CHAPTER 7: Kyle's Savior

108 29 7
                                    

Kyle's POV

        Nakaluhod ako ngayon habang nakatukod ang dalawa kong kamay sa lupa. Pinagmamasdan ang naguunahang pagtulo ng mga pawis at iilang butil ng luha ko.

        Nakaligtas ako, pero di ko alam kung sino ang tumulong sa akin. Humihingal akong umupo, nawala na ang sugat ko pero ramdam ko pa rin ang mga nangyari kanina.

        "Kyle! Iwas!", isang pamilyar na boses ang narinig ko.

        Tumingin ako sa direksyon ng pinanggalingan ng boses. Pero bago ko pa makita kung sino iyon ay napansin ko ang napakalaking troso na mabikis na bumubulusok pababa papunta sa akin.

        Pagod na ako, wala na akong lakas para magpalabas ng diamond para protektahan ko ang sarili ko.

        "Hangin maging palaso ka!", narinig kong sigaw ng boses na nagbabala sa akin kanina.

        Di na ako nakagalaw pinagmasdan ko na lamang ang pagbagsak ng troso sa akin.

        Pero laking gulat ko ng bago pa man tuluyang bumagsak ang troso sa akin ay sunod sunod na palaso ang tumama dito. Mahinang pagsabog ang naganap na naging dahilan ng pagkapira-piraso ng troso.

        "Ayos ka lang?", biglang may nagsalita sa likod ko.

        Kilala ko na sya , Sya yung babaeng nagligtas sa akin nung una akong nakipaglaban. Sya rin ang babaeng nagpatibok ng natutuog kong puso.

        "Kyle ayos ka lang?", natauhan ako ng inuga nya ang balikat ko habang kaharap ko na sya.

        "Kenda ?" , tanong ko. Di ko makapaniwalang niligtas nya ulit ako.

        "Anong nangyari? ", tanong nya.

Kenda's POV

        Kakauwi ko lang ng bahay ng may narinig akong pagsabog sa di kalayuan.

        "Nay narinig mo yun?" , tanong ko kay nanay.

        "Yung ano?", tilang nagtatakang tanong ni nanay.

        "Yung parang may sumabog", sabi ko.

        "Hoy DADA, nung nakaraan may nakikita ka na di ko nakikita ngayon naman e may naririnig ka na di ko naririnig. Tigil tigilan mo na yang panonood mo na animeha! pati sa totoong buhay e dinadala mo na yang mga napapanood mo", sermon ni nanay sa bay pengot sa taenga ko.

        Tsk, ang nanay talaga si na nakontento sa pagsermon at piningot pa ako. Pumasok na ako sa kwarto ng bigla ko na namang narinig ang pagsabog.Binuksan ko ang bintana at dahil na rin sa gusto kong malaman kong ano yung naririnig ko ay sa bintana na ako dumaan para hanapin ang pinanggagalingan ng pagsabog.

        Muli narinig ko ang pagsabog at may nakita rin akong pulang liwanag sa di kalayuan. Nang makarating ako ay nakita ko si Kyle na nakaluhod at tila ba pagod na pagod. Ang sumunod na pangyayari ang di ko inaasahan.Biglang sumulpot ang malaking troso sa bandang ibabaw ni Kyle.

        "Kyle! Iwas!" , sigaw ko.

        Agad syang lumingon para tingnan ako pero bago pa man nya ako makita ay naagaw ang atensyon nya sa malaking troso na babagsak sa kanya. Hindi sya gumalaw bagkos tila inaantay nya na lamang ang pagbagsak ng troso sa kanya.

        "Hangin maging palaso ka!", utos ko.

        Nagsulputan naman ang mga hanging palaso ko at sunod sunod na pumunta sa trosong pabagsak kay Kyle. Lumikha ito ng pagsabog. Nagkapira-piraso ang mga troso. Agad kong pinuntahan si Kyle.

        "Ayos ka lang?," tanong ko sa kanya.

        Pero di sya gumalaw tila ba may iniisip ito.

        "Kyle ayos ka lang?," uyog ko sa balikat nya ng makapunta na ako sa harapan nya.

        "Kenda?", tila gulat na tanong nya.

        "Anong nangyari?", tanong ko.

        Pero bago pa sya magsalita ay napansin ko ang malalaking bato na galing sa himpapawid pabagsak sa amin.

        Ano ang gagawin ko? Hindi ko pwedeng gamitin ang mga palaso ko dahil babagsak lang din ito sa amin at sa kadahilanagn napakadami nito. Kung ang Diamond Armor ko naman ay sarili ko lang nag maproprotektahan ko. Anong gagawin ko.

        (Ano kaya ang gagawin ni Kenda para maprotektahan ang sarili at si Kyle? Sino kaya ang nasa likod ng mga naturang pagatake at ano kaya ang abilidad nito?)

*wew matagal tagal din ako ng di nakaupdate super busy kasi... salamat mo sa mga nagbabasa kahit papano... magcomment po kayu kung naguguluhan kayo sa kwento hehe.... salamat po ulit...

ABILITY USER ni Kenda LeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon