Chapter 34

22 1 2
                                    



"Kailan pa?" Tanong ni kuya.

Nakaupo lang ako sa sofa at nakayuko. Alam na nya yung about sa amin ni Calix. Nakabalik na pala sya kahapon sa bansa.

"Anong akala mo Aden? Hindi ko pa alam? matagal ko nang alam na meron kayo relasyo ng Calix na 'yon! Nakalimutan mo yatang schoolmate mo mga kaibigan ko?" galit na galit na sabi ni kuya.

"I'm sorry, kuya" sagot ko naman. Wala akong ibang masabi. Masyado nang mabigat yung nararamdaman ko at wala na akong lakas para makipag argue.

"Anong pumasok sa utak mo at naisip mo yan?"

"Kuya nagmahal lang ako!" Sagot ko sa kanya.

"Aden, napakadami naman dyang iba?? Bakit si Calix pa?"

"Iba? Sinong iba? Yung mga nirereto nyong babae sa akin? Sorry kuya, bakla ako"

"Sa tingin mo hindi ko alam?" Nagulat ako sa sinabi ni kuya.

"Aden, kapatid kita, halos sabay na tayong lumaki, tingin mo hindi ko mapapansin 'yon sa'yo?? Pero may narinig ka ba sa'kin? Wala 'di ba? Kase tanggap ko kung ano ka!"

Sandali akong natahimik sa mga sinabi nya.

"Kuya, kung talagang tanggap mo ko, dapat tanggap mo rin kung sino yung mahal ko at mamahalin ko. Kahit si Calix pa 'yon." Sabi ko sa kanya.

Napahinga ng malalim si kuya at saka nagsalita.

"Aden, there's something you need to know." Sabi nya sa akin.

Napakunot ang noo ko.

"What is it kuya?"

"I know hindi mo na 'to natatandaan dahil pinilit naming makalimutan mo yung mga nangyari nung bata ka pa. But I know na alam mong dati pa man eh meron ng D'Altas Gang, we are originally six in that group." Kwento ni kuya.

"...and the sixth member was Calix"

Napakunot lalo ang noo ko sa narinig ko. Like what??

"W-what are you talking about, kuya? Kagrupo mo si Calix ever since?" Naguguluhan kong tanong.

"Yes. He's actually my right hand that time."

"Then? What happened?"

"Shit happens. Kaya nabuo ang Calisto Gang na purpose ay tapatan at lamangan ang gang namin" paliwanag ni kuya.

"Shit happens?? What kind of shit kuya!? I need to know more kase based sa mga sinasabi mo sa akin ngayon, matagal na akong kilala ni Calix. Tama?" Sabi ko sa kanya.

"Sorry, Aden, pero hanggang dyan lang ang masasabi ko sa'yo. Kaya please, maghanap ka na ng iba, I will support you sa lahat ng gusto mong gawin sa lahat ng gugustuhin mong tao pero please, 'wag si Calix." Sabi ni kuya.

"W-why?? Why? I don't understand? Ipaintindi mo sa'kin, Kuya!" Now I'm being emotional again. This was the longest day of my life, like wala akong ginawa kundi umiyak nang umiyak.

"Kuya, hindi pa ba sapat na pinilit nyo akong kalimutan yung childhood ko para lang sa trauma ko na kayo rin naman yung may gawa" sabi ko.

"Aden! Enough!" Galit na sabi ni kuya.

"Bakit kuya? Totoo naman 'di ba? Lahat ginawa nyo lahat ng Psychologist na kilala nyo nilapitan nyo, dinala nyo pa nga ako sa ibang bansa 'di ba? Para ano? Para makalimutan ko yung nangyari!" Sigaw ko sa kanya.

"Please. Walang may gusto sa nanyari, Aden"

"Walang may gusto kuya, kahit ako, hindi ko gusto. Pero ako yung nagbayad ng mga kasalanan nyo. I WAS RAPED by my kidnappers, kuya! Muntik na akong masaksak pero pasalamat ako dahil sa kaibigan mo na hindi ko na matandaan dahil bata ako that time! I was raped and a child, kuya." Sabi ko habang umiiyak.

Nagsimula na ring tumulo ang luha ni kuya August. Hindi siguro sya makapaniwala na natatandaan mo na yung mga pangyayaring 'yon na dapat ay nakalimutan ko na. And yes, that's true, that was the time na nakidnap ako ng mga kaaway na gang ni papa and kuya. Nakalimutan ko naman talaga yung mga pangyayaring 'yon pero unti-unti ring bumalik. And wala akong pinagsabihan dahil gusto kong ma-overcome yung trauma ko.

Lumapit sa akin si kuya at niyakap nya ako.

"Aden, baby, ginawa namin 'yon para matulungan ka na huwag lumaking miserable ang tingin mo sa sarili mo. Ginawa namin 'yon dahil mahal na mahal ka namin"

Lalo akong naiyak dahil ngayon na lang ako ulit tinawag na baby ni Kuya August, yan kase tawag nga sa'kin nung mga bata pa kami pero dahil nga kailangan ng kalimutan ang nakaraan, pati yung mga endearments, damit, laruan ay pinatapon at pinapalitan din.

"Pero kuya, yung trauma na 'yon na tinanggal nyo sa'kin, parte sya ng pagkatao ko eh, oo trauma sya and that's not a good thing but that makes me whole eh. I am not saying na mabubuhay ako sa trauma na 'yon but what I'm saying is sana binigyan nyo ako ng chance na labanan yung mga past experiences ko kase lalo lang akong nagmukhang mahina dahil sa ginawa nyo." sabi ko sa kanya.

Umupo kaming dalawa sa sofa at humarap sya sa'kin. Hinawakan ni kuya ang pisngi ko.

"Sorry baby ha? Duwag kase si Kuya that time eh. Alam mo ba kung bakit ko tinuloy pa rin yung gang kahit na may nangyari nang hindi maganda dahil sa mga gang na yan? Dahil gusto kong protektahan ka, sa paraang alam ko" sabi ni kuya.

Ito yung version ni kuya na namiss ko. Ganitong ganito sya ka soft sa akin nung mga bata pa kami.

"Thanks kuya, for being a good brother to me. So, sasabihin mo na ba sa akin kung bakit umalis si Calix sa grupo nyo"

Napatigil sa saglit at sumandal sa sofa.

"Gaano mo ka-mahal si Calix?" Tanong nya.

Napaisip ako kase hindi naman kami okay ngayon. At ayoko rin namang sabihin kay kuya yung nangyari kase magwawala 'to.

"I cannot measure love kuya. Kase 'di ba, nakikita yun sa actions" sabi ko na lang. Ang showbiz ng sagot ko pero I don't have a choice.

"Pero the fact na jinowa mo yung mortal na karibal ng kuya mo, maliwanag na mahal mo talaga sya ng sobra" sabi ni kuya.

"Kuya naman eh.."

"So ano nga? Nag-away ba kayo? Ay alam ko na, may pinag agawan kayong chix 'no?" Sabi ko sa kanya.

"Aden, imposible yan, bata pa lang kami alam ko na gusto ni Calix at hindi ang babae" sabi nya sa'kin.

"Woah talaga kuya? As in? Alam rin ng buong D'Altas??" Tanong ko naman.

"No. Kaming dalawa lang nakakaalam." Sagot nya.

"So ano nga nangyari? Bakit umalis sya sa grupo" tanong ko ulit.

"Hindi sya umalis, pinaalis sya" sagot ni kuya.

Natahimik ako sa sinabi ni kuya dahil kahit 'di nya sabihin, alam kong sya ang nagpaalis kay Calix dahil sya ang leader ng gang.

"Bakit mo sya pinaalis, kuya?" Tanong ko.

"Sinuway nya kase yung Bro Code?" Sabi ni Kuya.

"Bro code?" Pagtataka ko.

"Yes. The code was, huwag kang magkakagusto sa kapatid ng kagrupo mo" sabi ni kuya.

Natahimik ako bigla at napaisip. Kaninong kapatid?

"Now, sa tingin mo, bakit galit na galit ako kay Calix?" Tanong ni kuya dahil nakikita nya sigurong nagtataka pa rin ako.

At nanlake ang mga mata ko ng marealize ko ang gustong sabi ni kuya.

"Yes, Aden. High School pa lang tayo may gusto na si Calix sa'yo."

The Best of Both WorldsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon