CHAPTER 11

2 3 0
                                    

THEA'S POV

"OH my god! So hindi ka nga nagsisinungaling!!." si sand na hindi parin makapaniwala sa sinabi ko. Magkahawak ang dalawang kamay sa magkabilang pisngi habang napapatili. Hindi ko alam kung ano bang nakakatuwa sa ginawa ko. O kaya nama'y nakakakilig base narin sa reaksyon ng pinsan ko.

Ikinuwento ko kase sa kanila ang nangyari kung bakit ganun na lang ang kilos maging ang iniasta ko kanina. Naikwento ko bagaman hindi buo. Hindi ko na binanggit ang taong hinabol ko na hanggang ngayon ay palaisipan parin sakin kung sino. Maging iyong tunog na narinig ko na pati iyon ay naging misteryoso. Tanging ang pagsalubong at pagharang niya lamang ang naikwento ko maging ang paghatid sa room nun ang ibinahagi ko.

"Kaya pala ganoon na lang ang mood mo kahapon." si Camille.

"Ikaw ba naman malate. Syempre talagang mababadtrip ka." Turan ni Sand.

"Eh bakit ka nga ba naroon? Ano namang ginagawa mo roon?" may pag-uusisang tanong pa uli.

"Kaya nga. Anong ginawa mo dun?" pahapyaw pang dugtong ni Camille.

Hindi ako nakasagot. Hindi ko alam ang sasabihin. Ayoko rin namang magsinungaling. Nanatili lang akong tahimik. Nag-aantay na may magbukas ng panibagong topic.

"So you really know each other huh?".

Alam kong nahalata ni Charle ang pananahimik ko.  Alam kong napansin niya ang hindi ko pagsagot sa kanila. Bahagya akong nakahinga.

"Hahaha grabe ka noh." namamanghang anas ni Camille. "Sa totoo lang nakakabilib ka.Kung iba yun ay nahimatay na" ayon parin ang bilib sa pananalita niya.
"At yung ginawa mo grabe!" dagdag niya pa saka natawa.

"ay oo nga. Ikaw Thea ha ang bad bad mo."  kunwaring nagtaray pa si sand. "Talagang inapakan mo si Hero.Sakit nun ha.Tyaka nakakainis ka". Ngumuso na naman.

"Bakit ba?" inosenteng tanong ko.

"Kase naman nakipagsiksikan pa ako dun halos nga maipit  na ko sa kakatanaw sa kaniya sa deans office tapos nung lumabas eh, hindi man lang namansin." nagmamaktol pang aniya. "Tapos isang pikit ko lang at pagmulat ko, omg kausap mo na and magkalapit pa. Nakakainggit naman!. Tapos inapakan mo lang kawawa naman ang hero ko." natawa naman kami. Masyado kaseng maraming arte sa buhay kaya simpleng bagay lang ay pinoproblema.

"Correction Geru." pagkaklaro pa uli ni Camille.

"Gusto mo ba sand ng autograph mula sa kaniya? Hihingian kita. Ilan ba gusto mo? Isang daan?" Ani charle saka natawa. Kita ko naman ang pagtaray ni sand. Naaasar na. Masyado kaseng pikunin. "Pwede mo nang ipaskil sa pader ng kwarto mo. O kaya naman letrato, baka kase di ka makontento sa pirma lang hahaha."

"Hoy! Charleston Antonio." sigaw ni sand ng buong pangalan ni Charle dahilan para magtawanan ang ilan sa mga kaklase naming naroon rin.
"Kung aalis ka eh umalis kana. Masyadong umiinit ang atmosphere dito."

"Dahil ba hot ako?" 

"Ha? Yucks!" may pandidiri sa pananalita "Did you even hear what you are saying. Another assuming ewww."

Natatawa na lang habang umiiling-iling pang nagpaalam samin si Charle. May pupuntahan pa raw kase siya. Hindi niya rin sinabi kung saan.
Nauna na siyang lumabas samantalang kami ay naglinis muna sa room.
Matapos ay dumiretso na kami sa music hall kung saan magpapraktisa sila Camille at sand. Wala pa naman ang iilan sa miyembro nito kaya tumambay  muna kami sa bench sa labas.

"Pero I didn't expect na gagawin mo talaga yun." si Camille na patungkol parin sa kanina ang topic.

"Bakit?. Ibubully niya rin ba ko?" di ko maiwasang itanong yun.

Journey Of Love(ONGOING) Where stories live. Discover now