******"Rain!!!" Nagising naman ako sa sigaw ng kapatid kong babae na si Rinna.
Bumangon naman ako at tiningnan ang clock sa giliran ko.
"Huwaaaahh!!! Late na ako!!!" Sigaw ko.
Agad akong umalis sa kama at dumiretso sa banyo ko.
"Ayan kasi ang tagal mong matulog.. alam naman nating first day mo ngayon, mag fforth year kna kaya--"
"Grabi naman yang bibig mo -_- tumahimik ka na nga! Alam ko na po magmamadali na," singit ko, kung maka daldal ang baliw, di porket ate ko sya -3-.
**
"Alis na ako!!!" Paalam ko sa kanya at lumabas na ng bahay.
Paglabas ko sa bahay agad na akong nagsimulang tumakbo, tinatakbo ko lang ang school namin galing bahay.
Oh, sorry nakalimutan kong ipakilala ang sarili ko, ako nga pala si Rain Shuverill
Alam ko kakaiba ang last name ko -but who cares.
Pagdating ko sa school, madaming mga students ang dinodumog ang bulletin board, may mas sikat pa pala sa mga artista, naiinggit tuloy ako sa board.
Nakisiksikan na ako dun sa mga nagkukumpulan para makita agad ang section ko,
Yes! Nakasingit ako, Lucky~ san kaya ako na sec...
Rain Shuverill-Class 4-F
F-F? Bakit nasa F ako?
"Ang daming nasa Class 4-F ngayon noh?" "Oo nga, ang malas naman nila," "buti nalang nag study ako ng mabuti," "malas ng mga nakalistang name jan," "mukang di sila nag siryoso noh?" mga bulungan ng mga students na di napunta sa class F.
Napakuyom nalang ako bigla...
Di nagseryoso??
"S-siniryoso ko naman, bakit ganito," bigla kong sigaw pero natahimik agad ako.
"Class 4-F sya?" "Umalis na nga lang tayo," "baka mahawa tayo sa kanya," "well, good luck sa kanya," mga bulungan nila at lumayo sa akin.
Kainis, pano 'to nangyari? Imposibleng nasa F ako, inayos ko naman ahh? Nag-aral ako ng mabuti para di lang makapasok sa class na'to! Pero san ako napunta!? Sa class na ayaw ko!
Napayuko ako habang ang mga students ay lumalayu na sa'kin.
Sinimulan ko nang ihakbang ang mga paa ko patungo sa loob ng building.
nang pagpasok ko sa building malungkot akong naglakad sa daanan habang nagbubulungan ang lahat.
Lalo akong nainis sa sarili ko, bakit ba ako nakapasok doon, inayos ko naman ah, nagpakahirap ako.
Nang aakyat na ako patungong 2nd floor may kumalabit sa uniform ko kaya napalingon ako.
Isang babaing naka pigtail, "uhm, ikaw ba si Rain? Taga class F ka diba, hali ka sundan mo ako," sagot nya.
Sinundan ko naman sya kahit wala akong kamalay-malay kung san ang punta namin, at pano nya nalaman na taga F ako.
Bigla kaming bumaba.
So may basement pala ang school na'to? Para saan ang--
Nahinto ako sa pag-iisip nang mabasa ko ang nasa taas ng pintuan.
Class 4-F
Wag mong sabihin na ito ang room ko?
Ito ang room ng 4-F?
BINABASA MO ANG
Operation: Assassinating our Vampire Teacher. (TYPING...)
Ação||Ongoing|| GENRES ||Action||Romance||Epic|| I the author of this story is inspired of Assassination Classroom, an anime series :). NOTE: READ BEFORE YOU JUDGE :D.