Chapter 25

1K 14 0
                                    

We rarely go out na nung malapit yung exam ng prelim or LE week. Lahat ng food namin delivery or nagpapainit na lang kami nung mga niluto nya bago yung hell week.


"Ilan exam mo bukas?" He asked nung inabot ko yung kape.


"Dalawa lang. Ikaw?" I asked tapos pinatong ko yung paa ko sa hita nya. Minsan minamasahe nya kahit nagbabasa sya. One of the things he can multitask with reading.


"Dalawa lang din. Sakit na ng kamay ko magsulat. May 2 days pa." He said.


"Remember yung usapan natin sa palawan? Poblacion after exam." I said reminding him.


"Sige. Pero baby hanggang sa kaya ko lang. Wag natin i-base sa tolerance mo." He said laughing.


"But I wanna get drunk so bad. Pasundo na lang tayo sa driver ko." I said.


"Manggagaling pa syang Alabang. Malalaman ng mommy mo. Kahit ka-close ka nila, yung parents mo ang amo nila." He said like it's a fact.


"Tss. Bakit kasi hindi ka nagtrain nung nasa LegMa ka." Sagot ko.


"I'm pretty sure hindi yun kasama sa curriculum. Let's negotiate. Magpoblacion tayo pero dito tayo sa condo maglalasing talaga." He said.


"Tss. Ang week. Fine. Review na." I said.


The following day maaga kami parehas umalis ng condo. Sa library muna daw sya tatambay.


Pero nung gabi na ay hindi sya mapakali. Panay ang tingin nya sa phone nya. Tapos biglang tatayo sya pag may tatawag.


"Miggy, what's happening?" I asked.


"Mom wants us to fly to US already. Pero ayaw pa nila Gab kasi may exam pa daw kayo. And may exam pa din ako. Kami na lang yung nandito." Sagot nya sa akin.


"Why? May nangyari sa lolo nyo?" I asked worried. Pati ako tuloy hindi na makapagconcentrate.


"Mom told me parang sinabihan na sila na magpaalam na." Sagot nya. I immediately went to hug him.


"Baby, mag-aral ka muna. Worrying will not help you. Hihintayin nya kayo." I said then rubbed his back.


After a minute si Josh naman yung tumawag. Nakaaudiocall na silang tatlo.


Gab: Mom told me 9pm na flight

Josh: Can't we move? Ano oras last exam mo kuya.

Miggy: 7 pm.

Gab: E traffic pa. Aabot ka ba?

Miggy: If not mauna na kayo

Gab: Kuya, hindi ako makareview.

Narinig ko pang umiiyak na si Gab. Pati si Josh. Tapos ako naman na yung umiiyak na.

Miggy: Sige na magreview na kayo. Kunin nyo lang yung mga gamit nyo. Una na kayo dun.


Tapos pinatay na nila yung tawag. Nakatingin lang ako sa kanya. Nagpipigil din sya ng luha. I hugged him and just smiled.


"Yung luggage mo ako na mag-aayos bukas. Daanan kita sa school." I said nung nag-grab na lang kami papunta sa school.


After nung last exam inayos ko yung luggage nya. Ilang shirt lang yung kinuha ko. Tapos nung 6:30 ay umalis na ako at hinintay sya sa harap ng school.


Reclaiming it with you ✨ [MED SERIES 3] COMPLETEDWhere stories live. Discover now