X

64 5 2
                                    


JXD note: Dedicate ko'to sa mga taong hindi pa move on sa X niya.
Ang masasabi ko lang..  Kumanta ka nalang ng ABCD at laktawan si X ng sa ganon makalimutan mo siya :) :)

And wait...

A 'x' is called an 'ex' because it's an EXample of what you shouldn't have again in the future... ©

Chu~ ♥

~±~±~±~±~±~±~±~±~±~±~±~±~±~±~±~

***
X

Minsan letter.
Kadalasan nakaraan mo.

***

Grabe naman yan!  Lakas makahugot. Tsaka bakit ko ba yan binasa?!  Lintek naman kasi yang GM ng mga ka text ko eh..

Alam ko namang kasi sa sarili kong may nakaraan  ako. Siguro, masyado lang akong na apektuhan nung nag break kami. O kaya baka.. Mamimiss ko lang siya?..

Wait!! Mali yan! Anong namiss ka jan Alex!? Sira ulo kana ba!? Huwag mong sabihin mahal mo pa yung ex mo?

Sabi ng Konsensiya ko.

Bigla naman akong nanghina sa sinabi nung utak ko. Siguro nga mahal ko pa yun...

Pero kasi eh! Sa tuwing naalala ko yung scene na kung paano kami nag break up, naiinis na naman ako.  Yung feeling na ang sarap pugutan siya ng ulo.

Flashba--- Takte! Sariwa pa! Huwag muna mag flasback. Huhuhuh Author!!! Maawa ka.

JXD: Tumigil ka Alex!  Ipaflashback natin sa away at sa gusto mo!

Huhuhuh sige na nga.

Flasback...

"Hon, pinapatawag mo daw ako?" Tanong ko kay Melvin. Andito kasi kami ngayon sa park.

"M-may mahalaga kasi akong sasabihin sayo." Siya. Teka ano naman yun?

"Ano yun Hon?" Nakangiti kong tanong sa kanya.  Pero kahit nakangiti ako hindi ko maiwasang kabahan sa isasagot niya.

Bago magsalita si Melvin, bigla namang lumabas si Yna. Best Friend ko.. Anong ginagawa niya dito?

Pagkalabas niya kung saan man siya nagsususuot, bigla siyang tumabi kay Melvin. Teka naguguluhan na ako!?

"Ah Alex..." Pagsisimula niya. Pero hindi siya makatingin sa akin. Nangingilid na yung mga luha niya sa mata. Nakakaiyak ba  yung ikekwento niya?

"A-ano?"  Tanong ko. Pati ako parang maiiyak narin. Kasi nakikita kong umiiyak yung taong mahal ko.

"Itong si Yna...a-at a-ako may r-relasyon..." Yung kaganinang nangingilid lang yung mga luha ko. Ngayon tumutulo na parang nasa gripo.

"H-huh? Anong relasyon? Mag kamag-anak b-ba kayo?" Tanong ko sa kanila. Baka kasing yung sinasabing relasyon na yan baka mag kamag anak sila. N-ngayon lang s-siguro nila nalaman.

'Tss! Martir!'  Sabi nung utak ko.

Siguro nga.

"Alex, hindi kita mahal. Ginamit lang k-kita p-para pag selosin s-si Yna. Bukod doon may sikreto rin k-kaming relasyon! D-dati pa! Mag iisang taon na kami bukas. M-mas mabuting sabihi---"  hindi ko na pinatapos yung sasabihin ni Melvin dahil ang sakit sakit na.

"Tama na!  Maliwanag na s-sakin okay!? A-ano bang magagawa k-ko? Mahal niyo yung isa't-isa. T-tanggap k-ko na. P-pero may gagawin akong isang b-bagay, pag katapos n-nito a-alis na a-ako." 

Huminga ako ng malalim at lumapit sa kanila.

*Pak!

"Isang sampal sayo Yna, dahil n-napahanga ako sayo! Ang galing mong magtago ng sikreto ha!" Pagkatapos nun, humarap ako kay  Melvin.

*Pak!

"Isa ring sampal sayo Melvin, ang galing mo ring mag panggap!"

Kahit pa paano naginhawaan ako ng onti sa ginawa ko. Kaya umalis na ako ng pag katapos nun.

Magsama silang magagaling!

End of Flashback...

Diba ang sakit lang?

Pero sa kabila nun, iniisip ko na sana may dahilan kung bakit nakipag break siya sa akin. Sana nga.. Sana..

Kesa naman sa wala diba!? Dahil kung wala nga aba'y gago siya?!

Teka! Tama na nga 'tong kakaasa! Baka Masaktan na naman ako eh.

Haayssss...

Ang sarap pa naman umasa. Ang kaso masakit nga  lang. Kaya ikaw na nag babasa ka! Huwag ka nalang umasa, dahil nasa reality ka. Kasi kung ipagpapatuloy mo pa, baka madagdagan sa ating mundo ang population ng mga bilang ng umaasa.

So  back tayo topic ng kwento ko..

May nawala pa nga sa akin pag katapos nun eh, na kung saan dati iniingatan ko pa. Yung nawala lang naman  ay yung puso ni Melvin well not literally na puso kung baga, yung pagmamahal niya--teka! Hindi pala niya ako minahal! Paano niya pa aangkinin yun?!

Tsss! Tanga ko talaga! Broken Hearted na nga eh.

So ito ako ngayon, mukmok sa kwarto buong araw, iyak sa tabi ng unan, nagdedelete sa mga picture sa cellphone.

Hanggang sa may nag text sa akin....

Napangiti ako ng nabasa ko yun. May silbi pala yung mga katext ko kahit papaano.
  

Eto lang naman nakalagay...

***
Huwag kang magpakatanga sa ta0ng hindi ka naman binigyan ng Halaga.
.
.
Gumising ka at ipakita mo sa kanya na sa inyong dalawa siya ang mas hangal dahil hindi nya binigyan Halaga ang tulad m0ng TAPAT KUNG MAGMAHAL.

***

Yung mga ganyan! Ang lakas makahugot.

Sa gitna ko ng pag-iisip, bigla naman ulit may nag text.

***

Alam kong nasasaktan ka pa pero ipakita mo parin sa kanya na mas matibay ka!

Hanggang sa marealize niyang tanga pala siya, para iwanan ang  pinakamahalaga sa kanya.

Okay  ba?

Oh MOVE ON kana!

***

One Shot Short Stories CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon