"Anak, mag iingat ka doon sa siyudad. Ayaw man namin ng Inay mo na mapalayo ka sa amin ngunit ayaw din naman naming hadlangan ang kagustuhan mong makapag aral." malumanay at may lungkot na wika ni Itay.
" May kulang pa ba sa iyong mga gamit ija? baka may nakalimutan ka." Naluluhang saad ni Inay habang naka masid sa pag aayos ko ng mga gamit.
"Sa tingin ko po'y wala na." Isinarado ko ang huling bag na pinag lagyan ko ng mga gamit na dadalhin ko sa pag luwas.
Tinulungan ako ng Itay na buhatin ang mga bagahe at dalhin ito sa may tabi ng kalsada upang doon hintayin ang dadaan na jeep na aking sasakyan sa pag alis.
"Ang bilin namin sa'yo anak, huwag mong kalilimutan." muling paala-ala ng Inay.
"Opo. Huwag kayong mag alala tatawagan ko kayo linggo linggo para hindi kayo mag alala sa akin."
Naririnig ko na ang tunog ng nag aahong jeep kaya nag handa na ako.
Nang natanaw na namin ang pag lapit nito. Muli akong humarap sa dalwang matandang nag aruga at kumalinga sa akin ng matagal na panahon.
"Maraming salamat Inay at Itay. Napakalaki ng utang na loob ko sa inyong dalwa. Huwag n'yo pong pababayaan ang inyong sarili. Pangako, babalik ako at mag kakasama tayong muli." Tumigil ang Jeep sa may tapat namin.
Niyakap ko silang dalawa ng mahigpit at agad na tumalikod upang hindi nila mapansin ang mga rumaragasa kong luha.
Sumakay ako sa loob ng jeep katabi ang mga gulay at prutas na iba-byahe patungo sa malaking pamilihan sa siyudad.Ilang segundo pang nag usap ang Itay at ang driver ng jeep na kanyang kaibigan at nag pasalamat sa pag payag na makisabay ako sa kanilang pag de-deliver.
Naramdaman ko na ang pag ugong ng makina, hudyat na papaalis na ang sinasakyan ko.
Sumilip ako sa maliit na siwang ng bintana.
Sa huling pag kakataon ay natanaw ko ang dalwang matandang nag alaga sa akin.
Muli kong napansin ang pag agos ng kanilang mga luha habang naka tingin sa Jeep na sinasakyan ko.Kasabay ng pag liit ng kanilang bulto sa paningin ko ay ang pag kirot ng puso ko at lalong pag buhos ng aking mga luha.
Hindi ko sila kadugo pero itinuring nila akong tunay nilang anak."Mahal na mahal ko kayo. Para sa inyong kaligtasan ang pag alis ko. Paalam..."