Wala nang intro...intro...
Mag iintro ka wala naman mag babago.
Mag iintro ka wala din naman makikinig.
Pero wala eh, kailangan talaga ng intro.Ito na yun.
Ako lang ba yung may songbook?
Ako lang ba yung nagsulat ng magagandang awitin na naririnig natin?
Ako lang ba yung binabalik balikan ung mga awitin at mga lumang tugtugin?
Ako lang ba ung nakapag composed ng mga awitin?Ikaw, oo. Ikaw.
Alam ko madami ka din isinulat na mga magagandang awitin.
Alam ko na sa bawat awitin na isinulat mo may mga ala-alang nababalot ang mga ito.
Alam ko na minsan pinagdaan mo yung mga nasa lyrica ng mga awiting narinig mo at talagang isinulat mo.Ang sarap balik-balikan ano?
Lumang tugtugin, lumang ala-ala.
Lumang tugtugin na nagiging masaya at nagiging malungkot ka.
Lumang tugtugin na tanging ikaw lang ung may natatanging tanging ala-ala.Mahirap man itago, pero iyon at iyon pa rin.
Masasayang ala-ala?
Marami ka nun, pero mas tumatatak pa rin sa isipan mo ung mga bagay na nakasakit sayo.Wala eh, ganyan talaga ang buhay ng tao.
Minsan masaya, minsan hindi.
Minsan okay lang na maging hindi okay,
At minsan kahit hindi ka okay ay okay lang.
Ang gulo ng buhay no?May mga ala-ala na masarap balik-balikan.
May mga lugar na dapat dinadaanan lng.
Pero ang nangyayari tinatambayan pa natin.
Hey! Remembering something? 🤣Okay, kalma lng hindi ka na nya mahal 🤣🤣🤣.
May iba na sya, sige masasaktan ka kapag umasa ka pa.Eneweys, may kapatid pa sya mas nakababata.
Itry mo naman sakanya, malay mo effective diba? 🤣It ends here.
Sa susunod ko nlng ipapaliwanag lahat. 😉