Chapter 04

282 8 0
                                    

Chapter 04 - Roadtrip

Simula noong araw na iyon ay may kasunduan na kami na nasa dating stage kami, or mas formal siguro ang term na 'getting-to-know stage'.

We started to hang out a lot dahil kasali nga 'yon sa pinagusapan namin. Ayoko naman na i-rush masyado! Gusto ko munang kilalanin namin ang isa't isa, kahit na alam ko na ang buong biography niya.

"Ma'am..."

I groaned when I felt our helper's hand lightly patting my shoulder. Sinubukan kong buksan ang mga mata ko ngunit nasilaw ako sa ilaw ng araw.

"May naghihintay po sa sala n'yo..."

"Sino po?" mahinang saad ko. Kinukusot ko pa ang mga mata ko dahil antok na antok pa ako!

"Zayn daw po ang pangalan,"

Agad akong napaayos ng upo sa sinabi n'yang 'yon. Dali-dali akong pumunta sa banyo para mag-ayos.

Jusko! Wala man lang pasabi na pupunta siya rito? E 'di sana nakapag-ayos ako! Wrong timing pa!

Hindi ko rin naman alam na pupunta pala siya dahil ang sabi nya ay tuwing Saturdays, may band practice sila.

I just wore an off-shoulder top along with a denim skirt. Mas tumingkad lalo ang pagiging mestiza ko dahil sa kulay ng top ko. I tied my hair in a ponytail and wore a few accessories. I partnered it with white sneakers and sprayed some perfume all over my body to top it off.

Nagmakeup lang ako nang kaunti dahil ayoko namang ma-over sa ayos. Sinampal ko ang mukha ko para magkaroon ng natural blush at glow. Nabasa ko 'yon sa isang website, e!

"Ayan, okay na! Baka sabihin ay crush na crush ko siya at nagpapaganda ako para sa kaniya..." Bulong ko sa sarili ko habang naglalagay ng lip tint sa harap ng salamin.

'Di naman! Medyo lang!

Agad akong bumaba pagkatapos mag-ayos. And to my surprise, I saw Zayn downstairs waiting while holding a bouquet of flowers!

"Nag-abala ka pa!" Dali-dali akong bumaba ng hagdan para salubungin siya. Muntik pa akong matapilok, buti na lang ay hindi niya napansin.

His face lit up when he saw me kaya kaagad din siyang tumayo. "Good morning." He greeted me first. "It's fine, Tati. I just hope that you like flowers." Ngumiti siya at kinurot ang pisngi ko.

Wala na! Nagbblush na ako!

"Thank you!" I smiled widely.

"You're wel–"

He was cut off when my mother suddenly approached us.

"Sweetheart, you didn't tell me na may visitor ka pala!"  sinalubong ni Mommy si Zayn at nagmano naman siya kay Mom.

"Good morning po, Tita." He politely greeted.

"Come, come! Let's eat breakfast together." Sabi ni Mommy at iginaya kay Zayn ang daan papunta sa garden, doon kami madalas mag-breakfast kapag wala akong pasok. Wala rin pala si Dad dahil maaga siyang pumasok sa work.

Tumabi ako kay Zayn. Habang naghihintay na matapos i-prepare 'yong food ay nagkape muna kami.

"So... Bakit ka napadaan?" mahinang tanong ko, hoping that Mom wouldn't hear our conversation.

The side of his lip rose up as he looked at me, he then shifted his gaze to my mom. Hala! May balak yata 'to!

"Tita, I was wondering if I could take your daughter out for a date... Don't worry, I'll bring her home alive and kicking," sinampal ko nang kaunti ang braso niya dahil doon sa huling sinabi niya. He chuckled and waited for my mom to answer.

Until the Last Memory's AfterglowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon