Prolouge

9 3 0
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, and incidents are products of the author's imagination and are used fictitiously. Any resemblance to actual events, places, or person, living or dead, is purely unintentional and coincidental.

This story may contain sensitive content, strong language, and trigger warnings that may not suitable for very young readers. There may also be typographical and grammatical errors along the way, please do bear with me.

short info.

This is a series about three friends, having 'de' on their surnames, dealing with their own and different lives. Each story has different genres and may contain spoilers for the other stories. All stories of this series will be written in TagLish.

Happy Reading, my Seashells!

</3

"Ms. Cha!" Tawag namin ng kaibigan ko sa dapat na class adviser ko this whole school year.

Narinig kami ni Ma'am kaya humarap sa direksyon namin, hinahanap ang pinanggalingan ng boses na tumawag sa kanya.

Lumapit kaming dalawa sa kanya para makita na niya kami.

"Oh, Louisa, Vianca, kayo lang pala." Ngiti niya at parang may biglang naalala.

Nagulat ako at kilala ako ni Ma'am kahit na third day pa lang ng pasukan.

Hindi ko alam kung dahil ba mataas ang mga nakuha ko sa pre-assessment tests o nagandahan siya sa 'kin, char.

Noong first day 'yon at absent ako kahapon dahil may kinuha pa kami sa dating school ko sa Manila, requirement rin dito sa school na nilipatan ko. Buti nga at pinayagan kami makapag-enroll kahit wala pa 'yong Form 137 ko.

Kakalipat lang namin dito sa Cavite mula sa Manila. Nakakapanibago man dahil mas malalaki at malalawak ang mga school doon, pero masasanay rin ako.

"Oo nga pala. Louisa, may bagong section na ginawa ang school para sa transferees, at kasama ka sa ililipat doon." Sabi ni Ma'am.

"Opo, nasabi na po sa 'kin ni Vianca habang sa biyahe kami. Tanong ko lang po kung anong section ko at saan po 'yung room?" Tanong ko agad para hindi kami matagalan sa pag-uusap ni Ma'am.

"Um, 'yon ang hindi ko maalala..." Sagot niya habang may hinahanap sa bag niya. "Nasa room ata 'yong listahan, nak. Sundan niyo muna ako."

Tumango na lang kami ni Vianca at sinundan namin siya papunta sa room ng klase niya at ni Vianca, pati ako dapat. Nasa likod ng school ang building ng room na 'yon.

"Louisa, kita nalang tayo sa waiting area mamayang uwian ah." Sabi ni Vianca pagkasiko niya ng mahina sa 'kin.

Tinanguan ko na lang siya at tsaka ngumiti pagkatapos.

Nagkakilala kami nung first day, siya unang nag-approach sa 'kin. Tanong siya nang tanong, tamang sagot na lang ako kaya nagkasundo rin kami kahit papaano.

Nang makarating na kami sa classroom nila, pumasok na si Ms. Cha at si Vianca. Nung sinenyasan na 'ko ni Ma'am para papasukin, pumasok na rin ako.

Pagpasok ko medyo tumahimik 'yung buong klase at naramdaman kong nagtinginan sila sa 'kin. Shet, ayoko ng feeling na 'to.

"de Luna..." Mahinang sabi ni Ma'am habang hinahanap ang pangalan ko sa papel na nasa lamesa niya. "Ito! 9-Ruby ka, nak. Malapit sa gate 'tong room niyo, 'yung dating English Faculty 'to." Paliwanag niya at unti-unting tumingin sa akin.

Challenged by The Wind (de Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon