𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 10

590 25 0
                                    


HINDI ako pwedeng magkamali, siya ‘yun, ang batang maiksi ang buhok.

Napatingin muli ako sa kaninang lugar ng sunog ngunit nag-iba na ito.

Naging isang lugar ito na puno ng mga patay na halaman at mga puno.

Ano ba ‘to?

Mula sa ‘di kalayuan at tanaw ko ang isang lapida na sira-sira na.

Libingan?

“Ako ‘yan” biglang usal ng babae na biglang sumulpot kanina.

“H-Huh?”

“Ako ‘yan.” usal niya ulit. “Hinayaan nila akong mamatay doon sa sunog at inilibing ako sa nakakasuklam na lugar na ito” puno ng hinanakit na usal niya.

“B-Bakit?”

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko.

Maaawa ba ako sakanya o matatakot ako kasi isang multo itong kausap ko.

For pete’s sake, I’m scared of ghost!

“KASI MAS MAHALAGA PARA SA KANILA SI ATE” ngayon naman ay galit na galit niyang sumigaw.

“IKAW, IKAW PAPATAYIN KITA” sigaw niya at sinugod ako.

Wala akong ibang magawa kundi ang salagin lahat ng ataki niya.

Sino ba ‘to?

“Anong bang kasalanan ko sayo? Sino ka?” tanong ko rito.

Patuloy pa rin ang pagdipensa ko sa aking sarili.

Umikot siya sa likod ko at sinipa ako sa likuran, hindi kaagad ako nakagalawa upang salagin ‘yun kaya tumilapon ako sa may malapit sa lapida.

‘Almira Denice’

Saan ko nga ba narinig ang pangalan na ‘to?

Nabalik ako sa realidad when that lady, Almira, talked.

“Ikaw ang tagapagmana ni Ate Amira, hindi ba?” tanong niya. “Ngayon pa lang ay papatayin na kita para hindi ka maging sagabal sa plano ko” dagdag niya.

“Anong plano?” tanong ko.

Tumayo ako at sinalubong ang mga mata niyang galit na galit.

“BABAWIIN KO ANG DAPAT AY PARA SA AKIN.” sigaw niya.

“AKO DAPAT ANG TAGAPAGMANA. AKO DAPAT ANG PINUNO NILA.” dagdag niya at pinaulanan ako dark blades.

Sinubukan kong ikumpas ang kamay ko para gumawa ng panangga ngunit hindi ko magalaw ang katawan ako.

“A-Anong nangyayari?”

Napasigaw ako dahil sa sakit na dulot ng dark blades na itinira niya.

Hindi ko pa rin maigalaw ang katawan ko.

‘A-Ano ‘to? B-Bakit ganito?

“BWAHAHAHAHAHAHA” malakas na tawa niya.

“Nakakaawang tagapagmana, isang mahinang tagapagmana.” usal niya. “Ni hindi mo napansin na nakuha ko ang anino mo”

Nanlaki ang mata ko.

“ARGGGHHH” daing ko ng tinira na naman niya ako ng  kapangyarihan niya.

Paulit-ulit niya iyong ginawa at sinasabayan niya pa ito ng tawa.

Hindi ko na kaya.

Bakit ba ang hina ko?

Bakit ganito?

“MAMATAY KA NA” malakas niya sigaw at umambang sasaksakin ako ng ginawa niyang espada.

I close my eyes and waited for my end.

Journey To The Other World(COMPLETED)Where stories live. Discover now