang mata ni Ligaya dahil nakita niyang tumayo si Tom sa likuran ni Ramil.

"Ilag!" sigaw ni Ligaya.

Napalingon si Ramil at napigilan ang punyal ni Tom. Nasaksak nga lang siya sa kamay.

"Ahhhhh!" nasaktan niyang sigaw.

Tinatanggal ni Ligaya ang tali sa paa at katawan. Kailangan niyang matulungan si Ramil.

Sinipa ni Ramil ang bata, nahagis ito sa pader pero parang hindi nasaktan si Tom at nagawang buhatin nito ang palayok sa gilid at binato si Ramil. Natamaan ang binata sa ulo.

"Ahhh..." napa-ungol siya na napahawak sa noo. Nagdudugo na ang tama niya.

Lumapit si Tom sa kaniya at sinaksak si Ramil sa tagiliran gamit ang punyal.
"AH!" sigaw ng lalaki. Napaluhod at napahawak siya sa saksak.

Sinaksak pa ulit siya ni Tom sa braso. Tuluyan na siyang bumagsak dahil sa mga natamong pinsala. Pumaibabaw ang bata sa kaniya at sinaksak pa ulit siya sa tiyan.

"Ramil!" tawag ni Ligaya. Nagawa niyang makatakas sa tali at nakuha niya ang piraso ng kahoy sa sahig. Lumapit siya kila Ramil. "Ah!" buong lakas na hinampas niya si Tom ng kahoy!

Napasigaw ang kalaban at humagis siya sa apoy. "Ah!" napatili ang bata nang masunog ang mukha niya. Walang pakialam si Ligaya sa bata at hinagis niya ang kahoy sa lapag. Lumapit siya kay Ramil at hinila ang lalaki.

"Lumabas na tayo!" sabi niya habang umuubo pa rin dahil sa usok.

"Ahhhh...." ungol lang ni Ramil na nakahawak sa mga natamong saksak. Nakahandusay siya roon at nakapikit ang mga mata. Tatlong beses siyang nasaksak ni Tom.

𝕋𝕙𝕖𝕣𝕖'𝕤 𝕒 𝕄𝕒𝕟 𝕚𝕟 𝕥𝕙𝕖 ℂ𝕒𝕓𝕚𝕟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon