"A-ano b-bang kailangan mo sakin?" Nanginginig na tanong ng binata.
Kasalukuyan siyang nakagapos sa isang makapal na lubid.
Kanina niya pa ito sinusubukan tanggalin ngunit hindi niya magawa masyadong mahigpit.
"Simple lang naman." Sabi ng lalaki at umusog papalapit sa binata na ikina-atras naman nito sa takot.
"Wag kang matakot." Sabi ng lalaki at senswal na hinaplos ang kanyang pisngi na mas lalo nitong ikinasiksik sa dulo ng kama.
"I just want you to be mine. May mali ba dun?" Sabi ng lalaki na patuloy parin sa paghaplos na ikinatindig ng balahibo niya.
"Y-you CAN'T! Dahil walang pwedeng mag may-ari sakin. Kaya pakawalan mo na ako!" Matapang niyang sagot pero biglaan nitong hinaglit ang kanyang buhok na ikinadaing naman nito.
"Wag na wag mo kong gagalitin! Pag sinabi kong akin ka! AKIN KA! Naiintindinan mo ba yun?! At Isa pa, wag ka nang umasang makaka-alis ka pa puder ko. Dahil kung kelangang itali ka't ikulong para manatili ka sa tabi ko, gagawin ko! NAGKAKAINTINDIHAN BA TAYO!" Sigaw nito at marahas na hinawakan ang kanyang panga
Hindi naman nakasagot ang Isa dahil sa sobrang takot at sakit. Gusto niyang lumaban pero wala siyang lakas. Masyado siyang mahina. Gusto niya itong sapakin ng malakas pero ayaw niyang mas mapahamak.
Natatakot na siya ng sobra.
"ANO?! Hindi ka sasagot!" Marahas na sabi nito at mas diniinan pagkakaipit sa kanyang panga."O-oo. S-sayo lang a-ako." Hirap man bigkasin pero sinubukan ng binata makasagot. Alam niyang hindi ordinaryong tao ang kaharap niya. At kaya siya nitong saktan anumang oras, o mas malala ay patayin. Na hindi pa maari dahil ayaw niyang maiwanan ang kanyang nanay.
"Good! Masunurin ka naman pala." Nakangiting sabi nito na taliwas sa emosyon na pinakita nito kanina.
Wala siyang nagawa kundi ang umiyak nalang. Hindi niya alam kung makakatakas pa ba siya sa kinalalagyan niya ngayon. Natatakot siya sa pwedeng kahinatnan nya. Sobra na siyang nababahala.
"Nagpadala ako ng pagkain. Kumain kana." Malambing sabi ng lalaki na taliwas kanyang ekspresyon kanina na parang papatay.
"H-hindi pa ko g-gutom." utal nitong sagot na nagpabago sa kaninang emosyon ng lalaki.
Nagulat nalang ito ng pabagsak nitong binitawan ang dala nitong pagkain at galit na tiningnan siya
"PUTANGINA!"
"Kanina pa ko nagtitimpi sa kaartehan mo! Pag sinabi kong kumain ka! KAIN! Wag na wag mo kong susuwayin dahil hindi lang yan ang aabutin mo pag ginalit mo ko! MALIWANAG?!" Galit na untag nito at sinabunutan ang binata.
Hindi naman nakasagot ang Isa subalit humagulhol lang ito sa iyak.
"Psh, iyakin. Kainin mo tong pinahanda ko, at siguraduhin mong ubusin mo yan dahil kung hindi. Malilintikan ka talaga sakin." Banta nito na ikinatango ng isa bago ito tuluyang lumabas nang silid.
Naiwan magisa ang binata. Gusto niya umiyak pero wala ni isang luhang lumalabas. Siguro talagang pagod na ang kanyang mata kakaiyak.
Gusto niyang isipin matatapos rin ang lahat, pero sa twing naalala niya ang lalaki. Mukang malabong mangyari yun. Dahil sa tatlong araw na pamamalagi niya sa impyernong ito paulit-ulit lang na sakit ang nararanasan niya. Mapa pisikal man o emosyunal. Masyado na siyang nahihirapan pero kailang niyang magtiis para masigurado ang kaligtasan niya.
"Makakatakas din ako.
_______________________
New story ko po, Sana suportahan niyo. Biglaan ko lang po kasing naisip ang story nato kaya hindi ko na pinalagpas. Nagpapasalamat nga po pala ko sa mga readers ko sa mga nauna kong story lalu na sa mga nagvovote. Maraming salamat po. Tenkyu bery mwach!Don't forget to vote and comment.
BINABASA MO ANG
Meeting Hell (BxB)
RandomAiden is a simple gay use to distant away from people. He hates attention that's why he use to isolate himself away from other. But when Clyde met him, everything change. Everything get worse. The peaceful life that he always wanted change to an tot...