Chapter 07

273 10 0
                                    

Chapter 07 - Chaos

"Ugh, ang hirap!'' reklamo ni Carla, blockmate ko, dahil kakatapos lang namin mag-exam. Finals na namin ngayon at grabeng paghihirap ang naranasan namin!

First year college na kami, habang si Zayn ay graduating na. He was doing well as an intern kahit na maraming bwisit sa trabaho niya. Well, common naman iyon. Ayaw din maman niyang gamitin ang connections niya, which was a good thing!

'Di ko ka-blockmate si Ruth dahil iba pinili niyang course. Pinaghiwalay din kami ng universe pagkatapos ng ilang years na pagsasama.

Sila Vielle at Carla lang ang ka-close ko rito, sila rin kasi ang kasa-kasama ko. We got to know each other very quickly.

"Nomi mamaya! Libre ko!" aya ni Vielle, umiling naman ako. Hindi ba 'to naaawa sa atay at bato niya?

"First anniversary namin ng bebe ko! Pass." Sabi ko at binatuhan siya ng french fry.

"E 'di ikaw na may bebe! Vielle, tayo na lang kasi..."

Tumawa na lang ako sa sinabi ni Carla. Mas lalo lang akong natawa nang ngumiwi si Vielle sa sinabi niya.

"Boo, hopeful romantic!" inasar ko siya at nagbigay ng thumbs down.

Grabe, tumagal talaga kami ng ilang buwan ng high school crush ko?! Pinagpala talaga ako! Oh my gosh!

He promised me a date later, s'yempre, anniversary namin. It was a usual thing for us to always celebrate. No matter what.

"The results of the exam will be out tomorrow, 4 PM." Our professor announced.

Kahit anong handa ko no'ng summer, mahirap pa rin pala talaga ang pagiging college student! Noong first day nga ay na-late pa ako dahil 'di ko mahanap ang room namin. Bakit ko ba kasi hinanap ang TBA.

To: #1

here's the location na bebe boy ko mwah see you later!

I sent him the location via IG. Sure naman ako na alam n'ya 'yon dahil halos kahit saang lupalop na ng mundo siya nakakarating.

Pupunta kami sa isang floating lantern festival mamaya, nakaka-excite kasi first time ko 'to! Parang Tangled lang ang peg!

Pinlano ko rin 'to specially for our anniversary. This needs to be photographed later!

I checked my phone when it beeped, nag-reply na siya.

From: #1

Okay! I'm sorry I can't pick you up later :(

I answered back and said that it's okay. Ginanahan tuloy akong pumasok sa mga susunod na klase. Ilang classes lang ang mayro'n ako ngayon, mamayang hapon ay vacant na.

I became more attentive para mabilis matapos ang oras. Hindi na ako makapaghintay! Makikita ko na rin siya mamaya, kaya kailangang sulitin ko na ang pakikinig!

"Ingat ka!" paalala sa 'kin nila Carla habang naglalakad palayo, I gave them a smile and waved my hand.

5 PM ang naka-set na time for our date. Pasado 2 PM pa lang kaya may oras pa ako!

Simula no'ng nag-college na ako ay hiniling ko kila Mommy na hayaan akong mag-commute. Hindi ko naman na kailangan ng driver dahil alam kong kailangan kong matutong maging independent.

Papara na sana ako ng jeep nang biglang tumunog ang cellphone ko. Kumunot ang noo ko nang makita kong tumatawag si Dianne. Nakailang missed calls din siya.

"Oh? Bakit?"

[A-Ate! Ate... umuwi ka na... S-Si Dad!] Gumagaralgal na tinig n'ya.

"Bakit?! Anong nangyari? Dianne!" Sunod-sunod kong tanong pero pinatayan na n'ya ako ng tawag. My heart skipped a beat. I was starting to worry so much.

Until the Last Memory's AfterglowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon