22

62 4 0
                                    

Hindi makawala sa aking labi ang ngisi habang tahimik kaming tumatakbo palabas ng school. Para kaming mga kawatan. Parehas pala kami ng iniisip. Na naiirita sa mga babaeng umaaligid sa kaniya at sa lalaking umaaligid sa akin. Naglalaro naman sa isip ko ang relasyon namin ni Art.

Thinking him as my boyfriend makes me think about other things. I am no saint and I've sometimes think of us kissing and hugging. Madalas ko ring napapasadahan ng tingin ang kaniyang labi kapag nagsasalita siya.

And now that he's already my boyfriend, I feel excited to do those things with him.

Madilim ang school pero may ilang ilaw. Dahil medyo malayo itong closed gym sa labas, nadaan pa kami sa madilim gawi ng school. Hindi ko alam na sa puntong ito, makakaramdam ako ng takot dahil sa pang-aasar niya.

"May nakasunod sa'tin!" Aniya na muntik ko pang ikinatili at tumakbo. Nakaheels nga pala ako at buti na lang ay inalalayan ako ni Art at natatawa akong niyakap.

"Muntik pa tuloy akong madapa!" I hissed at him and hold onto his arm for support.

"Saan tayo pupunta?" Si Art nang successful kaming nakarating sa parking lot. Nasa loob na kami ng sasakyan niya.

Inayos ko ang sarili lalo na't ang gown ko ay nagusot. Buti na lang at may seamless na strap itong gown ko kung hindi ay baka lumuwa na ang kaluluwa ko kakatakbo kanina.

Iyon ang unang beses kong ginawang kalokohan. At kasama pa si Art, hindi ako nakaramdam ng konsensya o ano. Hindi ko lang maisip na makakagawa ako ng ganoon.

"Drive thru tayo ta's road trip?" Aniya na ikinakunot ng noo ko at inilingan siya.

Road trip eh anong oras na? Parehas kaming malalagot.

"Sa condo ko na lang" I suggested. Unti-unti siyang umiling sa akin na para bang isang malaking kasalanan ang sinabi ko.

May galit ba siya sa condo ko?

"Sa ano na lang... sa park.." aniya tsaka binuhay ang sasakyan. Hinarang kami sa gate pero nang magpakilala si Art ay pinalabas din kami.

Unti-unti naman akong kumalma. Lumilipad na ang isip ko sa anong pwede naming gawin ni Art. Gabi na at magdadrive thru na lang kami ng pagkain.

Napatingin naman ako sa suot ko. Sana hindi maweirduhan ang taong makakakita sa amin. Mukha kaming takas na abay sa kasal.

Dumaan kami sa isang fast food chain at umorder si Art ng makakain at drinks. Nagtungo naman kami sa isang malapit na park. Nakabukas lamang mga ilaw sa poste at walang tao. Hindi ko na rin inexpect 'yon. It's already 10 PM.

"Ang ayos ng sagot mo kanina ah?" I said before sipping on my drink. Humarap naman siya sa akin at natawa sa sinabi ko.

"Ganda noh? Ganda mo" aniya at inabot pa ang mukha ko at pinisil. Umirap ako at hinayaan na lang siya.

"Ano bang magagawa na'tin dito?" Sabi ko at sinuri ang paligid. Tahimik ang park at tanging ilaw lang sa daan ang nakikita at sa poste. Sa harap ng kaniyang sasakyan ay isang lamp post na nagbibigay ng liwanag sa aming dalawa.

"Gusto mo tumakas, 'diba?" He said like it really was my idea. Tinaasan ko siya ng isang kilay.

"Ikaw nagsabi no'n!"

"You agreed" he backfired. I slump to my seat.

"Sa condo na lang kasi! Bakit ba ayaw mo?" Inis ngunit kyuryoso kong turan. Hindi ko maintindihan kung bakit ayaw niya sa condo ko!

Ngumisi lang siya at umiling. Nainis naman ako at pabirong sinakal siya at niyugyog siya. Agad niyang hinawakan ang kamay ko at inalis doon.

"H-huwag mo akong yugyogin, ang weird tignan kapag sa labas..." he whispered weirdly and looks at me straight in the eyes.

Touches of Cold Love (AS#4) [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon