A/N: Another one shot story, eh? Habang hinahasa ko pa ang aking sarili sa paggawa ng mas mahabang kuwento, akin munang pinapanday ang kakayahan ko sa pamamagitan ng paggawa ng mga One Shot Story. Kayâ kung isa ka sa magbabása nito, maraming salamat sa iyong suporta! Mahalaga ka araw-araw at kamahal-mahal ka palagi ❤️!
PS. Posibleng may makita kayo na mga typographical errors kayâ paumanhin tungkol doon. Maraming salamat saiyo! Padayon.
—
Sinong mag-aakala na darating kami sa punto na ganito? Na makikita ko siyang naglalakad papunta sa altar habang unti-unti kong tinutupad ang ipinangako ko sa kaniya noon. Napakaganda talaga ng aking Binibini, napakaperpekto ng hugis ng katawan nito pati na rin ang bawat bahagi ng kaniyang mukha. Mapupusyaw na mga mata, mahahaba at mapipilantik na pilik, matangos na ilong, mahaba niyang buhok na siyang mas lalong nakadagdag sa kagandahan na mayroon siya. Mapupulang labi na may korteng puso at ngiti nito na dadalhin ka sa labis na kasiyahan kapag iyong nasilayan. Hindi ko maiwasang hindi siya titigan habang naglalakad papunta sa lugar na aking kinatatayuan kasáma ang kaniyang ama. Sumasabay naman dito ang isang kanta at doon ko naalala kung bakit ito ang tumutugtog. Napag-usapan namin noon na ito raw ang nais niyang kanta sa oras na ikakasal na siya. Hindi ko maiwasang hindi maluha dahil sa hindi ko maipaliwanag na nararamdaman ko ngayon. Ang dami na namin pinagdaanan noon na sobrang sumubok sa pagmamahalan namin. Nang malapit na siya sa aking puwesto, nagkatitigan kami, biglang nanumbalik sa akin ang mga alaala bago kami humantong sa kung nasaan man kami ngayon.—
“Ikaw Carmel, saan mo gustong ikasal?”, tanong ko sa aking nobya habang nakahiga siya sa aking mga hita at pinagmamasdan ang papalubog na araw. Tumingin muna siya sa akin bago sumagot. “Simple lang naman, gusto ko ay nandoon ang lahat ng importanteng tao sa búhay ko at kung ako ang papipiliin kung saang simbahan, gusto ko sa simbahan kung saan ikinasal ang mga magulang ko. Napaka-memorable kasi ng simbahan na iyon sa akin eh. Ewan ko ba, sa tuwing nagagawi ako sa lugar na iyon, parang hinihila lagi ako nito papasok. Ikaw ba Devin, saan mo gustong ikasal?”, balik na tanong nito sa akin na sinabayan ng isang matamis na pagngiti. Napakaganda talaga niya.“Sa tabi mo”, nakangiti kong usal dito na naging dahilan upang matawa siya.
“Ang corny mo talaga kahit kailan, matagal ko ng alam ang banat na iyan ha”, natatawa nitong wika. “Seryoso kasi Devin, saan nga?”, dagdag pa nito na pinipilit maging seryoso.
“Woy hahahaha, seryoso ako, ano ka ba. Gusto ko nga sa tabi mo. Kahit saang simbahan, basta gusto ko, ikaw ang nasa tabi ko habang ikinakasal tayo”, napangiti naman ito at hindi maitago ang kilig na nararamdaman. “Corny mo talaga kahit kailan.”
“Grow old with you, ito ang gusto kong kanta habang naglalakad ako sa altar”, napangiti naman ako sa sinabi nito dahil iyon ang theme song namin magmula ng maging kami.
Tiningnan ni Devin ang singsing na nakatago sa bulsa, nagdadalwang isip siya kanina kung kaniya na itong ilalabas upang magpo-propose sa nobya niya. Pero ngayon ay desido na siya, hindi pa ito ang tamang panahon. Marami pa siyang kailangan asikasuhin bago niya gawin iyon.
“Carmel”, tawag ko muli rito. Napasimangot naman ito.
“Alam mo Devin, nagtataka lang ako, bakit wala tayong tawagan? Unlike sa mga kaibigan ko, mayroon sila ng mga boyfriend nila. Bakit tayo wala?”, napa-pout na tanong niya sa akin. Cute.
“Tawagan?”
“Oo, tawagan. Endearment, like baby, honey, babe, or kahit anong endearment. Mag-iisang taon na tayo pero sa pangalan lang natin tinatawag ang isat-isa. Nakakainggit ‘yong iba kong kaibigan”, naiinis na singhal niya sa akin. Natawa naman ako bigla sa mga sinabi niya. “Oh! Anong tinatawa-tawa mo riyan?! Ha!”, singhal niya muli sa akin.
YOU ARE READING
The Day I Fulfilled My Promises
Short Story"Hindi ako naniniwala sa katagang, "Promises are meant to be broken", dahil ako 'yong uri ng tao na marunong tumupad sa mga pangako." -Devin