FIVE

551 14 2
                                    

Sabado ng madaling araw ay dumating na ang may edad na driver na si Manong Taec lulan ng itim na starex. Iyon ang sasakyan ni Rein patungo sa manila. Naroon pa rin si CJ na tinutulungan siya nito sa paglalagay ng mga gamit niya sa van.
Naging emosyonal silang magkakaibigan nang magpaalaman. Nagyakapan sila ng mahigpit.
"Huwag mo akong kalilimutan ha? " bilin nito kay Rein.
"Oo naman. Ikaw yata ang bestfriend ko".
Nang makalayo sa bahay na minana ng kanyang ina sa mga magulang nito, tuluyang tumulo ang mga luha niya. Kabado rin siya sa pagpunta niya sa manila. Sa picture lang niya nkita ang kanyang ama. Mula nang isilang siya,hindi nita ito nakita o nkasama. Hindi niya alam kong paano pakikiharapan nito. Hindi inilihim ng Tita Dhez niya sa knya na ito lang ang may gustong tumira siya sa manila.
Mahabang oras ang nilakbay nila mula Baguio patungong manila, pero hindi siya nakaramdam ng pagod. Hindi siya umidlip ni minsan gayong halos hatinggabi na nang matulog sila ni CJ dahil walang patid ang kwentuhan.
Pasado alas dos na ng Hapon nang makarating sila sa Brgy. Bukas, ang kinaroroonan ng Rancho Medel. Isang malaking two storey house ang nsa bungad ng lupain.
Hindi nita inaasahan na ganun kayaman ang kanyang ama. Malawak ang bakuran at malinis ang paligid ng malaking bahay. May tatlong sasakyan na nakaparada sa garahe, kung saan nakaabang na sa kanya ang dalawang maid at si Tita Dhez.
"Kamusta ang byahe hija? "masiglang tanong sa kanya ng tiyahin pagkatapos siyang yakapin nito.
"Ok lang po, Tita".
"Nag lunch ba kayo sa daan? "
"Opo".
"Mabuti naman.Ito nga pala sina jhoymie at lianee, mga kasambahay dito".
Nginitian niya ang dalawa. "Kamusta po kayo? " .
"Mabuti naman Rein, " wika ni jhoymie.
Nilingon ni Tita Dhez si manong Taec. "Ideretso mo na yang mga gamit ni Rein sa silid niya, Taec .
"Opo Ma'am Dhez".
Iginaya na siya ni Tita Dhez niya papasok sa loob ng bahay. Namangha pa rin siya habang inililibot ang paningin sa buong paligid. "Dumiretso na tao sa silid ng papa mo para makita mo na siya.

STILL LOVING YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon