I'm so busy kaya hindi ako makapagupdate plus navirus ang computer namin so nawala ang ibang drafts ko. Atleast dito, makakabawi ako sa inyo. I hope you like it!
**
"Sorry Miss Vanessa. We can't do anything about this. You'll only live one year. I'm very sorry."
Paulit ulit na naririnig ko sa isip ko. Npahawak ako sa gilid ng upuan habang tinitingnan ang mama kong nagmamakaawa sa doktor na pagalingin ang katulad kong wala nang pag-asa. Tumingin ako sa doktor at pilit na ngumiti, "Salamat ho."
Lumipas ang sabado at linggo, ginawa ko ang lagi kong ginagawa at bumalik sa pagbabasa ng libro na talagang hilig ko. Habang nagbabasa ako, napaisip ako. May libro ba sa langit? Makapagbasa pa kaya ako ng mga nobela kapag kinuha na ako ni kamatayan? Itinigil ko ang pagbabasa at kumuha ng papel at ballpen.
Mga aking kahilingan bago manalo si kamatayan:
1. Maghanap ng lalaking masungit na handa kang samahan hanggang sa huling bucketlist.
2. Magdoorbell sa pintuan ng kapit-bahay, sabay takbo.
3. Mag-Group Msg. ng "Itinago ko ang bangkay."
4. Pumunta sa elevator at sabihin, "Alam kong nagtataka kayo kung bakit kayo pinapunta dito."
5. Gumawa ng vanilla pudding at ilagay sa mayonnaise jar.
6. Yumakap ng lalaki sa daan at tanungin kung bakit hindi ka sinipot sa date niyo.
7. Titigan ng masama ang isang tao at sumigaw ng, "KASAMA KA SA PUMATAY!" sabay takbo.
8. Tumawag ka sa kahit na sino at kapag sinagot nila, sabihin mo sa kanila na wala kang panahong makipag-usap.
9. Pumunta sa isang lugar na maraming tao at sumigaw nang.. "Nakahubad ako!"
10. Pumunta sa library at nagtanong kung meron ba silang libro sa "kung paano magbasa?"
Natawa ako sa mga pinagsusulat ko kaya sineryoso ko na ang mga sumunod..
11. Isayaw ang papa ko sa gitna ng ulan.
12. Mahawakan ang rainbow.
13. Maging Valedictorian.
14. Magbasa ng 350 novels.
15. Mapagbago ang isang tao.
16. Mag-alay ng tula sa isang tao.
17. Ipagluto ang espesyal na tao sa buhay mo.
18. Makatanggap ng surprise.
19. Sabihin mo sa kanya kung gaano mo siya kamahal.
20. ???
Wala na akong maisip sa panghuli kaya itinigil ko na ang pagsulat at natulog na. Kinabukasan, masaya akong pumasok na para bang wala akong natanggap na balitang ikinaguho ng mundo ko.
"Vanieeee!" napatingin ako sa direksyon ng sumigaw ng nickname ko. Si Fleur, ang matalik kong kaibigan. Niyakap niya ako ng mahigpit, "Kamusta? Puro basa ka na naman ng libro noh?" natatawa niyang sambit.
Tumango tango ako, "Oo, alam mo namang dun lang umiikot ang mundo ko."
Pumasok na kami sa kani-kaniya naming klase dahil hindi naman kami magkaklase ni Fleur. Maayos naman ang diskusyon ng mga guro ko hanggang sa tumunog na ang bell.
BINABASA MO ANG
Huling hiling(One SHOT)
Teen FictionKalaban ko si Kamatayan. Kung kailan nagsisimula na akong maging masaya, dun niya akong pilit na nilalabanan at hinihintay ang pagkamatay ko. Handa naman ako. Handa akong matalo sa laban naming dalawa. Kaso, kapag natalo ako, papaano na ang mga taon...