Chai's POV
"AAGGHH!!" narinig naming may sumigaw.
"Si Kim!!" Sigaw ni Kobe.
Shit. Baka ano nang nangyari sa kanya.
Dali-dali kaming tumakbo papunta sa Announcement Room.
Pagdating namin doon....
F*ck. Si Kim duguan.
Dali-dali siyang binuhat ni Claude at Kobe papunta sa parking lot.
Wala na kaming pakialam sa mga bulungbulungan ng iba.
Binilisan ni Kobe ang pagdrive papunta sa ospital.
Dinala agad siya sa Emergency Room.
Shit. Di kami pwedeng pumasok.
"Tawagan mo si Ken, Marrieylle. Sabihin mo nandito si Kim sa ospital."
Agad namang niyang tinawagan si Ken.
Mga ilanag minuto, nandito na rin si Ken.
Ken's POV
SHIT. Ano ba kasing nangyari sa babaeng yon ??
Pagdating ko sa ospital ay dumiretso ako agad sa Emergency Room.
"ANONG NANGYARI KAY KIM?!?" Di ko mapigilang sumigaw. Nakakabahan ako.
"Nasaksak ng knife yung binti niya kanina." Walang emosyong sagot ni Kobe.
"Bakit?? Ano bang nangyari??"
"Nag-aalala kasi siya kung ano nang nangyari sayo kasi di ka niya nakita. May biglang sumabog sa field kanina. Puno ng dugo. Baka iniisip niya na ikaw yun. Kasi nga di ka niya nakita. Nung nalaman niyang nasa Announcement Room ang may pakana ng lahat, agad siyang sumugod doon nang walang kasama. Di na namin alam kung anong nangyari sa loob AR kasi di niya kami pinasunod sa kanya. Narinig na lang namin siyang sumigaw kaya pinuntahan na namin siya then nakita na namin siyang duguan ang binti." Sagot sa akin ni Chai.
Napasabunot na lang ako sa buhok ko. Bakit kasi di ko sinabi sa kanya agad na hindi ako makakapasok.
"Wag kang mag-alala. Malakas yung babaeng yun. Di yun natatakot sa patalim at saka masamang damo yun ehh." Sabi ni Chai.
Sana nga.........
Biglang bumukas yung pinto ng Emergency Room..
Lumabas si Kim.
Sinalubong ko siya agad at niyakap ng mahigpit. Namiss ko tong batang to. Para kasi yang bata minsan
Kim's POV
Niyakap ako ni Ken ng mahigpit . Halos hindi na ako makahinga. Grabe na man to.
Pero bakit ang init ato nito??
"Bakit ang init mo??" Tanong ko sa kanya. I'll expect a very good answer.
"Because I'm hot." Nakangisi niyang sagot. Sabi ko na nga ba.
Binatukan ko nga. Ang hangin ehh.
"Mahiya ka naman sa sugat ko no?" Sarcastic kong sagot. Kainis eh.
"May lagnat ako." Ay shit. Ano ba yan.
"Bakit di mo sinabi sa akin? Haa ?" Binatukan ko ulit.
"Aray! Nakakailang hampas ka na ha. Ikaw kaya hampasin ko?"
"KAYA MO??" Sagot ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
I'll Protect You-FOREVER
Teen Fictionthis story ay katuwaan lang po. First time ko magsulat ng story so pagpasensyahan kung hindi maganda.