"Hindi mo masasabi sa iba kung ano ang nararamdaman mo sa oras nayun, naipapahiwatig molang ito sa mga galaw na nagsasabing magiging maayus ang lahat."
" Engkuwentro .Ang nag luwal man sayu ay hindi ka makikilala, sa salitang papakawalan mo hindi mona maaaring ibalik pa. Ang pagkabulag sa sarap ng iyung kalagayan ang hihila sayu sa himlayan."
" Lalagay ang kamay mo sa iyung dibdib ,luha mo ay papatak sa huling sigundo ngunit ang pagngiti nila'y hindi mona masisilayan pa sapagkat nilisan mo ang masayang mundo."" Pag ibon ay bumagsak sa sarili nitong kagagawan, huhulaan mo nalamang ang makasariling nitong paglipad galing sa pugad na sinilayan, lumayo ng maaga na hindi kumpleto ang bagwis, sa paglipad mo papuntang kaligayahan...sa huli ang tangi mong magagawa ay mag hinagpis."
-Ang bitwin sa karagatan.
YOU ARE READING
In to the Wind
General Fiction"When the sky falls and the ground yell telling that life can never be a story, but a lost memory"