KRING! KRING! KRING!
Hays! Ano ba yan. Umagang umaga nang iistorbo tong bwiset na Alarm Clock.
KRING! KRING! KRI------!
Hinablot ko ang alarm clock at inis na tinapon kung saan. Natutulog ang tao e.
Matutulog na ulit sana ako ng biglang may kumatok.
"Almira! Gising na may pasok na. Baka ma late ka." Sabi ni Ate Ally kapatid ko.
"5 Minutes pa Ate"Sabi ko
"5 minutes? Aba! Malelate ka na talaga!" Saad niya.
"Sige na ate.Please" Sabi ko.
"Kapag dika pa lumabas diyan malilintikan ka sa akin" Pagbabanta niya sa akin.
"Edi Wow!" Saad ko
"ISA!" Pagbilang niya
"DALAWA! Marunong akong magbilang ate.Wag mokong bilangan" Sabi ko.
"DALAWA!" Pag ulit niya.
"Ano ba yan! Binilang na nga ang dalawa inulit pa. Ang tanda mo na di mo ba alam ang tatlo? Haggang dalawa ka lang?! Hayaan mo turuan kita mamaya " Inis na sabi ko.
Wala na akong narinig mula sa sa ate kong boses palaka. Haha. De joke lang. Singer ate wag kayo palagi siyang may concert..... Sa banyo nga lang.
Humiga ako ng maayos at natulog ulit.
Napabalikwas ako ng bigla akong nakaramadam ng malamig na tubig na ibinuhos sa ulo ko.
"What the F!" Galit na sabi ko.
"Ayan! Mabuti naman nagising na ang diwa mo" Natatawang sabi ni Ate. Ang babaw ng kaligayahan Tsss
"Walang nakakatawa sa ginawa mo." Sabi ko.
"Wala ba? Eh bat ako natatawa? " Nakakatangang tanong ni Ate.
"Kase baliw ka! " Sabi ko.
"Edi wow! Hahaha! Maligo kana baka malate ka pa." Sabi ni ate habang papalabas na ng kwarto ko na natatawa pa. Baliw talaga pero mahal ko yan. Kahit ganyan kami.
Inis akong tumayo at pumunta ng cr para gawin ang dapat gawin. Matapos ang 30 minutes na pagcoconcert ko sa banyo agad na akong nagbihis at bumaba na para kumain.
Kain lang ako ng kain ng bigla akong pukpukin ni Ate sa kutsara na hawak niya.
"Aray! Masakit ha! Problema mo? " Inis na tanong ko habang hawak ko yung ulo ko na pinukpok ni Ate.
"Hinay hinay ka nga sa pagkain tsaka mag diet ka nga! " Sabi ni Ate.
"Diet mo mukha mo! " Hindi naman ako mataba ah. Chubby lang. Pero sexy ata to.
"Tama na yan. Kumain na kayo baka malate kayo. " Bawal sa amin ni Mama.
---
"Bye Ma, Bye Pa." Sabay na paalam namin ni Ate at sumakay na sa kotse.
***
Kasalukayan kaming nasa biyahe ng magsalita si Ate
"Be nice Almira and Behave ." Habilin ni Ate
"Luh?! Ano ako bata? Kung makahabilin. Tsaka excuse me! Mabait ako, sayo lang hindi." Saad ko.
"Ikaw talaga. Haha. Osya nandito ka na sa school. Baba ka na. "
"Malamang bababa ako. Alangan naman aakyat pa ako sa kotse na to." Sabi ko.
"Lumayas ka na nga! " Sabi ni Ate. Hhhaha! Ang moody ni Ate. Like me. Well she's my sister.
Medyo patalon talon akong naglalakad ng may makabangga ako.Ang sakit nung pagbagsak ko.
"Sht!" Mura ni?
"Ahmm.Sorry" Pag uumanhin ko.
"Sorry!? Sa tingin mo maalis ng sorry mo ang hot choco sa uniform ko. Umagang umaga makaka bangga ako ng tanga. " Saad niya. Aba't Leche to ah.Napaka kupal ng lalaking to. !
"Hoy! Koya! Ang OA mong mag react para mantsa lang dyan sa uniform mo" habang dinuro duro ko ang dumi sa uniform niya "Tsaka di lang ako ang tanga pati rin ikaw! Tse! " Sabi ko sabay walk out.
Pumasok na ako sa room na dapat. Lol! Tinignan ko ang wrist watch ko at 7:00 palang at 7:15 pa ang pasok may 15minutes pa.Kung gisingin ako ng Ate ko kanina sobra akala ko late ako. Tas may 15munutes pa pala.Bwiset!
Halatang excited mga estudyante dahil First day of school na naman. Sus! Umpisa lang yan.
Tahimik lang akong tumingin sa kawalan ng biglng may nambatok sa akin. Bwiset nagmomoment ang tao e.
Tinignan ko kung sino ang nambatok sa akin at naningkit nalang ang mata ko ng makita ko ang Bestfriend ko.
"KYAAAAAH!!! BEB! I MISS YOU. " Hyper na sabi ni Beb. Tsaka ako yinakap. Marahas kong inalis ang pagkakayakap niya sa akin.
"Ano ba nasasakal ako. Tsaka pwede ba umayos ka dyan!" Sabi ko
"Awwwts! Ganyan ka ba makamiss? Ang sweet ha. Nakakasakit. " Sarcastic na sabi ni Beb!
"Eh ikaw? Ganyan ka ba makamiss? Nambabatok? " Tanong ko.
"Namiss ko rin kaya yun.Huhu" Sabi niya at kunwaring umiiyak
"Edi miss mo! Wag kana nga umiyak dyan! Imissyou too" Sabi ko sabay alis mahirap na baka yakapin na naman ako nun masakal lang ako.
Naglakad ako palabas ng room tutal may 3minutes pa. Maiwasan ang kaingayan ni Beb. Wag muna niya akong ingayan ngayon. Masakit ulo ko.
Malapit na ako sa labas ng biglang may isang nagmamadaling nilalang akong nakabangga na naman sa akin. Pero this time hindi na ako naupo sa sahig pero masakit padin.
Magsosorry na sana ako ng bigla kong nakita ang pagmumukha niya
"IKAW NA NAMAN?!??" Sabay na sabi naman.
"Miss! Kung gusto mo ako tell me. Hindi yung ganto." Inis na sabi niya.
" Ang kapal ng mukha mo koya! Kupal ka talaga! " Sabi ko!
"Anong sabi mo!!!!? " Galit na tanong niya. Kupal na nga bingi pa!
"Ang sabi ko Kupal ka!" Sigaw ko sakanya. Halatang nainis siya kase namumula na.
"Abat sum---" Hindi niya na natuloy ang sasabihan niya ng dumating na yung first teacher namin.
Gaya ng ginagawa pag FDOS pagpapakilala lang.
"I'm Tristan Louie Alcantanra" Pacool na sabi ni Kupal.
"Sus! Feeling cool di naman" bulong ko .
"May sinasabi ka Miss.Stupid?" Tanong niya. Stupid pa daw ako. Bwiset.
"Kung may narinig ka meron kung wala edi wala. " Sabi ko.Siniko ako ni Beb. At bumulong ng "Ang gwapo pinaprangka mo" I rolled my eyeballs. Beb always be Beb. Basta gwapo.Eh hindi naman gwapo yung kupal na yan Tss. But she's not a btch.
Tinignan ko si Kupal na masama ng nakatingin sa akin. Hindi ako nagpatinag tinignan ko rin siya ng masama. After ng pagpapalitan namin ng masasamang tingin umupo na siya.
Ilang classmates ko pa ang nagpakilala.Bago ako
"Annyeong Haseyo! Almira Clarisse Montenegro Imnida! Minsan masungit kadalasan hindi. Haha! So i hope we can be friends." Pagpapakilala ko sabay ngiti ng malapad.
Hhaha! Akala niyo masungit ako no?Minsan lang ako ganyan. Well thats me masanay ka na.
"Wag ka ngang ngumiti. Di bagay sayo ang plastic mong tignan. " Naalis ang ngiting nakaguhit sa labi ko ng biglang magsalita si Kupal
"Thats rude Mr.Alacantara" Naiiling na sabi ko.
"Well you deserve it. " Sabi niya
I glared him and mouthed the cuss "Damn u". But he just smirk.