Regrets & Mistakes [Fin]

924 13 2
                                    

[ Ana's POV ]

"Hala, male-late na ako! Napuyat nanaman kasi ako kagabi! Lagot ako sa prof ko nito!" tumatakbo ako papunta sa building namin. Almost 15 minutes na akong late.

I'm already 18 years old now. Pero, freshman pa lang ako sa College taking up Psychology.

Malapit na ako sa room namin. 2 floor na lang!

Kaya ko ito.

Kinukuha ko na sa bag ko ang permit ko para makapag-exam ng..

*Boogsh*

Nagkalaglagan ang mga librong dala ko. Napakamalas ko naman at ngayon pa ako nakabangga! Late na lalo ako!

"Mister, sorry po. Nagmamadali lang po talaga ako." hindi ko pa siya nilingon, kinuha ko kasi mga libro ko.

Pero nung tumayo na ako..

"Hey, Ana!" si Ivan. Ang firs--

"Sorry, I gotta go." sabi ko at umalis na ako.

Pasalamat na lang ako at pinag-exam pa rin ako ng prof ko khit na late ako. Nag-review ako ng maigi kagabi. Pero, ang weird lang dahil na-block ako. Buong examination inisip ko si Ivan.

Bakit siya nandito?

Bakit nagpakita pa siya?

Na-depressed tuloy ako. Nag-aral ako ng sobra tapos na-block lang pala ako habang nage-exam. Gusto ko pa namang maging part ng Dean's List.

Palabas na ako ng campus ng biglang may humarang sakin..

"I've been waiting for you. Ang tagal mo naman mag-exam." si Ivan, bakit nanaman siya nandito?

"Why are you here?" cold kong tanong habang dere-deretso palabas ng campus.

"I'm here para mag-aral." naramdaman kong sinusundan nya ako.

"Ayaw na kitang makita." mahina pero madiin kong sabi sa kanya.

"Hey, Ana.. Can we talk?" hinigit nya ang braso ko. Dahilan para matigil ako sa paglalakad.

"After all, sa tingin mo makikipag-usap pa ako sayo like we're friends? Shit naman Ivan! Tahimik na buhay ko! Wag mo ng guluhin!" hindi ko na napigilan ang sarili ko.

Hindi ko na siya hinintay na sumagot. Naglakad na ako palayo. Naramdaman kong tumutulo na ang luha ko.

Hindi ako dapat nila ako makitang ganito. Magpapalamig muna ako.

Tama, pupuntahan ko ang puntod ng lola ko.

"Nay? Bakit ganun? Kung kailan handa na akong magsimula ng panibagong buhay ng wala siya.. Tsaka naman siya nagpakita na parang walang nangyari." doon ko na nabuhos ang luha ko.

"Nay, akala ko naka-move on na ako.. Akala ko, okay na ako. Pero bakit nung nakita ko siya.. Bakit parang bumalik lahat nung nararamdaman ko?"

"Nay, ganito ba ako kasamang tao para makaranas ng ganito? Grabeng torture naman ito nay."

Halos isang oras din akong umiyak at naglabas ng sama ng loob sa puntod ng lola ko bago ko napagpasyahang umuwi.

Bukas may exam pa ulit ako.

Kailangan kong makauwi kaagad para makapag-aral.

Pagkababa ko ng Tricycle, nakita ko bukasang gate. Bakit kaya? Hindi naman nila iniiwan ito ng bukas ah? May bisita ba?

Regrets & Mistakes [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon