-----
Chapter One.
"Anak, gising na. Late kana, anong oras na oh 8:35 na" rinig kong sabi ni Mama. Napabalikwas naman agad ako sa pag kahiga ko dahil sa sinabi ni Mama.
Tumingin naman ako sa orasan ng kwarto ko. Ohmygod! Late na talaga ako.
"Mama sige na po maliligo na po ako handali lang to" mabilis kong sabi. Dumiretso agad akong banyo sa kwarto ko!
Buhos. Buhos. Sabon. Shampoo. Buhos. Buhos.
Hindi ko alam kung ligo paba yung ginawa ko sa bilis. God! Una ko palang sa klase. Late na agad ako! Huhuhu.
Nagbihis na agad ako. Basta suot lang ako ng suot kung ano man madampot ko. Hindi na ako tumingin sa salamin kinuha ko na yung suklay at nagsuklay saglit.
Mabilis akong bumaba at kumain ng saglit. Nagpaalam narin ako kay mama na papasok na ako!
Pagdating ko ng kanto. Nag intay agad ako ng tricycle! Pero wala pading dumadaan.
Tingin sa orasan, 8:49 in the morning!
"Arggghgh!! Late na talaga ako neto" sabay dabog ko sa lupa gamit yung paa ko.
Tingin sa kanan
Tingin sa kal--
"TRICYCLE, PARA PO!!! TRICYCLE!!" malakas na sigaw ko nung may nakita akong tricycle malapit sa kinatatayuan ko. Wala na akong pake kung pinag tititigan na ako ng mga tao dahil sa malakas kong sigaw. Nako! Sanay na ako.
Pagdating ko sa Schaller University naka sarado na yung gate. Uwaaahhhh! Late na late na talaga ako! Huhuhu.
Kumatok ako sa gate at buti naman ay bumukas agad ito.
"Miss, ano po kailangan?" tanong ni Ateng Guard. 'Shunga lang ate! Kailangan ko. Edi papasok po'
"Papasok po. Late po kasi ako eh" nakita ko namang tumaas ang kilay nito.
"Wew? Totoo ba yan? Eh, ineng pang mayaman tong paaralan na to. Hindi pang kagaya mo" sabi nito na natatawa pa. Problema nito? Suntukan nalang oh.
Tumayo ako ng deretso at tinaasan ko siya nang kilay, "Ate, bago kayo manglait. Pwede naman pong magtanong kung Scholar ba ako dito" sabi ko. Pinaka ayaw ko yung iniinsulto ako eh!
"Ah" sagot nito "Sige, pasok na"
Pagpasok ko ,Anak ng! Late na talaga ako. Wala nang students sa paligid.
Hinanap ko agad yung room ko. Nang makita ko. Nagtata takbo agad ako papunta dun. Pagpasok ko! Yumuko muna ako at huminga ng malalim. Huuuhhh! Hiningal ako dun ah.
"Anong ginagawa ng Maid dito?" rinig kong sabi nung babaeng clown na naka tingin sa akin na nakataas yung kilay. Pfff! Clown. Eh kasi naman, it's so makapal ng make up! xD. Tinignan ko yung paligid, Ohh men~ nalaman ko na nakatingin pala sila lahat sa akin pati yung Teacher
"Miss. Mendoza! Why are you late?" tanong sa akin ni Maam. Abah! Yoww. Kilala na agad ako. 'Ehh syempre po may ID ka' Shunga lang.
"Ahmm.. Uhmm. Kasi po.." Potek! Anong bang sasabihin ko. Pa eng-English pa kasi eh.
"What?" taas kilay nitong tanong. Tsskk!
"Maam, kasi po nal----" naputol yung sasabihin ko nang magtilian yung mga classmate kong babae, xD. Pati pala si Maam, Pfftt! Tanda na eh. HAHA!
May pumasok namang tatlong lalaki na akala mo artista kung maglakad. Lalo na yung nasa gitna! Muka palang, yabang na eh. Yung nasa kanan naman, kanina pa humihigab. Yung nasa kaliwa naman, naka ngiti. Abah! Masayahin si Koyang pogi~~
