Chapter 10

233 27 1
                                    

☀️🌻

THIRD PERSON'S POV

Nakasimangot na lumingon si Yngrid sa may edad na lalaki.

"Wala ka man lang bang gagawin kahit alam mo na ang ginagawa ng anak mo?"

"Just let him be, I already know who's behind these killings, personal ang rason ng lahat ng ito at naghahanda na ako ng Plano para mahuli ang taong nasa likod nito," Sabi ni General Alfred Velez "For now, ako muna ang isipin mo."

Gustong mandiri ni Yngrid sa sinabi ng lalaki, kaya lang kailangan niya ito at ang pera nito.
Sa panahon ngayon, praktikalan na.
Kulang ang sahod niya sa dami ng binubuhay niya bilang Agent.

A night with this high paid official is enough to sustain them for months.
but Yngrid can't deny the fact that each time this General penetrates her, si Blue ang na -iimagine niya.

Inabot ni Alfred sa kanya ang isang kopita na naglalaman ng mamahaling alak.
"The reason why I wasn't bothered was Blue isn't my son. Ampon siya. Pumupuno sa kakulangan ko bilang lalaki, I have a low sperm count, gusto ng asawa ko na magkaanak but I can't. Kaya noong hilingin niya na ampunin namin si Blue ay pumayag ako to make her happy. It's like a compensation... Kasi hindi naman talaga siya ang mahal ko, I always loved Lucinda."

Napaangat ang kilay ni Yngrid, napukaw ang kuryusidad.
"Oh? Who's that?"

"She was the wife of my ex best friend Manolo, I know I fucked up years ago. I did a very bad move to be here on what I am now... Hence, I suspected Manolo was behind all these events."

Napatango tango si Yngrid.
"Mind to tell me your plans?"
Kunway interesado siya, umayos ng higa at ibinalabal sa hubad na dibdib ang makapal na comforter.

"Not now.. But soon..." hinaplos ni Alfred ang kanyang pisngi.

Nagngingitngit man ang loob ay pilit ngumiti si Yngrid dito but deep inside. She's cursing him to death.

'Walang silbi!'

🌻☀️

ASH'S POV

INAAYOS ko ang aking sniper gun, nilinis ko ang rear nito para sa malinaw na asinta. Sinigurado ko din na nakakabit ng maayos ang gun suppresor para hindi marinig ang ingay ng putok niyon.

Patapos na ako sa ginagawa at sinisilid ko na sa bag ang baril ng humahangos na dumating si Mix.

"Ash, nawawala si Tatay!"

Agad akong napatayo. "Anong sabi mo?"

"Sabi ni Gene huling namataan ang kotse ni Tatay sa Intramuros, tinitrace na siya ni Gene ngayon."

Agad kong hinablot ang hand gun ko at sinilid sa likod ng pantalon ko saka ako patakbong bumaba sa sala, paalis na ako ng tumunog ang telepono ng bahay.

Dinampot ko iyon at sinagot.

"Sanueztre Residence."

"Kana..." malamyos ang boses babae na sagot ng kabilang linya.

"Sino ka." matamiim kong tanong, pilit kinikilala ang naririnig na boses.

"Nasa akin ang Tatay mo. Pumunta ka ng mag-isa sa isang metal warehouse na malapit sa Pier 90 Tondo. Alas 7 ng gabi. Mag isa ka. Kung gusto mo pang makitang humihinga ang Tatay mo." saka nito ibinaba ang tawag.

Napapatulala parin ako at hawak parin ang telepono.

"Anong sabi?" Tanong ni Mix na nakatayo sa harap ko.

"Tawagan mo si Gene, hingin mo ang blueprint ng Pier 90, kailangan nating mag plano. As soon as possible!"

☀️🌻

BLUE'S POV

"This assignment is for you to arrest Alyas Kana, dead or alive. May nag tip sa atin sa ating impormante na may transaction sila sa Pier 90, mamayang alas 7 ng gabi. Maghanda na kayo."

"Yes Director!" Sabay kaming sumagot.

Ito na ba ang sabi ni Ash?
Naalala ko ang usapan namin ng gabing iyon.

"Sabi ni Tatay, kung hindi ko magawa, siya ang gagawa... Ayokong gawin niya iyon, kaya kung magagalit ka man sa akin, tatanggapin ko."

"Bakit ganito na lang ka tindi ang hangarin ng Tatay mo ma malipol ang mga taong 'to? I know this isn't just a vigilant thing baby. May rason sa likod ng lahat ng ito." Niyakap ko siya.

"Natatakot ako sa kalalabasan ng lahat ng ito." Bulong ni Ash at pilit kumakawala sa pagkakayakap ko.
"Pagkatapos ng misyong ito,  susuko na ako Blue. "

"No! The justice system here in the Philippines is not fair. May naiisip akong paraan... Tawagan mo ako kung gagawin mo na ang huling misyon mo."

Isang tango lang ang sinagot niya sa akin noon. Pero hanggang ngayon, hindi niya ako tinawagan.

"Sinukuan mo na rin ba ako Ash?"

"Tara na Velez. Sana magawa mo na ng maayos ang trabaho mo." Bulong ni Yngrid sa akin.

Matalim ko siyang tiningnan pero nginitian niya lang ako ng matamis.

🌻☀️

THIRD PERSON'S POV

MAINGAT at walang ingay na lumapat ang paa ni Ash sa sementong sahig ng warehouse.
Nagtatago sa madilim na parte ng building ang iba pa niyang kapatid.

Dahan-dahan siyang naglakad papasok habang hawak ang baril na nakaumang sa harapan.

Madilim ang paligid walang anumang ingay.

Biglang isa-isang bumukas ang ilaw at tumambad sa kanya ang walang malay na si Manolo na nakatali sa silya.

"You're late."

Napalingon si Ash sa likod sa likod niya.

"Ikaw?!"Gulat biyang sabi ng makilala niya ang babae. "Yngrid?"

Ito ang laging kasama ni Blue.

"Hindi ko makakalimutan ang hinawa mo sa akin just to kill Senator Quibranza, aaminin kong magaling ka, Still... Babae ako at bakla ka lang you're plague against a natural born woman like me."

"Eh anong gusto mong palabasin? Anong kuneksyon ng sekswalidad ko sa pagkidnap mo sa Tatay ko? Bruha ka!"

"Well, your Tatay isn't my business, napag utusan lang ako. Ikaw ang gusto kung patayin." Hinugot ni Yngrid ang baril niya at itinutok kay Ash.

"Then, CATCH ME IF YOU CAN, BITCH." Nakangising sabi ni Ash sabay paputok ng baril niya at inasinta ang kamay ni Yngrid, tumilapon ang hawak nitong baril.

Sunod sunod na nagpaputok si Ash sa bawat gilid ng babae na sinasabayan naman nito ng sigaw at tili.

"Anong sinasayaw mo? Tinikling o boduts?" Nang-uuyam na sabi ni Ash, natatawa siya sa namumutlang mukha ng babae.

Isang malakas na palakpak ang umalingawngaw sa loob ng warehouse.

"No wonder Napaibig mo ang anak ko, pati itong si Manolo, magaling pumili ng kasangkapan sa paghihiganti."

Ash was fixated in his spot.

Nakatayo sa likod ng walang malay na si Manolo ang kanyang Huling Misyon.

Si General Alfred Velez, ang ama ni Blue.

Catch Me If You Can (Published Under TDP Publishing House) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon